Ch. 12 A Dragon!

6.5K 203 8
                                    

Enchanted Tower Arc

Ch. 12
A Dragon!

Namulat si Eloiny na nasa isang lugar na hindi siya pamilyar. Hindi naman ito ang Enchanted Library na kanina lang ay kinatatayuan nila. Ibang-iba itong lugar na ito.

Inilibot ni Eloiny ang tingin niya sa buong lugar at ngayon lang niya napansin ang nagkalat na mga kasama niya sa lugar. Katabi lang niya ang mga ito at mukhang hindi lang pala siya ang nagising na. Lima sila: siya, si Yura, si Ian, Yona, at ang estudyanteng kasama nong professor.

Wala namang gaanong makikita sa medyo malawak na hall na ito. Pero pagkadako ng tingin niya sa malaking bintana sa tapat niya, nakita niya ang ilang ulap. Nasa--- langit ba kami? Pero hindi pa naman kami patay?

Natigilan si Eloiny nang isang pamilyar na mukha ang nakita niya. Hindi niya makapaniwalang tinitigan ito nang maigi at hindi nga siya nagkakamali.

"Mina?" Bulong niya.

Sa 'di kalayuan sa kanila ay nag-iisa si Mina na walang malay na nakasandal sa pader. Nasa malapit siya sa malawak na balkonahe. Napaisip si Eloiny kung paanong kasama rin nila si Mina rito. Hindi niya nakita ito kanina, o ito kaya ang babaeng nakita niya kanina sa pinto?

Binalik ni Eloiny ang tingin sa apat na gising na tulad niya. Napakatahimik lang ng mga ito at nakakapagtaka tuloy--- Naalala  naman ni Eloiny ang isa sa mga ito. Si Ian, tiyak pala ay pagsasabihan sila nito sa ginawa. Isa pa ay ang professor na napasama rin na wala pang malay. Nadagdagan naman sila sa bilang nang nagising na si Nisa na napatigil bigla nang makita ang lugar at ang tingin ni Ian.

Napunta ang tingin ni Ian kay Eloiny. Napalunok naman si Eloiny at iiwas sana ng tingin nang tawagin siya nito.

"Ikaw," Nakatingin sa kaniyang tawag ni Ian. "Ikaw na naman. Kasali ka pa talaga sa mga pasaway na 'to. Bakit mo ba binuksan ang pinto?" Napapailing-iling na sabi ni Ian.

Sinubukan naman ni Nisa na makatakas sa paningin ni Ian pero hindi siya wagi at itinuro rin siya nito saka napabalik ng tingin si Ian kay Eloiny, at muli ay tinignan ulit si Nisa.

"Teka-- ikaw at ikaw?" Turo ni Ian sa dalawa. "Talagang nagsama kayo--? Aha... Kaya pala gulo na naman nangyari. Kayo talagang dalawa, hindi na ako magdadalawang-isip na idala kayo sa head council."

"Teka saglit po. Hindi po ako kasali---"

"Ikaw ang nagbukas ng pinto sa kanila, ibig sabihin, kasali ka pa rin." Putol ni Ian. Napasimangot namang nanahimik na lang si Eloiny. Ano bang magagawa ko?

"Ian, napilitan lang si Eloiny sa ginawa---Aray!" Sinubukang magsalita ni Yura pero isang palo sa ulo agad ang natanggap niya. Kinamot naman niya ito at napasimangot na tinignan si Ian.

"Isa ka pa!" Pinalo ulit ni Ian ang ulo ni Yura na hinarang naman agad ni Yura ng kamay niya. "Kung hindi mo ninakaw 'yong susi, walang ganito! Kung hindi mo binuksan ang libro puwede pa sana! Dahil sa ginawa mo, bahala kang lumabas at talunin ang malaking dragon diyan sa labas. Gawan mo ng paraan ang paglipad mo! Ngayon na, labas!"

Natigilan naman sila sa narinig. DRAGON? Totoo ba 'yon? Ilang panahon na ang nagdaan nang mawala sa mundo ang mga dragons. At dito merong isang malaking dragon? Nagtinginan sila nang nagtatanong. May dragon sa tower na ito? Imposible!

"Labas Dornfest! Talunin mo ang dragon!" Paguutos ni Ian habang turo-turo ang balkonahe sa labas. Napatingin naman roon si Yura at kinilabutan.

"W--wag lang naman dragon. Kapatid tayo hindi ba?" Napakamot ng ulo si Yura.

"Haaah?! Magkapatid kayo?" Hindi agad makapaniwalang reakto ni Eloiny. Napatingin naman sila sa kaniya at naisip naman niya ang itinanong. Bahagya siyang natawa. "S--sige lang, wala 'yon."

"Hindi lang guild mates ang turing namin sa isa't-isa sa guild. Magkakaibigan kami lahat at may grupo pa nga ang bawat isa. Sila, parang magkapatid sa pagkakaibigan. Iyon 'yon." Paliwanag ni Yona. Pumalakpak naman ang katabi nitong lalaki na ang kasama nong professor.

"Ang galing mo Yona! Gumagaling ka na!" Palakpak niya at ngumiti-ngiti sa kaibigan. Tinignan naman ito ni Yona.

"Ano ibig mo sabihin? Hindi ako magaling?"

"Haa? Hindi. Hindi sa ganon---"

"Halika rito Claude!"

Napatayo ang dalawa at naghabulan. Napaikot naman ng mga mata si Ian. Samantala natatawa namang pinanood ni Yura ang dalawa at sumabay rin sa habulan. Nairita naman si Nisa. Si Eloiny ay nanatili sa kinauupuang sahig at sinundan lang ang tatlo ng tingin, nang napansin niya na nakatingin sa kaniya ang bagot na mukha ni Ian kaya naman nailang siya sa pwesto. Anong tinitingin-tingin niya?

Natigilan si Eloiny sa naisip bigla at napakagat ng labi niya. Pinag-iisipan niya na ba kung idadala na niya ako sa council? Pero wala naman akong nagawa, maliban sa... Bahala na! Basta ilalaban ko na wala ako nagawang mali. Iyon ang nararapat.

Sa kaingayan ng tatlo ay nagising na rin ang natitirang walang malay na sila Willo, Percy, Vercella, at Professor Charm. Si Mina ay nagising na rin na nagulat pa nang magkita sila ni Eloiny. Pagkainis ang agad naging ekspresyon nito.

"Mina! Paanong nandito ka rin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yona na tumigil sandali sa paghabol kay Claude. Hindi sumagot si Mina. "Ah, sinundan mo kami? Tama?" Hula ni Yona.

"Oo. May tanong ka pa?" Masungit na sagot ni Mina.

"Wala na." Pabalang namang sagot ni Yona. "Kaasar na babae 'to." Asar na bulong ni Yona sa hangin.

"Settle down." Biglang utos ni Professor Charm sa lahat. Nagsiupo naman sila lahat at tumahimik. "Iyong ginawa niyo, gusto ko marinig ang explanasyon niyo. Bakit kayo pumasok sa Enchanted Library?"

Natahimik naman silang lahat at nagtinginan kung ano ang isasabi at sino ang mauuna. Si Eloiny naman ay ipinipilit sa sarili na wala siyang kinalaman rito. Naalala na naman niya sandali sina Chloe. Baka matagal ng naghihintay ang mga iyon! Napaghintay pa tuloy sila. Ano na kaya ang ginagawa ng mga iyon? At nasaan nga pala ang tower na ito't nasa may ulap sila? Ganito ito kataas?

"Professor, mabuti pa siguro gawan muna natin ng paraan ang pagbalik natin sa mundo natin at saka natin ito pag-usapan." Suhestiyon ni Ian.

Napaisip naman ang professor at tumango rin sa huli. "Sige. Pero hindi ka rin makakatakas, tiyak pagbalik mo rin may matatanggap ka ring karampatang parusa mula sa nakakataas sa pagiging pabaya mo sa pangangalaga sa susi. Ikaw pa rin kasi ang may hawak." Sabi ng professor.

"Alam niyo bang wala tayo sa mundo natin ngayon?" Tanong ng professor. "Nandito tayo ngayon sa ibang mundo. Hindi ko alam kung anong mundo ito pero mukhang nandito tayo ngayon sa mundong pinamumunuan ng mga dragon. Kasalukuyan tayo ngayong nandito sa enchanted tower, dahil sa walangyang enchantress na iyon."

Tinignan ng professor si Ian. "Ian, siguraduhin mong sa susunod ay hinding-hindi na makakabalik pa sa mundo ang enchantress na 'yon."

Tumango si Ian. "Opo professor. Sisiguraduhin ko."

"Teka," Nagtaas ng kamay si Willo. "Ikaw ba Ian-- Young Master Ian pala, ang nagkulong sa enchantress na 'yon ron sa libro?" Tanong niya.

"Ako nga---"

"Hindi niyo na kailangan iyong problemahin pa at balikan ang naging labanan man nila noon. Matagal na panahon na 'yon. Ngayon, ang isaisip niyo ay kung paano tayo makakaalis sa tower na ito at bumalik sa mundo natin. Nagkakaintindihan ba tayo mga bata?" Ang sabi na ng professor. "Kailangan nating magmadali o baka hindi na natin maabutan ang academy. Tiyak isusunod non ang academy sa paghihigante niya."

Nagulat sila.

"Isusunod ang academy? Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Yura.

Magsasalita sana ang professor nang mapatigil silang lahat nang bigla dumilim sa kinaroroonan nila.

Raarrr....

Dahan dahan sila lumingon sa malaking bintana at nagulat sa bumungad rito. Isang malaking pulang mata ng isang... Dragon!

"AHHHH!"

End of Chapter 12!
To be continued

Age Of MagicWhere stories live. Discover now