Ch. 7 Tekhné Academy

8.6K 239 7
                                    

Ch. 7
Tekhné Academy

"Welcome to the academy."

Bumaba na sa sasakyan si Eloiny bitbit ang maleta niya at iba pang mga dala. Pinagmasdan niya ang paaralan. Ang lapad, ang taas at ang kapal ng pader. Inaakyat pa ito ng ilang vines kaya naman nagmumukha itong enchanted.

"Woww." Manghang reakto ni Eloiny at inikot naman ang tingin sa lugar.

Binalot si Eloiny ng pagkamangha sa nakikita ngayon na halos nasabi niya sa isip na bakit ngayon lang niya nabigyan ng pansin itong paraiso sa labas ng isla ng akademya. Hindi siya makapaniwala, ito na ata ang pinakamagandang lugar na nakita niya sa buong buhay niya.

Ang lupain ng akademya na kinatatayuan ni Eloiny ngayon ay nasa isang lumulutang rin na isla o floating island. Sa lahat ng floating islands rito ay ang nasa pinakasentro ay itong isla ng akademya na ang siyang pinakamalawak rin. Rito nakakonekta ang mahiwagang tulay at may panibago rin na mahiwagang tulay pa sa magkabilaang gilid na bahagi ng lupain at sa likuran, bale, apat na mahiwagang tulay ang nakakonekta sa lumulutang na isla ng akademya. Simple ang buong lugar pero napakaganda at ayos nito.

Sa ibaba makikita ang asul na tubig sa kalinisan nito at naroon pa rin ang mga nagbabangka at mga tao na karamihan ay mga bata na nasa gilid nagsisipaglaro. Ilan pa sa mga ito ay kumakaway sa gawi niya. May talon o falls pa, na sa ibaba nito ay malalaking bato na nasa tubig at makikita rin ang ilang paru-paro at ibon na nagsisilipadan sa ere. Nagulat pa siya nang mapadaan sa harap niya ang isang unicorn at sakay nito ang tatlong bata na may hawak na wand. Woah. Sinundan ni Eloiny iyon ng tingin at dumaan ang unicorn sa mahiwagang tulay. Rito napansin niya na ang mahiwagang tulay pala ay napapalibutan ng isang barrier, makikita pa ang gravity force nito sa buong tulay.

"Ano? Tatayo ka lang diyan?" Tanong bigla ng lalaki na nakahalukipkip na nakasandal sa sasakyan at nakapikit ang mga mata. "Sige, mauna na ako."

"Teka kuya, sa back school po ba ito?" Tanong agad ni Eloiny. Kanina pa kasing wala siyang makita na kung ano na lagusan o pasukan ng akademya dahil ito lang naman malapad na pader ang nakabungad sa kanila. Ang ipinagtaka lang niya ay itong tatlong kakaibang bagay na nasa pader.

"Front." Tipid na sagot ng lalaki. Masungit na naman ang itsura nito dahil salubong ang dalawang kilay niya at nakasimangot pa.

Kumunot ang noo ni Eloiny sa sabi ng lalaki. Kung gayon, nasan na ba ang gate? Muli niyang tinignan ang pader at ang tatlong bagay na nakadikit rito ang agad niya na tinapunan ng tingin. Inisip niyang ito 'ata ang gate? Pero saan naman dito ang eksaktong door bell? Ito nga ba?

Napakamot si Eloiny sa ulo. "Ah, kuya, saan po ba iyong gate? Paano po ba pumasok?" Nahihiya niyang tanong.

Napamulat na ng mga mata ang lalaki at inis nitong tinignan si Eloiny. "Ano ba 'yan. Wala ka ba talagang kaalam-alam ni isa man lang? Seryoso? Tsk." Masungit nitong sabi at hinarap siya. "I-swipe mo 'yang letseng entrance card mo ron sa kulay asul, 'yan ang confirmation code. At bahala ka ng alamin kung ano naman ang letseng confirmation code rin na 'yan. Tapos hintayin mo lang ito umilaw ng puti dahil susuriin pa nito 'yang e-card mo. Pero kapag 'yan umilaw ng itim, aba letse hindi ka maaaring pumasok. Maaaring peke ang card o kaya ikaw mismo, ang sarili mo, ay walang kakayahang mag-aral sa pesteng akademya." Paliwanag ng lalaki. Umayos na ito ng tayo at sumakay na sa sasakyan. "'Wag ka ng magtanong. Aalis na ako. Ingat at goodluck na rin." Huli nitong sabi at pinaandar na paalis ang sasakyan sa mahiwagang tulay.

Binalik na ni Eloiny ang tingin sa akademya. Gaya ng sabi ng lalaki, ginawa niya ito. I-swinipe niya ang hawak na e-card at kabadong hinintay niya ito na mag-ilaw hanggang sa nagliwanag na nga ito. Laking pasalamat niya at umilaw ito ng puti. Mabuti.

Age Of MagicΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα