Chapter 6 - Coincidence (Francis)

282 24 46
                                    

"Labas po muna ako nay," paalam ko.

"Sige anak. Mag-iingat ka," sagot niya.

"Opo," sabi ko at lumabas na sa bahay. Malapit sa gate, si tatay Greg, nagpupunas ng sasakyan.

"O? San ang punta mo?" tanong niya.

"Maghahanap lang po ng chicks," pajoke kong sabi. "Sama ka tay?"

"Kung pupwede lang, pero meron naman nanay mo," sagot niya. "Baka lutuhin lang ng nanay mo yung chicks kung sasama pa ako."

"Hahaha. Sige po. Kahit mauna na po kayong kumain."

"Osya. Ingat ka sa daan."

"Opo," sagot ko at lumabas na. Kinuha ko rin yung bisikleta, cellphone, tsaka wallet ko. Kailangan ko lang magpahangin ngayon. Mababaliw ako kung itutuloy ko pa yung mga pinagagawa ni lolo. Since weekend naman bukas, saka ko na gagawin.

Nakarating ako sa isang park, pero medyo kaunti na lang yung tao. Nilock ko lang yung bike ko doon sa isang bench tapos umupo para mag-isip. Ang weird kasi ng araw na ito para sa akin eh. Hindi ko mapigilang isipin kung sino yung babaeng iyon. Pamilyar sakin yung boses niya, pero di ko mapin-point kung kanino.

May mga kaklase akong babae na narinig ko ng kumanta, kaso iba eh. Hindi naman sila yun. Pero sa tingin ko talaga kakilala ko yung may boses. Kanina nga naisip ko na baka multo yun, pero di naman ako naniniwala sa mga multo. Tsaka as if naman na multo talaga yun.

Maliban rin sa boses niya, yung . . . feelings ba kumbaga ng pagkanta niya iba rin. Ramdam na rramdam eh, parang nagcoconcert siya pero exclusive lang para sa sarili niya. Pero yung exclusive na concert na yun, narinig ko kasi nagsneak in ako. Haha. Ang dami kong alam eh. Pero seryoso, maganda yung boses niya.

Pagkalipas ng mga isang oras na pag-iisip tsaka pagtatambay sa park, naisipan kong mag-bike muna bago ako bumalik sa bahay. May mga taong pa-uwi na rin sa kani-kanilang mga bahaya (siguro). Meron rin naman akong kagaya na nagtatambay lang sa paligid-ligid at mga naglalakwatsa pa.

"San mo gustong kumain?" tanong nung isang babae dun sa kasama niya.

"Naalala mo yung pinuntahan natin last week? Yung may event na Fashion Show or something?" tanong rin nung isa.

"Ah! Yup. Dun tayo? Masarap rin pag-kain nila doon, tsaka maganda yung services nila," sabi nung unang babae.

"Oo. Unique rin ang concept nila eh. Tapos every month may bago silang event. Narinig ko nga bata pa yung mga may-ari nun eh. I think around 16."

"Weh? Maniwala naman ako." Sus. Pareho pa kami ng reaction ng babaeng ito.

"Seryoso! Siguro nakapangalan sa parents nila yung business, pero iba yung nagpapatakbo. Best friends daw yung tatlong may-ari."

"Talaga?"

"Yep. Nakausap ko noon yung isa sa mga may-ari, yung nag-design nung mga damit. If I'm not mistaken, siya yung nagdedesign ng lahat ng costumes nila doon at tsaka design nung cafe. Tapos yung isa naman, yung parents niya ang main na pinagmumulan ng capital nila, tapos siya rin yung cook nila. Tapos yung magandang babae na parang model."

"Ahhh! Yung magaling ring kumanta? Nakausap ko rin yun. Ang bait niya. Super." Nako, 16  tapos working na? Mga kapareho ko siguro tong mga to. Mga taong may mahirap na buhay.

"IKR! Maliban doon sa pagkanta, at pagserve niya sa mga customers, siya rin yung gumagawa ng events nila. And then siya palagi yung parang main attraction nila doon. Tapos lagi pang may live concert."

"Cool. Gusto ko ngang mag-work doon eh, kaso limited lang naman yung slots doon. Tsaka yung mostly na hinahanap nila eh yung pang-umaga. May klase naman," nanghihinayang na sabi nung isa.

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]On viuen les histories. Descobreix ara