Chapter 20.1 -Competition (Marie)

144 6 1
                                    

"Huy bakla! Akala ko ba may ikukwento ka sa akin?" tanong ko kay James.

Naalala ko kasi yung text niya noong isang araw. Nakalimutan ko namang tanungin kahapon dahil masyado akong naging busy. Dinaldalan pa kasi ako ni ma'am eh. Okay, hindi nga pala daldal, "counseling." Yun ang tawag dun.

"Ha? Anik ang sinasabi mo diyan chaka? Di ko maalala ang sinasabi mo," tanong niya habang nagsusubo ng kanin.

Lunch time namin ngayon, at nasa cafeteria kami ni James at ni Francis. For a change naman daw, dito kami kakain, kasi palagi na lang daw akong nagtatambay sa SC Office o kaya naman da sa roof top. Eh may magagawa ba kayo, gusto kong mapag-isa noon.

"Yung tinext mo sakin noon. Sabi mo may ikukwento ka," pagpapaalala ko sa kaniya.

"Share kayo, bawal mang-OP," sabat naman ni Francis.

Etong lalaking eto, nakaka-inggit yung kinakain. Sushi eh! Hep! Ayokong humingi, baka may lason. haha. De joke lang. Sayang naman yung niluto ni Margaux.

Bingyan ko siya ng "Pwede ba?" look.

"Bakit ba?" sabi niya.

"Wala," tipid kong sagot sa kaniya, tapos tinignan ko si James. "So ano? Kwento na."

"Nakalimutan ko na eh! Mamaya. Pag naalala ko.  Promise!" pangangako niya.

"Nako! Ikaw talaga ah! Baka pinagloloko mo talaga ako?" sabi ko sa kaniya.

""Witchikels te! Di ko lang talaga maalala," diin niya.

"Hay nako!" sabi ko. Pagtritripan ko sana siya, pero may dumating at lumapit sa aming tatlo. Sa pagdating ng taong ito, may natigilan sa amin, at hindi umimik.

"Ate! Pinapatawag tayo ng Principal. May conference daw tayo mamaya, alas tres, doon sa SC room," batid sa akin ni Sean.

"Sige. Tayong SC officers lang ba?" tanong ko.

"O, bakit pres? Malulungkot ka ba kung wala ako sa tabi mo?" sabat niya. Sino pa ba sa amin ang hindi SC officer, pero palaging present sa lahat ng gagawin namin? Haynako.

"Ayan na naman. Kumakapal na naman ang mukha naten," pagpapatama ko."Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang na hindi gagana yang pagkapilyo at pagkapilosopo mo?" Nginitian lang niya ako na parang nagsasabing 'hindi pwede.' Hindi ko na lang inintindi.

"So ano, Sean? Tayo lang ba at si ma'am?" tanong ko ulit kay Sean.

"Ewan ko Pres. Basta ang sabi lang niya kanina, i-inform ko daw sa inyo, kasama na rin nung mga Representative ng each club," sagot niya.

"Okay," sagot ko. Napansin kong hindi nagsasalita si James kaya kinibo ko siya.

"Ay pusang bakla!" bigla niyang sigaw.

"Gaga. San ka makakahanap ng pusang bakla? Bat di ka nagsa--" tinignan niya ako nang masama, and then nag-click sa utak ko. Ngumisi ako ako.

"Sean, upo ka muna. Wala ka namang gagawin na iba, di ba?" tanong ko sa kaniya.

"A-ah. Wala naman po ate. Hinihintay ko lang si Shawn," sagot naman niya nang nagaalanganin. Parang nagtataka siya kung bakit ko siya inimbita.

Nakikita ko ngayon sa paningin ko si James, na parang nabwibwisit sa akin. Kinidatan ko lang si James, at umupo naman si Sean sa tabi niya. So bale ang katabi ko, si Francis at nasa harapan ko si Sean.

Nasabi ko na bang may crush si James kay Sean? Kaya yan ganiyan ngayon, palaging tulala iyan kapag meron si Sean.

Kahit nao-awkward si James, si Sean chill na chill lang. Walang pakielam sa mga nangyayari sa paligid niya, parang hindi nga niya napapansin eh.

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Where stories live. Discover now