Chapter 22 - Return (Marie)

128 4 2
                                    

(A/N: I knowwww. Late update. haha. Pasensya. Wala akong maisip na ilagay. Pinush ko na nga ito eh. Pero eto ang epekto, makikipag-away si Marie sa utak niya. haha. xD Pagpasensyahan niyo na lang yung mga parteng iyon. Wala kasi ako sa tamang pag-iisip habang ginagawa ko ito. haha.)

"Bakla! Di ka pa ba tapos mag-sara diyan?" tanong ni James sa akin.

Katatapos lang naming mag-sara ng cafe, kaya kaming tatlo nina Chariena at James ay nag-aayos na. Yung mga ibang empleyado, pinauna na namin. Medyo naging busy kasi kami ngayon, kaya late na kaming nakapag-close ng cafe.

Saan nagpunta si Francis? Ay. Ayun, naka-upo lang sa lounge. Sobrang sipag ano? Masipag sa pag-upo at pambwibwisit sa akin. Di man lang tumulong ang baliw kesa naman sa pangiinis lang ang alam. Haynako.

De joke lang. Di naman kasi siya trabahador dito. haha. Isa sa mga "precious customers" *roll eyes* daw kasi siya ng cafe, kaya hindi daw siya pwedeng tumulong. Precious precious daw. Ipakain ko pa siya dun sa mukhang alien na nandun sa Lord of the Rings eh! Sino ulit yun? Gollem? Gollum? Whatever. Basta, yun na yun.

"Tapos na ako!" sagot ni Chariena sa tanong ni James. "Ikaw Marie?"

"Teka lang. Kukunin ko pa lang yung hagdan," sagot ko.

At ako naman, dahil sa sobrang tangkad ko. . .

Feeling matangkad, kamo. Hanggang 5'4" ka nga lang eh!

Leshe! Manahimik ka utak. Mas matangkad naman ako kesa kay Chariena ah! Tsaka matangkad na ako para sa isang babae no! Tingnan mo pa sa internet, isang inch na lang kasing tangkad ko na si Bruno Mars at tsaka si Miley Cyrus.

Whatevs, Marie.

Whatevs Marie ka diyan! Marie rin naman ang pangalan mo eh! Anyway, dahil sa sobrang tangkad ko, ako na ang nag-volunteer na magsasara nung mga nasa pinakamataas na mga bintana. Ewan ko nga kung bakit pa kasi to binubuksan, hassle na ngang buksan, hassle pang isara.

At dahil nga sa sobrang galing kong mag-volunteer, kinailangan ko tuloy kunin yung hagdan mula sa likod ng cafe.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni James.

"Oo!" sagot ko agad. Grabe, kahit naman hagdan yun, medyo mahirap pa rin naman yung buhatin lalo na kung mag-isa ka. "Dali. Tara na, para makauwi na tayo."

"Aba. Demanding ang ate!" mataray na sabi ni James. "Bakit? Sinabi ko bang ako ang tutulong sayo? Papa Francis! Pakitulungan mo nga yung asawa mo."

"Asawa ka diyan." sabi ko kay James.

"Sige ba. Pero dapat may sweldo rin ako," sagot ni Francis kay James. At humingi pa talaga ng kapalit ang loko! Ayos rin eh no?

"Nako! Wala akong ibibigay na sweldo sayo!" reklamo agad ni Chariena. Nag-isip muna siya, pero kinilabutan ako nung nakita niya ako at ngumiti siya ng ngiting demonyo. "Papayagan na lang kitang makipag-landian kay Marie. Yun na lang sweldo mo sakin. Exclusive siyang magseserve sa iyo sa susunod na pupunta ka. Ikaw lang yung pagsisilbihan niya. Okay ba?"

"Sure! Salamat boss!" pananang-ayon ni Francis. Natawa lang si James at nag-thumbs up.

"Huy! Ano yan? Ako pa talaga ang swinweldo mo!? Kaibigan mo ba talaga ako, o alipin mo?" Oras ko naman ngayon para mag-reklamo. "Ayoko ngang pagsilbihan ulit yan! Baka kung ano pang gawin ng baklang yan sa akin!"

"Ano ba naman Marie! Sinabi ko sayong wag mong ipagkakalat na bakla ako eh!" sabat ni Francis, at tuluyan na ngang humalagpak sa tawa si James. Haynako. Mga baliw talaga tong mga kaibigan ko. Kung anu-ano ang pinaggagagawa!

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora