Ch. 6 Journey To The Academy

8.8K 239 15
                                    

Ch. 6
Journey To The Academy

Ang golden card na kilalang ang entrance card ng Tekhné Academy ay tinanggap ni Eloiny. Sa tulong at suportang hatid ng matanda na kilalang si Aling Lora ay nakapunta si Eloiny sa syudad ng Anloa, ang kapital ng lupaing Wanderhood, kung saan ay rito matatagpuan ang akademya. At para makapunta rito ay sumakay ng tren si Eloiny at alam niya naman ang mga ginagawa na dahil ibinigay sa kaniya ni Aling Lora ang listahan ng mga pupuntahan at kung ano gagawin, saan banda ito, at ano ang ilang kailangang isagawa niya, bilhin, at iba pa. Nang marating niya ang syudad, bago nagsimula si Eloiny sa byahe patungo ng akademya ay kinailangan niya munang puntahan ang Registry District Office sa Anloa, sa tabi ng Municipal, upang ipare-register ang expired limit ng entrance card dahil matagal na ito at nagtagumpay nga siya rito. Sumunod ay nagpunta siya sa dress and clothes store at bumili gamit ang mga salapi na inilaan sa kaniya ni Aling Lora para sa kaniyang paunang pinansiyal, binili niya ang mga pangaraw-araw na suotin niya dahil ang mga dinala lang niya ay hiram na mga suot kay Aling Lora sa kadahilanan nga na nasunog lahat ng gamit niya sa bahay nila. At ang libro niya lang ang himalang naiwang hindi sunog. Matapos non ay nagtungo na siya sa hintayan ng sasakyan hanggang sa dumating ang isang masasakyan niya papunta ng akademya.

KASALUKUYAN ngayong naglalakbay sa loob ng isang gubat si Eloiny sakay ng isang sasakyan, isang tinatawag na land engine na sasakyang panlupa lamang at ang air engine naman na natatawag ay isang sasakyang panghimpapawid dahil puwede ito palipadin sa ere. Ang panganib rito ay kung maubusan ito ng mana ay titigil ito sa paggana at babagsak sa lupa. Para itong 'yong tinatawag nating air crash sa eroplano.

Ang sinasakyan ni Eloiny na land engine ay pinapaandar ng isang lalaking mga nasa mid 40's. Mainisin ito at lagi nag-iinit ang ulo. Kaya naman sa buong oras ng byahe ay nanahimik na lang si Eloiny. Halos mapanis pa ang laway niya sa 'di pagsasalita ni isa. Eh ang tagapaandar kaya?

"Ay, lintek!" Biglang huminto ang sasakyan.

Napatingin naman si Eloiny sa lalaki na napasapo ng noo at nagpadyak ng paa na bumaba saka sinuri saglit ang sasakyan. Matapos ay naiinis na naman itong napatingin sa kaniya.

"Nawalan ng mana ang sasakyan! Dito ka muna bata, 'wag kang aalis! Maghintay ka lang rito at bibilhan ko lang ito saglit sa malapit na shop dito!" Naiinis na sabi ng lalaki at dadabog-dabog na umalis. Napakamot na lang ng batok si Eloiny rito at napailing-iling. Bakit ba ang init ng ulo non?

Nang makaalis ang lalaki ay tuluyan na ngang wala nagawa si Eloiny at nabagot na rin siya sa kakaantay. Kaya naman inilibot na lang niya ang tingin niya sa paligid at pinagmasdan ang gubat. Matatayog ang mga puno at marami itong mga vines, marami rin ang mga nakatanim na iba't ibang halaman at bulaklak sa paligid at may nagsisilipadan ritong mga paru-paro, tutubi, ilang alitaptap at iba pa. Ang lupa naman sa daan ay pinong-pino. Mula pa rito sa hinintuan nila ay natatanaw niya ang daan pabalik sa mga natahak nilang daan.

Ilang minuto pa ang lumipas, hindi pa rin bumabalik ang lalaki. Bagot na bagot na si Eloiny at kanina pa siya rito naghihintay. Napaisip na nga siyang baka naligaw na iyon at hindi na makabalik pero malabo naman ito mangyari dahil paanong naging tagamaneho pa ito kung hindi nito kabisado ang mga daanan at lugar, hindi ba naman?

Sumobra pa at lumampas na ang pagkabagot ni Eloiny, napagpasyahan na niya na maglakad-lakad muna rito sa gubat malapit lang naman dito sa sasakyan. Hindi naman siya lalayo at susubukan lang niya ang maglakad-lakad rito at tignan-tignan ang lugar habang hinihintay ang lalaki na hanggang ngayon ay wala pa rin.

Habang naglalakad namamangha si Eloiny sa mga nakikita niya lalo na nang pinasok niya na ang parte ng kakahuyan. Matayog ang mga puno at marami kang makikita na nagsisilipadang mga uri ng hayop tulad ng paru-paro. Buhay na buhay ang mga dahon ng puno at ang lupa ay pinong-pino. May ibang parte naman na damuhan. Tahimik rito at wala kang ibang maririnig kung hindi ang yabag ng mga paa mo. Payapa ang kapaligiran.

Age Of MagicWhere stories live. Discover now