Ch. 2 What A Trouble!

12.1K 326 11
                                    

Ch. 2
What A Trouble!

Halos magtatanghali na at papunta pa lamang ngayon si Eloiny pabalik sa bahay nila o sabihin na nating sa pakainan. Napatagal kasi ang tulog niya sa likuran ng bahay nila kagabi dahil sa kalmadong simoy ng hangin. Ngayon naman ay tiyak malalagot siya sa tiya dahil magtatanghali na at wala pa siya sa pakainan nagtatrabaho. Ngayon pa naman kasi ang may pinakamaraming numero ng tao ang tiyak dadalo sa pakainan nila dahil ngayong araw na ito ang event.

Habang tumatakbo si Eloiny ay kinakabahan na siya sa bubungad sa kaniya pagdating. Tiyak ang galit ng tiya niya ang sasalubong sa kaniya.

Nakarating si Eloiny sa bahay nila at nakita niya agad sa pakainan ang tiya niya. Andami ring tao. Nasa tabi nito si Mina na nakasuot ng dating uniporme at naguusap silang dalawa. Nang makita si Eloiny ng tiya ay biglang nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha. Nakita pa niya na tumango si Mina bago ito naglakad na paalis ng pakainan.

Papunta ngayon si Mina sa direksyon ni Eloiny para dumaan. "Excuse me." Sabi nito sa kaniya nang hindi siya tinitignan. Para bang hindi siya nito kilala. Pumagilid na lang si Eloiny at nagpatuloy na si Mina sa paglalakad.

Ibinalik ni Eloiny ang tingin sa tiya. Huminga muna siya nang malalim bago dahan-dahan ng lumapit sa tiya nang kinakabahan sa maaaring ibulyaw nito sa kaniya ngayong kadadating pa lamang niya. Natitiyak na nga niyang ipapahiya na naman siya nito sa harap ng maraming tao.

Pagkalapit ni Eloiny ay nakapamewang siya na hinarap ng tiya habang nakataray ang kilay. "Saan ka galing?" Madiin nitong tanong.

Napayuko naman si Eloiny at napalunok. Nakakainis! Gusto ko siya sagutin pero... Aniya sa isip pero pinili niya na lang humingi ng paumanhin.

"Ah, pasensya na po ti---" Hindi naituloy ni Eloiny ang pagsagot nang malakas na idinabog ng tiya ang kamay sa mesa nito. Nagulat siya roon at halos lahat naman ng tao ay napatingin bigla sa gawi nila, pati 'yong mga nakalinya sa pila na bigla napadistansya pa sa kanila.

"Ang tanong ko... Saan ka galing!? Tatamad-tamad ka na namang bata ka! Wala ka na ngang naitutulong at kontribusyon rito, ganito ka pa! Ano!? Nagpahinga ka na naman!? Eh saan ka ba napapagod, ha!? Sa kagagala mo? Puro ka gala! Tulungan mo naman ako sa mga gawain dito, pagod na pagod na ako oh! Tignan mo 'to oh, may sugat pa ako, malaki! Mahirap magtrabaho nang ganito!" Bulyaw ng tiya kay Eloiny na nagpakita pa ng sugat-- galos lang naman pala. Nanatili namang tahimik si Eloiny sa harap ng tiya at hindi na nagsalita dahil alam na niyang lalo lang siya nitong sesermonan kung susubukan niya pa na magpaliwanag. Ulit, wala naman kasi itong pinapakinggang salita niya.

"Ano!? Anong tinatayo mo pa dyan? Tutunganga ka lang? Wala kang balak tumulong?"

"Ito na nga po oh, tutulong na ti---"

"'Wag mo akong matawag-tawag na tita sa harap ng mga tao." Matalim na bulong sa kaniya ng tiya. Tumango na lang si Eloiny dahil wala rin naman na siyang magagawa sa gusto nito.

"Magtrabaho ka na." Sabi ng tiya niya at bumalik na ito sa ginagawa.

Napaismid naman si Eloiny pagkatalikod sa tiya at pinagsalitahan na lang ito sa isip. Akala mo naman kung sino mag-utos oh. Reyna ka dito tiya? Bahay lang naman pagmamay-ari mo hindi buhay ko. Hayy. Napailing-iling na lang si Eloiny at inisip na kung may lakas ng loob lang siya, isasabi niya iyon sa tiya. Bigla naman siya natigilan nang makita ang mga tao. Nagbubulungan ang mga ito.

"Ano ba kasi ang ginawa niya? 'Yan tuloy natanggap. Tatamad-tamad kasi."
"Ayan mahirap ngayon eh, puro sila gala, wala na tuloy naitutulong. Nako."
"Anak, wag mo siyang tutularan ha? Walang naitutulong ang pag-gala ng gala."----"Ha? O--opo!"
"Hindi uunlad ang taong ganiyan. Im short, hindi siya aangat. Tamad."

Age Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon