Ch. 10 Enchanted Library

6.8K 199 0
                                    

Ch. 10
Enchanted Library

Marahang hinawakan ng babae ang necktie ni Eloiny at nginisian siya nito nang bigla ay isang kamay ang pumigil naman sa mapanganib na kamay ng babae. At nang tignan nila ito ay nakita nila ang isang blonde na babae.

Binitawan na ng babae ang necktie ni Eloiny at hinarap naman ang bagong dating. Kinabahan naman si Eloiny na baka magrambulan ang mga ito rito bigla.

"Anong ginagawa mo Nisa?" Tanong ng blonde na babae.

Natawa naman ang babae na nagngangalan palang Nisa. "I'm doing nothing Yona. Inayos ko lang naman ang necktie ni... Eloiny." Tinignan nito ang ID ni Eloiny kaya nalaman niya ang pangalan.

"Anyway, tara na sa EL." Napangiting aya na ni Nisa sa babaeng si Yona. "Tiyak naghihintay na doon at baka nagaalburuto na si Mighty. Haha!" Tumawa ito at natawa rin si Yona sa sinabi niya. Samantala natigilan naman si Eloiny.

Mighty? Naalala niya bigla ang tawag na iyon. Iyon ang sabi sa kaniya nong nakilala niyang danger beast sa paglalakbay niya noong papunta siya ng academy. Sabi sa kaniya ay kilalanin na lang raw ni Eloiny iyon na danger beast sa tawag na Mighty. Puwede kayang... Pero malay rin naman niya ay kapareho lang? Imposible namang may mag-aaral na danger beast dito--- Nagulat si Eloiny nang akbayan siya ni Yona. Nakangiti ito nang kakaiba habang iyong si Nisa naman ay nakangising nakatingin sa kaniya.

"Hey, alam mo Eloiny nagustuhan ko ang presensya mo." Nakangiting sabi ni Yona. "Sumunod ka sa'min. Don't worry, we won't harm you." Bulong nito sa kaniya.

"Hindi---" Natigil sa pagsasalita si Eloiny nang bigla ay tinap ni Yona ang bibig niya at pagkatapos ay hindi na siya makapagsalita. Isang spell ba 'to?!

Hinila na ni Yona si Eloiny palabas ng gusali at sumunod naman sa kanila si Nisa na nagbabantay sa likuran nila. Kinabahan at napalunok naman si Eloiny sa pag-iisip kung saan ba siya dadalhin ng mga ito. Hindi niya rin maiwasang mapaisip kung ano ba ang kailangan ng mga ito sa kaniya. At ikinakabahala niya rin ang spell na nagtanggal sa boses niya!

Naglakad-lakad sila sa iba't ibang daan at habang tumatagal sila sa paglalakad ay nagiging kakaiba na rin ang mga estilo ng dinadaanan nila at ang mga nasa kapaligiran. Lalo namang kinabahan si Eloiny at inakala na rin niya na baka ang dalawang ito ay outsider sa academy at kalaban sila. Tapos siya ang bihag nila!

Natigil sa pag-iisip nang kung ano-anong mga bagay si Eloiny nang napatawa ang nasa tabi niyang si Yona.

"Nababasa ko ang mukha mo, at kung hindi ako nagkakamali ay iniisipan mo kami na kalaban kami?" Hula ni Yona at muling natawa. Nagulat naman si Eloiny, paano niya nalaman 'yon? Lumapit si Yona sa kaniya at tinap ang bibig niya. Naramdaman naman ni Eloiny na bumalik na ang boses niya kaya sinubukan niya para makumpirma.

"Hello?" Bumalik na nga.

"Hindi ako isang mind reader pero sadyang manghuhula lang talaga ako ayon sa ekspresyon ng isang tao." Sabi ni Yona. Napatingin naman si Eloiny rito. "Gaya ng sabi ko, huwag ka mag-alala, wala naman kaming gagawing masama sa'yo---"

Pinutol na ni Nisa sa pagsasalita si Yona. "Isinama ka namin kasi mukhang ikaw ang magiging susi sa pagbukas ng Enchanted Library. Doon kami pupunta at may kasama pa kami na naghihintay sa amin ron dahil gusto naming makita at malaman kung ano ang meron doon at bakit ito nakaekis sa mapa." Paliwanag ni Nisa. "Nilagyan kasi iyon ng spell na hindi puwede 'yon mabuksan ng mga taong kabilang sa isang guild at council pero may susi para mabuksan ito na itinatago ng master namin sa guild." Tuloy ni Nisa.

"Tama. Mga guild members kami eh kaya hindi namin mabuksan. Hayy." Sabi ni Yona.

Lumapit si Nisa kay Eloiny. "Mabuti nga at nilapitan pala kita kanina kung hindi ay hindi pa namin makikita ang maaaring magbukas ng EL para sa amin. Kasi ikaw, hindi ka kabilang sa anumang guild o organisasyon at ikaw kasi ang madaling pasunudin eh gaya ngayon." Napangiting sabi ni Nisa.

"Teka-- sabi niyo nakaekis sa mapa ang Enchanted Library? Kung ganon, bakit pa kayo pupunta para tignan lang kung ano ang meron at bakit? Eh baka nakaekis iyon kasi mapanganib na lugar 'yon." Nag-aalangan na sabi ni Eloiny sa dalawa. Naisip naman iyon ng dalawa at napahinto.

Ngumiti si Yona. "May punto ka... Pero wala na tayong magagawa, andito na tayo. Wala ng atrasan."

Napatingin si Eloiny sa harap nila. Imbes na matakot nga siya ay napamangha siya sa nakita. Isang maliit na bahay na inaakyat ng maraming vines at may mga ilang nagi-spark pang liwanag sa paligid nito. Enchanted nga ito!

"Whoa. Ikaw pala!"

Napatingin si Eloiny sa lalaking ngayon lang niya napansin na nakaabang palang nakatayo sa pintuan ng library. Nakangiti itong nakatingin sa kaniya at mukhang siya nga ang kinakausap nito.

Nagproseso pa kay Eloiny ang pamilyar na mukha at boses ng lalaki bago niya ito naalala. Ito ang lalaking nakita niya sa pakainan noon na may suot na eyepatch at ang nag-anyo ring aso na hinahabol ng professor kahapon sa Great Hall. Hanggang ngayon ay makikita pa rin ang suot nitong eyepatch. At isa pang bagay naman na hindi halos paniwalaan ni Eloiny ay ang boses nito at kasuotan... Kaboses nito ang tumulong sa kaniya na danger beast noon sa paglalakbay niya papunta ng academy! At ang suot niya ay ang suot rin ng katawang tao nong danger beast! Siya nga ba iyon? Pero papano?

Naglakad na si Nisa at Yona papunta sa pinto ng Enchanted Library. Napilitan namang sumunod sa kanila si Eloiny na naisipang tumakas sana kanina kaso natakot naman na baka maligaw. Nang maisip niya ang mapa ng academy. Puwede niya pala ito maging gabay pabalik!

"Sasama rin ba siya sa'tin?" Tanong ng lalaki.

Tumango ang dalawa. "Siya ang magbubukas ng pinto para sa'tin!" Natutuwang sabi ni Yona.

"Wooah." Reakto naman ng lalaki at tinignan si Eloiny. "Hindi ko inaasahan magkikita pala tayo muli sa ganitong paraan. Pero puwede bang buksan mo na?" Hindi na makahintay na sabi nito.

"A--ang alin?" Tanong ni Eloiny. Itinuro naman nila agad ang pinto. Kailangan ako talaga?

"Sige na, dali. May spell kasi iyan na hindi namin puwede mahawakan ang pinto." Padali sa kaniya ni Yona.

"Pero pagkatapos puwede niyo na ba akong pabalikin?"

"Oo kaya bilisan mo ng buksan."

Napangiti naman si Eloiny sa narinig. Kaya naman lumapit na siya sa pinto at binuksan na ito. Natuwa naman ang tatlo nang magbukas nga ito nang hindi tumutunog ang alarm.

"Ah, ayos na?" Tanong ni Eloiny pagkatapos ito buksan. Ngumiti naman sa kaniya nang malapad ang tatlo at tumango.

"Ayos! Tara na!"

Nagulat si Eloiny nang pati siya ay hilain ng lalaki paloob sa Enchanted Library. Saglit-- bakit ako nasali dito?!

"S--sandali!!"

Mula sa tabi ng Enchanted Library...

Isang babae ang lumabas at tumingin sa pinto. Dahan-dahan siya naglakad palapit dito saka sinilip ang loob at nakita ang apat.

"Anong ginagawa nila?"

End of Chapter 10!
To be continued

Age Of MagicWhere stories live. Discover now