Ch. 17 Dragon Form

6K 194 7
                                    

Enchanted Tower Arc

Ch. 17
Dragon Form

"Oh?" Walang interest na reakto ni Rigel. "Sige lang. Halika rito, gawin mo."

Muli nag-ingay ang dragon kasabay ng pagngisi ni Rigel. Mariin namang hinawakan ni Yura ang espada niya at naghintay sa susunod na atakeng gagawin ni Rigel at Ragon.

"Ragon!" Tawag ni Rigel.

Bumuga ng apoy si Ragon. Kumilos naman si Yura at inilagan ang nag-iinit na apoy mula sa bunganga ng dragon. "Sword of Thunder! Thunder flash!"

Mabilis ang naging pagkilos ni Yura. Kumislap ang buong katawan niya at sa isang iglap, narito na siya nakatalon sa ere at nakatapat sa ulo ng dragon. Ang espada niya ay nakaamba sa ulo nito at napalilibutan ito ng boltahe ng kuryente.

"Sword of Thunder! Thund---!"

Natigil si Yura nang pinagaspas ng dragon ang pakpak nito at gumawa ito ng malakas na hatak ng hangin kay Yura. Nailipad si Yura sa 'di kalayuan at kamuntikan pa nga siyang mahulog sa labas ng bubungan mabuti na lang at naabot niya pa ang isang bahagi ng bubungan. Pagkatapak muli niya sa bubungan ay nakita niya ang pagngisi sa kaniya ni Rigel habang prente itong nakatayo sa tuktok ng dragon.

Napatawa si Rigel at lumipad na nga sa ere ang dragon sakay siya. Habang nakalipad ang dalawa sa ere ay mariing nakatingin naman sa gawi nila si Yura. Mahina namang tumawa si Rigel at itinaas nito ang sandata sa ere.

"Spear of the Fire Dragon..." Panimula niya at nagsimula namang palibutan ng apoy ang talas ng spear. "Dragon's Fang!"

Numeros na apoy ang sumugod patungo kay Yura. Kakaiba ang dating ng mga ito at sa nakikita at nararamdaman ni Yura sa mga apoy na ito, mapanganib ang mga ito kumpara sa mga naunang apoy. Hindi kayang iwasan ang lahat ng ito ni Yura kung kaya't naisipan niyang gamitan na lang ito ng kapangyarihan ng espada niya.

"Sword of Thunder! Thunder Flash!"

Gaya kanina, tila naging katawan ng kidlat si Yura at naiwasan niya ang mga mapanganib na apoy sa isang kislap. Nang malampasan niya ang mga ito ay naglaho na ang mga apoy na iyon ngunit nang pumatak ito roon sa bubong ay nalusaw ang bahaging iyon.

"Hmm... Magaling." Puri ni Rigel. "Isang patak lang ng apoy ng dragon's fang, matutulad ka sa pagkalusaw ng bubong na iyon. Napahanga mo ako. At ngayon mas gusto ko ng makita ang dragon mo! Sabihin mo, anong pangalan niya?" Lumapad ang ngiting ani Rigel.

"Hindi mo na kailangang malaman." Tanging tugon ni Yura. Tinignan naman siya ni Rigel at nainis sa naging tugon niya. Samantala, napangiti lang si Yura. "Fire dragon, huh?"

Napatingala bigla si Rigel sa langit nang bigla ito nagdilim at napakagat naman siya ng ipin nang may mapagtanto rito. Nagsimula nang kumulog nang pagkalakas-lakas. Napabalik naman siya agad ng tingin kay Yura at nakitang nakatapat na ang espada nito sa kanila ni Ragon. Mabilis naman itinipat rin ni Rigel ang sandata kay Yura sa ibaba.

"Sword of Thunder! Thunder Storm!"

"Spear of the Fire Dragon, Dragon's Tail!"

Numeros na boltahe ng kuryente mula sa kalangitan ang mabilis bumaba't tumama sa malaking katawan ng dragong si Ragon. Narinig naman sa ere ang malakas na sigaw ni Rigel. Matapos ay sinundan ito ng malakas na kulog. Samantala, tumungo kay Yura ang maraming apoy at hindi naman niya inasahan ang sumunod mangyari. Ang mga apoy ay bumuo ng pormang buntot at humampas ito sa kinatatayuan ni Yura. Nakaiwas pa si Yura roon ngunit hindi sa pagguho ng buong bubungan at pag-apoy ng mga ito.

Sa pagguho ng bubungan ay nahulog si Yura at nawalan ng balanse. Bumagsak siya sa loob ng tower at nang makitang may mga pabagsak na bubong sa kaniya ay pinilit niya agad ang makatayo at iniligtas ang sarili sa mga ito. Hanggang tuluyang bumagsak ang lahat. Umapoy ang mga ito at kumalat naman ang makapal na usok.

Napatakip si Yura ng ilong at nag-isip ng paraan. Nanliit na lang ang mga mata niya nang may mahagip bigla ang mga ito. Isang taong nahuhulog mula sa buntot ng dragon. Inakala niyang marahil si Rigel iyon ngunit unti-unti ay nalaman niya kung sino ito at nagulat siya rito.

"Professor Charm!" Tawag niya at dali-daling tumakbo patungo roon at sinalo ang propesor. Nang masalo ay nakita niya itong gising at wala namang galos na natamo sa ginawang atake niya.

Pinalo naman ng propesor sa ulo si Yura. "Lintek ka! Nakalimutan mo bang naroon ako nakakapit sa buntot!? Buti na lang at nakatalon agad ako bago bumagsak ang mga kidlat!" Ani ng propesor. "Walanghiya... Ikaw pa 'ata papatay sa'kin, bata." Napahawak sa dibdib na sabi nito.

Natatawa namang napakamot ng ulo si Yura at ibinaba na ang propesor. Napatingin naman sa nasusunog na paligid ang propesor. "Eh, pasensya na po. Hindi naman po sa nakalimutan ko, hindi ko lang po talaga kayo nakita ron. Akala ko nahulog na kayo kanina at... natigok na--- Aray!"

Nakatanggap muli ng palo si Yura. "Sorry po." Paumanhin ulit na lang niya at ibinalik na ang tingin sa dalawang kalaban sa taas. Nakita naman niyang natapos na ang atake niya at nakita ring ang balat ng dragon ay umuusok at nagkaroon ng mga hiwa ito. Agad naman hinanap ng tingin niya si Rigel. At nakita itong nakaluhod sa tuktok ng dragon at umuusok rin ang katawan at galos-galos. Dinudugo rin ang ilang parte ng katawan nito.

Napaisip si Yura nang bahagya. Himalang nagawa nitong iligtas ang sarili sa makapangyarihang mga kidlat na iyon. Hindi siya naging abo. Kung ang iba ito, naging abo na sila pero ang lalaking ito... Hindi tumalab ang kapangyarihan ng kidlat sa kaniya para gawin siyang abo. Marahil ito ay dahil malakas nga siya. Maaaring mas malakas pa.

Gumawa ng butas sa katabing pader si Yura gamit ang kidlat ng espada niya. Nagtataka naman itong tinignan ng propesor sa tabi niya na nagulat pa sa biglang ginawang iyon ni Yura.

"Para saan 'yan?" Tanong ng propesor.

"Professor Charm, ako na po ang bahala rito. Mabuti pa sigurong hanapin niyo na po ang iba dahil marahil nasa panganib rin sila ngayon." Ani Yura. Napatingin naman sa kaniya ang propesor at nag-alala bigla ang itsura. "Kaya ko po 'to, 'wag kayo mag-alala sa estudyante niyo. Magaling kaya 'tong Mighty ng Dornfest." Pagpapagaan ni Yura. Tinignan lang naman siya ng propesor.

Ilang sandali pa ay pumayag na rin ang propesor, "Sige. Mag-iingat ka. Ako na ang bahala sa pag-alis natin sa tower na ito." Aniya at pumasok na sa butas. Isang panibagong silid naman ang bumungad sa propesor.

Si Yura naman ay sumeryoso muli ang aura niya at ibinalik na ulit ang tingin kay Rigel. Napaisip siya nang malalim kung paano ba tatalunin ang dalawang ito kung gayong parati nakalipad sa ere ang mga ito. Napahinto lang siya sa pag-iisip nang makitang gumagalaw na si Rigel at dahan-dahan na itong tumayo.

Nang makatayo si Rigel ay nakaramdam bigla ng madilim at malakas na aura si Yura kaya inihanda niya ang sarili para sa anumang parating ngayon sa kaniya. Hinawakan niya rin nang mas mariin ang espada niya.

Habang nakatingin kay Rigel, isang ngiti ang sumilay sa labi nito at lumapad pa ito. Malaya niyang inilayag ang dalawang kamay niya sa ere at nagsalita. "Spear of the Fire Dragon..." Simula niya.

Naghanda naman si Yura sa pag-iwas sa atakeng parating sa kaniya ngunit napahinto siya nang makita ang inaakala niyang isang atake ni Rigel. Ang isang ito ay hindi niya inaasahan.

Umilaw ang buong katawan ni Rigel at Ragon hanggang nang matapos ito ay rito na bumungad ang bagong anyo ni Rigel.

Umaapoy ang buong katawan ni Rigel, ang buhok niya ay umaapaw, ang mga mata niya ay may simbolo ng apoy, ang mga kuko sa paa at kamay niya ay tila isang patalim, at higit sa lahat ang balat niya ay naging tila balat ng isang dragon. May bahid rin non sa mukha niya. Kung titignan, tila nagevolve siya sa anyong dragon. Sandali--- napatingin sa buong himpapawid si Yura at hindi nga niya nakita si Ragon. Nang muling ibalik niya ang tingin kay Rigel, ngumiti ito sa kaniya at dalawang pangil ang nakita niya rito na tulad ng sa dragon.

"...Dragon Form." Huling bigkas ni Rigel kasabay ng pagbukas ng nakatago niyang nagaapoy na pakpak.

End of Chapter 17!
To be continued

Age Of MagicWhere stories live. Discover now