Chapter 2 - Francis Delacour (Francis)

359 30 96
                                    

(A/N: Eto ang unang POV ni Francis! :D Yay! Charot. haha. Para po malaman niyo kung kaninong POV yung mga chapters, tingnan niyo na lang kung kaninong pangalan yung nakalagay sa parentheses, sa tabi po ng title ng mga chapters. Get? Kung hindi, ayun po oh ^ Nasa taas, dun sa may drop down box. Okay? :D)

"Nay Tanya, asan po kayo?" tawag ko sa kasambahay namin.

"Ano yun, nak?" tanong niya at pumasok sa kwarto ko.

"Nalabhan niyo na po ba yung uniporme ko? Di ko kasi mahanap eh."

"Ay, sandali lang anak. Plinaplantsa ko pa. Ilalagay ko na lang sa higaan mo pagkatapos ko."

"Sige, salamat po. Alam po ba ni Tay Greg yung daan papunta doon?"

"Syempre naman anak. Parang mas excited pa nga siyang papasok ka sa bagong paaralan kaysa sa iyo eh."

"Haha. Parang nga eh. Kagabi pa po niya kinukwento sa akin na magandang paaralan daw iyon para sa akin kasi walang masyadong nakakakilala sa akin."

"Oo anak. Para na rin sa proteksyon mo. Sana nga nandito yung mama mo eh para makita ka niya."

"Sana nga po," sabi ko at nginitian siya.

~*~*~

Tumayo ako sa harapan ng salamin para malaman ko kung maayos rin yung pagkakalagay ko nung uniporme. Maganda yung uniporme, kaso parang ang pormal tingnan. Black slacks, tapos white button down na short sleeve polo na may school crest sa left breast pocket. At ang pinakaayaw ko sa lahat, isang neck tie na black.

"Oh! Ang pogi naman ng anak ko. Manang mana ka talaga sakin hijo!" proud na proud na sabi ni tay Greg.

"Syempre naman tay!" sabi ko.

"Hay nako. Kayong dalawa talaga, kahit kailan, di pa rin magbabago. Mahahangin pa rin kayo," sabat ni nay Tanya.

"At syempre naman, ang pinakamagnadang nanay sa buong mundo, si nay Tanya! Di ba, nak?" pambobola ni tay Greg at inakbayan si nay Tanya.

"Opo naman," sagot ko.

"Nako! Ako pa niloloko niyo! Bilis-bilisan niyo nga at baka ma-late pa tong si Francis sa klase niya. Sabi nga nila, bawal ma-late sa unang araw di ba?Dali!" Nagsimula ng pumunta si tay Greg sa labas para paandarin yun sasakyan.

"Sige po nay. Punta na po kami." Paalam ko at binigyan siya ng halik sa noo.

"Oo nak. Ingat ka ha?" paalala niya. "Kwentuhan mo kami ng tatay mo pagdating mo."

"Opo."

"Sabihin mo sa tatay mo kung anong gusto mong kainin mamayang hapunan para makabili siya ng lulutuhin ko."

"Salamat nay." sabi ko at tumungo na sa sasakyan.

Nung makarating ako sa paaralan, nag-park muna si tay sa malapit na bakanteng lote para makapagobserba ako. May mga grupo ng mga estudyanteng maingay pero masayang pumapasok sa gate ng eskwela.

Napansin ko na bago sila makapasok sa gate, may dalawang taong nagpapaayos muna sa kanila. Isang lalake na nagsusulat ng kung anuman at babae na salita nang salita. Sa nakikita ko, parang takot yung mga estudyante sa babaeng iyon.

"Nako. Parang mataray ata yung babaeng yun ah," sabi ni tay.

"Pansin ko nga tay. Maldita siguro," patawa kong sabi. "Baka pagdating ko pagsisigawan ako."

"Nak, malay mo naman may pinagdadaanan. Nung una kong nakilala yung nanay mo, inakala ko rin maldita siya," sabi ni tay at tumawa kaming dalawa. "Pero wag mong sasabihin sa nanay mo na yun ang una kong inakala sa kaniya ha. Mahirap na."

"Baka di tayo lutuhan ng hapunan pag nasabi ko sa kaniya," sakay ko naman sa joke niya.

"Osya nak, malapit nang ala una. Pasok ka na."

"Opo tay. Salamat po."

"Walang anuman anak. Ikaw pa eh malakas ka sa akin," sabi niya. "O, hihintayin kita dito ng 5:00 ha."

"Ingat po sa pagmamaneho!" paalala ko at tumungo na sa bago kong paaralan.

"Ah. Good Afternoon. Ikaw ba yung transferee?" Bati sa akin nung lalakeng nagsusulat kanina.

"Oo. Francis DelaCour," pagpapakilala ko.

"James Corpuz," sagot naman niya at nakipagshake hands sa akin. Ona closer look, parang may iba sa kaniya pero di ko mapinpoint kung ano. "Ako nga pala ang Vice president dito kaya kung may kailangan ka, pwede mo akong puntahan o yung ibang officers. Makikilala mo sila sooner or later."

"Thanks," sabi ko at nginithan siya.

"Hintayin lang muna natin yung bruhilda kong kaibigan ha? Samahan ka daw kasi namin sa office ng Principal."

"Ayos lang," sagot ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung babae na may kinakausap na grupo ng iba pang babae. Kitang-kita mo na masaya siya, yung ngiti niya, napapangiti rin ako.

"Ganda ng kaibigan ko di ba?" sabi ni James.

"Nililigawan mo o friendzoned ka?" tanong ko.

"Excuse me?" sabi niya.

"Ah. Tinatanong ko lang," sagot ko at tumaw siya nang malakas.

"May mali ba akong nasabi?" naguguluhan kong tanong. Anong nakakatawa dun sa tanong ko?

"Pasensya ka na ha," sabi niya na tumatawa pa rin. "None of the above. Yung babaeng yan? Halos lahat ng mga hobby, tipo, tsaka kung anu-ano pa, pareho kami."

"Oh? Naniniwala ka sa opposites attract kaya di ganun?" 

"Hindi naman. Pero maliban kasi sa mga gusto naming bagay, may isa pa kaming similarity," sagot niya. "Pareho kaming may pusong babae."

Pagkasabi niya nun natawa rin ako sa sarili ko. Shunga ko talaga kung minsan. Hahahaha. "Sorry. Maling akala."

"Ayos lang yun," sabi niya. "Sanay na ako. Pati nga yung ibang estudyante sito inakala nilang straight ako nung nakita ako. Strikto kasi yung kaibigan ko, siya yung presidente eh. Kung hindi lang siya sobrang strikto, siguro kung anu-anong burluloy ang nakalagay sa katawan ko."

"Ahhh. Kaya pala parang pinagsasabihan niya yung ibang estudyante kanina."

"Exactly." sabi ni James. "Ahh. Paalala nga pala, masungit talaga yang babaeng yan at first, kaya pagpasensyahn mo na yung ugali. Marami kasing nangyari noon eh kaya medyo allergic sa mga lalake."

"Matagal na kayong magkakilala?"

"Oo. Mula panoong mga fetus kami. Haha."

"Ohh. That's nice."

"Nagpapasalamat nga akong nakilala ko siya eh. Isa siya sa mga the best na tao dito sa buong mundo. Kahit na sobrang ingay niya kung nagsesermon." Proud nyiang sabi.Buti pa sila. "Op. Speak of the devil."

"Hoy! Bakla ka. Ang ingay-ingay mo!" pasigaw na sabi nung babae.

"Hoy ka rin noh! Kabagal mo eh hinihintay pa ni ma'am Eve tong si Francis, tapos ikaw, nandiyan na nakikipagchikahan sa ibang tao."

"Eh may problema sila, tinulungan ko lang," palusot niya.

"Psh. Problema problema eh ang saya-saya niyo ngang nag-uusap eh." Nako. Kung hahayaan ko lang na magsumbatan tong dalawang ito, wala kaming patutunguhan.

"Ahem," pagpapapansin ko.

"Ay, sorry Francis," sabi ni James.

"Close na kayo te? Ganun?" mataray na sabi ng babae pero di pinansin ni James.

"Eto nga pala yung kinukwento ko kanina, Marie Beau, ang presidente ng school."

"Francis Delacour," sabi ko. Makikipagkamay sana ako kaso nakita kong ngumiwi si James kaya binawi ko rin lang.

"Nice meeting you, Mr. DelaCour."

"Ah. Francis na lang Marie," sabi ko.

"Sure," sagot niya. Well, she's not so bad. Siguro tama nga si tay Greg. "Anyway, this way papunta sa office ni Ma'am Eve. Pagkatapos nun eh iiikot ka namin sa school."

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Where stories live. Discover now