Prologue - Shattered (Marie)

2.1K 41 81
  • Dedicated kay To the one who persuaded me to write a story, Ryan Luna. :) Fianlly did yer requ
                                    

Kagaya ng halos lahat ng mga babae, balang araw, gusto ko ring pumunta sa Paris. Yung kasama ko yung taong mahal ko tsaka mahal ako. Yung bang doon siya idedeklara na kung gaano niya ako kamahal sa harap ng kahit isang daan o isang libong tao. At that time, he will ask me a question that will change my whole life.

Hindi naman bawal mangarap di ba? 

Above the lights of the Eiffel Tower, the moon would smile at us and will shine brighter, together with her stars. Lahat ng mga taong mahalaga sa akin ay naroroon rin . . . yung mga best friends ko . . . yung kapatid ko . . . si mama . . . at syempre, si papa na tila proud na proud sa akin. . . Oo, yung perpekto kong tatay.

Mula pa noong bata ako, siya na yung ideal type ko. Caring, sweet, matalino, magaling kumanta, gwapo, responsable, loving, hindi self-centered, tapos may respeto sa lahat ng tao . . . para sa akin, he is the perfect guy to be with.

Pero higit sa lahat, yung pinakagusto ko kay papa, he NEVER breaks his promises. May mga nagsasabi na swerte kami kase ganung klase yung tatay namin. Yung iba naman, hindi naniniwala. Kung di ko siguro siya tatay, di rin ako maniniwala. He never broke a single promis . . .

. . . not until that day. Yun yung araw na huli ko siyang nakita. Yung araw na yun, like ususal, nagpaalam siya sa amin na pupunta na siya sa "trabaho" niya. Iniwan niya kami para sa pera, yung pera na inoffer sa kaniya ng isang bruha na nakadamit pang-mayaman. Di ko na nga maalala yung mukha ng babaeng yun eh. Pero whatever, baka kung maalala ko at makita ko siya, baka kung ano pang magawa ko. Dati, akala ko araw-araw siyang nagtatrabaho para sa amin . . . I guess I was wrong about one thing. Hindi para sa amin, kundi para sa babae niya, and mostly, para sa sarili niya.

Magmula na nung nawala siya, ang daming nasira sa buhay ko. Si mama, trabaho na nang trabaho para lang kumita ng pambayad. Tapos may mga sarili pa siyang issues na ayaw kong isipin.

Para hindi masyadong mahirapan si mama, tumulong na rin kami ng kapatid kong si Margaux. Si Margaux, sumasali sa kung anu-anong mga contest tsaka nagba-babysit siya ng mga bata sa kapit-bahay namin. Siya na rin ang mostly na gumagawa ng gawaing-bahay.

Ako naman, mula noong umalis siya, ang daming nawasak na pangarap ko. Gusto kong mag-high school sa Lewis Academy, kaso sobrang mahal ang tuition doon, kaya naman pumunta na lang ako sa Carmen Academy kung saan mababa lang ang fees. Sabi ng guro ko noon na pwede pa rin akong makapasok sa LA through scholarship, kaso ang dami nilang extracurricular activities na nagrerequire na naman ng mas maraming pera, tsaka wala akong oras para sa mga event na yun. Buti nga tinutulungan ako nung dalawa kong best friends tsaka ang pamilya nila. 

Ang dami talagang nagbago mula noong umalis na siya. Lagi na akong masungit, lalo na sa mga lalake. Ang hirap ko na ring magtiwala sa kanila. May mga napalapit sa akin na ibang tao, kaso iniwan na naman ako. Actually, iilan nga lang ang mga pinagkakatiwalaan kong tao. Mula noong umalis sila, nawala na rin yung mga masasayang araw ng buhay ko, napalitan ng galit everytime na naiisip ko sila.

Siguro mas okay na rin eto. At least ngayon alam ko na na hindi perpekto yung taong iyon, at dapat mga piling tao lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko. Kung yung inakala kong perpektong tao, nakayang iwan ang iba, yung iba pa kaya?

Yung masasayng araw ko? Gone forever dahil sa isang taong iniwan kami in this hell hole with nothing but debts and hardships. Paalam na sa mabait na Marie Beau na kakilala ng mga tao dati. Paalam na rin sa mga pangarap ng dating ako na kailan ma'y di na matutupad. At hello sa bago kong mataray na sarili.

. . . And good-bye to my pain in the ass dad who should have never been in mom’s life in the first place.

(A/N: Libre lait! First timer ako. Papangunahan ko na po kayo para walang reklamo, binase ko po ito sa isang anime.

And since may ilang nag-comment na dapat ilagay ko kung kaninong POV yung chapter, nasa title bar po kung kanino man yun. Okay?

This was revised as of 12/29/2014)

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon