Chapter 24. 2 Weekend Getaway (Francis)

81 5 1
                                    

"Bilisan mo Maria! Walang kukupad-kupad!" utos ni Chariena kay Marie.

"Eh bakit ba! Ang aga aga pa kasi! Bat na tayo aalis!?" reklamo naman niya.

"Aba te,gusto mong magpaiwan?"

"OO!" matapang na sagot ni Marie kay James.

"Huy!" batok ni Chariena kay James. "Anong iwan iwan ka diyan!"

"Ay kailangang mambatok kung ganon?" sagot naman ni James. Eto na naman ang away ng mag-pinsan.

"Mga anak, umagang-umaga nambubulabog na kayo ng mga kapit-bahay," mahinahon na sabi ni tita Mira.

"Pasensya po tita," sabi nung mag-pinsan kay tita.

"Francis, alam mo na ang gagawin sa babaeng iyan. Kasama niyo si Margaux para magbantay,"

"Anong gagawin niya?" sabat ni Marie pero hindi siya inintindi ng kahit sino.

"Anong babantayan niya?" tanong ko.

"Ikaw," walang tonong sagot ni Chariena.

 "Wala akong gagawing masama," sabi ko sa kaniya.

"Eh wala naman kaming sinabing may gagawin kang masama, unless guilty ka?" nakangising sabi ni Chariena.

"Huy babaita ka! Wag kang maniwala dito Papa Francis. Kami na kasi yung magdadala ng mga gamit para maluwag doon sa inyo. Si tita sasama samin para di siya maabala sa pagiging magulo niyo."

"Psh. Maluwag ka diyan," bulong naman ni Chariena sa sarili niya. Ah, ngayon alam ko na kung bakit.

"Teka nga, 6:30 pa lang, aalis na tayo? Ang aga naman! Tsaka wala pa sina Sean, Shawn at Aria dito," reklamo ni Marie.

"Wag mong alalahanin yan," sabi ko sa kaniya. "Tara na, matulog ka na lang sa kotse. Maingat naman akong mag-drive eh."

"For some reason, parang ayaw kong sumakay sa sasakyan mo." Haynako. Tong babaeng to talaga kahit kailan.

"Francis, sundan mo na lang kami, sa inyo sasakay yung kambal. Si Aria, magmi-meet na lang daw tayo doon sa lugar. Ikaw na bahala diyan sa babaeng yan kung paano mo siya mapapasakay sa kotse mo," utos sakin ni Chariena.

"Sige. Kahit ano?" tanong ko.

"Bahala ka," sagot niya. "Tita, doon po tayo sa van namin. Si James na po yung magdra-drive."

"Sige. Hijo, pakaingatan mo mga dalaga ko ah?" bilin ni tita at tumango ako. Nagtungo na si tita, Chariena at James sa sasakyan  nila. Si Margaux naman, kanina pang nasa kotse, nakakatamad daw kasing tumayo.

"Tara na?" aya ko kay Marie.

"A-YO-KO."

"Sasama ka ba sakin o kailangan pa kitang buhatin?"

"Ayokong sumama sa inyo. Marami pa akong gagawin," sabi niya sakin.

"Last na talaga, sasama ka ba?" narinig kong bumubusina na tong si James.

"LAST NA TALAGA, HINDI!"

"Well, suit yourself."

"Talaga lang," sagot niya. Di naman mabigat tong babaeng ito, kaya okay lang sa akin.

"H-hoy!" sigaw niya nang mabuhat ko na siya na parang sako ng bigas. "A-anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!"

"Too late. Pinagpili kita kanina kung sasama ko o bubuhatin kita, hindi ka sumagot."

"Ibaba mo ako!" pagpupumiglas niya, pero di ko siya pinapansin kahit na ilang beses pa niyang sinusuntok-suntok ang likod ko.

"Margaux, pakibukas yung pinto," pakiusap ko sa kaniya.

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Where stories live. Discover now