Mas lalo akong napangiti, umiling ako para ibigay ang aking sagot.

"Kung ganoon ay bakit ka nakangiti diyan?" humakbang siya papalapit saakin.

Hindi ko inaasahan na lalapit siya saakin kaya naman nagulat ako. Ang buong akala ko ay masungit din ang isang to pero kabaliktaran lahat ng iyon. Noong araw na tinulungan ako ni Andre sa bus at pinahiram niya pa ko ng salapi, ay agad na nagpalambot ng aking puso. At ang isang pang nakakataba ng puso ay ang makita mong may isang taong pursigido sa pagpapansin sayo para lang mapansin mo.

"Wala po." natatawang kong sambit at lumayo ng kaunti dahil masyado na itong malapit.

Narinig ko naman ang malakas na kalabog sa mesa ni Davis at mabilis kaming napatingin sakanya. Binuksan niya pa ang isang butones kaya naman dalawang butones na ang nakabukas sakanya ngayon na mas lalong nagpagwapo sakanya. Padabog siyang umupo sa kanyang swivel chair.

"What's wrong bro?" tanong ni Alec sakanya.

"Paper works." at mabilis na tumitig sa kanyang laptop. Sinuklay muna nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at binasa ang kanyang mga labi.

Bumaling naman ulit si Andre na para bang walang nangyari. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Davis. Nakapangalumbaba siya habang pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang kanyang labi.

"Are you free later?" tanong naman ni Andre.

"May dadaanan lang ako mamaya, but i can manage. Bakit po?" sagot ko.

"Sunduin kita mamaya, let's eat dinner." nakangiti niyang sabi.

"What the fuck, Andre?" singit ni Davis.

"What bro? Si Avi ang inaaya ko, wag kang epal. Mind your own." sabi ni Andre at bumaling ulit sakin.

"You're not allowed to date my employee, Andre. Nakalusot ka na noon, not now." diin niyang sabi.

"Uh, tama si Sir Andre. Tsaka madami din akong aasikasuhin." sagot ko.

Narinig ko ang mabibigat na hininga ni Davis.

"Ok, next time then?" tanong niya ulit.

"I'm not sure." ngiwi kong sagot.

"Don't push our princess, Andre. Sasama naman iyan kung free siya." natatawang sabat ni Alec.

Pinakawalan naman ni Andre ang mabibigat na buntong hininga niya, "Ok next time."

Dahan-dahan akong tumango.

"Talaga?" gulat na mukha ang binigay sakin ni Andre.

Tumango ako ulit at ngumiti.

"Avina..." tawag ni Davis ngunit natabunan nito ng malakas na pagsigaw ni Andre sa sobrang saya.

Tumatawa si Alec habang tinitingnan ang masayang si Andre. Napangiti naman ako sa reaksyon ni Andre na animoy parang nananlo sa lotto. Bumaling ako kay Davis na nakapangalumababa pa din habang matalim na nakaititig sa nagdidiwang na si Andre.

Tumingin ako kay Andre na bakas pa din ang saya sa kanya, ngumiti ako at kumaway. Binato siya ng lukot na papel ni Alec at nagtawanan ang dalawa. Lumabas na ko ng opisina ni Davis at dumiretso sa opisina ko.

Ang maalala ko ang mga salitang binitawan ni Davis aynagpangiti saakin, at ang makitang nakabusangot ang kanyang magandang mukha kanina ay mas lalong nagpangisi saakin. Ang dapat kong iwasan na bitag niya ay hindi ko napigilan, nahulog na din ako.

Lumabas ako ng opisina ko para puntahan si Cyreen para kamustahin siya dahil hindi kami nag-abot kanina. Nang may humatak saakin at mabilis akong ipinasok sa isang silid. Napapikit ako sa gulat. Nang dumilat ako ay nalaglag ang aking panga ng makita si Davis sa harap ko.

"You can't date him." mariin niyang sabi.

Tumikom ako at bumaling sakanya, "Bakit?"

Kung akala niya ay mapapatinag niya ako ay nagkakamali siya. Kahit na siya ang boss ko at ako ay isang empleyado niya ay kailangan ko pa din ng rason. Umiwas siya ng tingin, "You're my employee."

Umiling ako, "Ah, dahil ba mayaman ang bestfriend mo at mahirap lang ako? Oo nga pala, di kami pwedeng mahihirap sainyo. Friendly date lang yon at wala iyong kaso." naiirita kong sabi.

"I don't care. Mayaman o mahirap ay pwede magdate, pero ayokong may date na magaganap."

Inaamin kong kinakabahan ako dahil kaharap ko siya ngunit di ako nagpatinag, "Bigyan mo ko ng rason." hamon ko sakanya.

Hindi siya agad nakapagsalita, lumayo siya saakin. Animo'y naguguluhan.

"Diba magkaibigan na tayo? Bakit di mo nalang ako suportahan?" dahan dahan kong sambit at inangat ko ang aking kilay. "Ang magkaibigan ay suportado ang isa't isa, ganon dapat."

"Diba bes?" dagdag ko at mariin kong sinabi.

Umigting ang kanyang panga, pabalik pabalik ang bukas ng bibig niya na para bang may sasabihin siya ngunit di niya ito matuloy. Pinapanood ko siyang ginugulo ang kanyang buhok at nag-iwas ng tingin.

"Bakit ayaw mong idate ko siya?" ulit ko.

Kumalabog ang puso ko, wala na akong pakielam. Ano naman ngayon kung gusto ko siya?

Yumuko siya at lumebel sa akin ang kanyang labi. Binasa ko ang labi ko at mas lalong kumalabog ang puso ko sa kaba. Mapula ang kanyang labi, at mas lalong pumula iyon ng kinagat niya iyon. Tumagilid ang ulo niya at para na kong lasing dahil sa ginawa niya. Lumapat ang labi niya sa akin.

Hindi ako makagalaw. Parang huminto ang mundo ko. Hindi lang isang halik at sinundan niya pa ng isa. "Fuck, this is fucking torture." pagkasabi niya muli noon ay inangkin niya muli ang aking labi.

Sumunod ako sa galaw niya at napahawak ako sa kanyang batok. Tumigil siya at pinagtapat ang pawisang noo naming dalawa. Hindi siya lumayo sa akin, matalim ang kanyang mga mata.

"I'm fucking jealous, baby."

Umigting ang panga niya bago itinulak ng padabog ang pintuan at lumabas.

Iniwan niya kong tulala at halos mapaluhod na sa kinatatayuan ko.

Buried AliveWhere stories live. Discover now