Chapter 10.2 - Confession (Francis)

225 16 24
                                    

"Tita, sabi niyo may mga anak ka, puro babae ho?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa bahay nila, kung saan man yun. Wag kayo, gentleman naman talaga to eh, di lang halata.

"Oo hijo. Gusto ko sana noon ng lalake, pero walang dumating eh. Pero masaya na ako sa mga anak ko. Maalaga sila at hindi sila nag-aaway, eh di ba kapag pareho kayo ng kasarian, malamang palagi kayong mag-aaway."

"Oho tita." Sagot ko nang tumatawa. "Naku tita, kapag lalake ang hiniling mo, magsisisi ka. Mabait talaga siguro ang mga anak mo ano tita?"

"Oo naman. Mabuti nga hindi nagmana sa tatay nilang matigas ang ulo pagdating sa akin. Pinili nila ako noon, kaysa sa makasama ang ama nila at ang babae niya kahit na alam nilang mas maganda ang buhay nila kasama yung dalawang yun. Bumalik siya noon para kunin ang mga bata, mabuti na lang hindi inabot sa korte. Dios ko, pag ganun, mag-isa na ako."

"Ganiyan lang talaga tita. Ikaw ang pinili nila kasi mahal  ka nila eh, tsaka sa bait mong iyan, iiwan ka nila para lang sa pera? Nako nako." Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Napaisip ako sa sinabi ni tita. Parang ganun din yung nangyari sa pinsan ng tatay ko eh. Haynako. Ewan.

"Oh. Andito na tayo. Pasok ka hijo. Ipaghahanda kita ng makakain."

"Nako, huwag na po tita. Nakakahiya naman sa inyo, lalo na sa mga anak mo."

"Anong hiya-hiya diyan. Pasalamat nga sila sayo eh, kung wala ka kanina, wala na silang uuwing ina. Lalo na yung panganay ko, gugustuhin niyang pasalamatan ka nang personal. Sige na. Pasok na."

"Uhh."

"Hijo naman, Hayaan mo na akong pasalamatan ka. Sige ka, kung hindi ka kakain dito, papakamatay na talaga ako mamaya."

"Eto na nga tita. Sabi ko nga eh, papasok na ako. Nagbanta ka pa eh." Tumawa lang kaming dalawa.

Simple lang ang bahay nila. dalawang floors. Kusina, sala at banyo sa baba. Sa taas yung mga kwarto nila, tig-iisa raw sila, tapos may shower rin doon na pagliliguan nila.

"Upo ka muna hijo. Mukhang wala pa naman yung panganay ko. Si Margaux, malamang, tulog na yun."

"Ho? Ang aga naman niya."

"Ah. Oo, ganun talaga yun. Babangon yun mamaya para kumain tapos gagawin yung mga assignment niya. Tapos balik tulog ulit."

"Ah. Teka lang muna hijo ha. Pagpasensyahan mo na at maliit lang ang bahay namin."

"Buti nga ho kayo eh, masaya kayo kahit ganito kasimple ang buhay niyo."  Nginitian niya lang ako. Arte kasi ng lolo at tatay ko. Psh. Ang laking bahay ang tinitirahan ko, tapos ang kasama ko lang ay sina nay Tanya at tay Greg.

Nag-ikot-ikot lang muna ako sa sala para tignan yung mga pictures na naka-display doon. Parang transition ang ginawa sa mga picture dito sa taas ng upright nila. Una kong nakita yung mga picture ni tita. Puro siya lang at yung mga anak niya na mga bata pa lang. Napansin ko walang picture yung asawa niya. Sayang, gusto ko pa naman makita yung mukha niya.

Ay tanga! Nako naman Francis, siya yung nang-iwan sa kanila, tapos mag-iiwan sila ng picture niya, ididisplay pa? Shunga lang.

Pagkatapos ng mga picture ni tita Mira, yung picture siguro ng bunso nila. Maganda siya. Kasama niya yung ate niya. Medyo magkakamukha sila nina tita Mira.

May nag-rereflect ng ilaw sa mukha ko na frame. Nilapitan ko yun para iayos para hindi masyadong masakit sa mukha ko. Naagaw ng pansin ko yung picture na tinitignan ko.

Teka. . .

Seryoso ba eto? O nananaginip lang ako? Nilapit ko pa nang onti yung frame sa mukha ko para manigurado. Kinumpara ko yung mukha na mas bata kaysa dun sa hawak ko. Siya nga, pero hindi siya. Iba tong nakikita ko dito eh.

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Where stories live. Discover now