Ch. 11 The Evil Enchantress

7.1K 203 4
                                    

Ch. 11
The Evil Enchantress

Inakbayan ni Nisa si Eloiny na natatarantang gusto na ang lumabas. Totoo, namamangha si Eloiny sa itsura ng enchanted library na ito pero hindi pa rin talaga niya maiwasan ang mapaisip kung bakit ito nakaekis sa mapa. Iniisip niyang baka sa kabila ng kagandahan nitong lugar ay isang malaking panganib pala ang nakatago dito.

"Wow. Anong mapanganib sa ganitong klase ng library? Parang ang hirap namang paniwalaan na hindi ito puwede puntahan." Namamanghang sabi ni Nisa. "Hindi ba, Eloiny?" Tawag ni Nisa kay Eloiny.

"A--ah, oo..." Tango na lang ni Eloiny at tinignan ang pinto. Natigilan naman siya nang makitang may babae roon na nakatayo kaso ipinihit bigla ni Nisa ang ulo niya sa harap nila.

"Ano ka ba, tignan mo na lang kaya ang ganda ng Enchanted Library." Sabi ni Nisa at itinuro ang harap nila.

Naglakad na sila sa gitna ng bookshelves

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Naglakad na sila sa gitna ng bookshelves. Tumingin-tingin pa sila ng mga libro na nakalagay rito samantala si Eloiny naman ay binalik ang tingin sa pinto para sana tignan iyong babaeng nakita niya pero wala na ito roon. Ibinaling na lang niya ulit ang tingin sa harap at tinignan ang mga libro. May nakita pa siyang libro ng sorcery and witchcraft na agad naman niya kinuha dahil interesado talaga siya sa mga ganitong klase ng libro.

Dinala niya iyon habang naglalakad sila nang isang bagong boses ang lumitaw sa likuran nila. Nilingon nila ito at isang pulang buhok na lalaki ang bumungad sa kanila. Ang mga kamay nito ay nakabulsa at nakatingin ito sa kanila. May kasama itong dalawang babae, ang isa ay asul ang buhok habang ang isa naman ay itim.

"Yura," Tawag ng lalaki habang nakatingin sa lalaking kasama nila Eloiny. Yura ang pangalan niya? Hindi Mighty?

"Willo!" Masayang tawag naman ni Yura sa lalaki samantala napairap naman itong si Yona na ibinaling ang tingin sa ibang bagay.

"Looks like naunahan na pala tayo ni Willo sa ideya." Sabi naman ni Nisa. "Hula ko, isa sa dalawa ang nagbukas ng pinto, ano? Tama ako, hindi ba?"

Tumango si Willo. "Check. Gusto rin kasi nila matignan ang loob ng Enchanted Library." Sagot ni Willo. Nanatili namang tahimik ang dalawang nasa likuran nito.

Si Eloiny naman ay napaisip kung magkakakilala ba ang lahat ng mga ito. Siya lang 'ata ang kakaibang napadpad dito sa grupo nila. Gusto niya na tuloy ang tuluyang umalis. Naalala naman niya sandali sina Chloe, baka kanina pa naghihintay ang mga iyon sa kaniya. Hala.

"Anyway, may gusto akong ipakita sa inyo. Sumunod kayo." Sabi ni Willo bigla at tumalikod na saka naglakad papunta sa kabilang bahagi. Sumunod naman sila. Hanggang narating nila ang kabilang bahagi at ganoon pa rin naman, bookshelves ang bumungad sa kanila.

Kumunot ang noo ni Yona. "Oh, ano naman meron dito?" Pabalang na tanong niya. Tinignan naman siya ni Willo.

"Maghintay ka." Naaasar na sabi ni Willo. "Tss. 'Wag ka na nga sumunod." Nainis na nga niyang sabi at muling naglakad na. Umirap lang naman si Yona at sumunod na muli sila.

Age Of MagicМесто, где живут истории. Откройте их для себя