Chapter 4 - New Classmate (Marie)

288 29 62
                                    

“Good Morning. Francis DelaCour here, your new classmate.” Sabi niya na nakamonotone.  Nagbulung-bulungan naman yung mga kaklase ko. Di mo naman sila masisisi kasi rare lang yung mga estudyante na nagtratransfer once na nagstart na yung klase. Sa dami ng monkey business ng lalakeng ito kahapon, nickname ko sa kaniya, 'Unggoy'.

“Thank you Francis. You may take any empty seat you feel comfortable with.," sabi ni sir sa kaniya.

Lumingon-lingon siya kung saan-saan sa room, tas nakita niya ako. Nag-meet yung mga mata naming at ngumiti siya na parang smirk ba. May binabalak ata itong masama. Psh. Bagong sakit sa ulo. Nilipat ko na lang yung mata ko sa labas, katabi ko lang kasi yung bintana. Mas gusto ko dito eh, mas mahangin kaya makapag-iisip ako nang mabuti. Hindi rin masyadong nasa harap o nasa likod. Katamtaman lang ang distansiya.

Biglang lumakad papalapit yung unggoy. Nakatingin pa rin sa direksyon ko. Tumingin ako sa paligid ko, baka may iba siyang nginingitian. Paglingon ko sa likod ko. . . Ay shii! Empty yung upuan! Alam ko na binabalak nito. Walang hiya naman oh. Okay na sana ito sa pwesto ko eh! Nevermind. May magagawa pa ba ako kung ganun. Nagmukmok na lang ako sa desk ko.

Tumigil siya sa harapan ng desk ko. I can feel, halos lahat na nang tao, nakatingin sa amin.

"We meet again, Ms. President. Do I have the permission to sit on the desk behind you?" tanong niya.

"Kahit naman sabihin kong hindi pwede, diyan ka pa rin uupo, di ba, ginoong DelaCour?"

"I'll take that as a yes," sagot niya at nagwink lang sakin. Pagkatapos nun, tumungo na siya sa upuan sa likuran ko.

"Ms. President?" tawag ni sir.

"Po?"

"Since late enrolee si Mr. DelaCour, pwede bang ikaw ang magturo sa kaniya kapag may hindi siya naiintindihan?" request ni sir. At dahil naman sa ako ang kinausap ng unggoy na ito, plus ako rin ang SC president, dinagdagan ng adviser ko ang responsibilidad ko. Yaayyy! Insert sarcasm.

"Sige po," sagot ko. Di naman ako makakahindi eh.

"Don't worry pres, di kita guguluhin unless talagang di ko maintindihan," bulong ni unggoy mula sa likod.

"Dapat lang," sagot ko.

Mabait naman siya at di naman ako ginulo, maliban na lang nung break, pero usless things lang naman ang tinatanong niya. Parang iniinterview niya nga ako eh tungkol sa buhay ko.

"Akala ko ba gugugluhin mo lang ako kapag talagang may di ka maintindihan?" mataray kong tanong sa kaniya.

"Meron naman akong di naiintindihan eh," sagot niya. "Ikaw."

"Ang dami mong alam. Dun ka nga, marami pa akong gagawin," sabi ko sa kaniya.

"Ayaw. Dito lang ako."

"Edi diyan ka lang, basta wag mo kong guguluhin, okay?"

"Yes ma'am, pero bago yun, asan si James?" tanong niya.

"Bumili ng kakainin namin. Malapit na sigurong bumalik," sagot ko.

"Mariaaa! Taralets na sis," tawag ni James mula sa pinto.

"San punta niyo?" tanong nitong unggoy.

"Sa SC office. Sama ka papa?" sagot ni James. Papa? Sus, kung anu-ano na naman naitatawag ng baklang ito.

"Ahhh. Di pwede," angal ko. "Dito ka lang," utos ko sa kaniya. Baka manggulo na naman dun eh. "Tara na, James."

Tatayo pa nlang ako mula sa upuan ko, pero nakita ko rin tumayo tong lalakeng ito. "Sinabi na ngang wag kang sasama eh," sabi ko.

"Sinabi ko bang sasama ako? Di ba pwedeng lalabas rin ako sa classroom na ito para bumili ng pagkain o mag-cr?"

"Ay. Hiyang hiya naman ang lola mo. Yan kase, assuming ka ate," sabi naman ni James na binigyan ko ng 'bwisit ka' look.

"Whatever," sabi ko at nag-walk out na lang. Haynako. Kabwiset. Di ko na rin pinansin kung sumunod ba si James o hindi.

Pagdating ko doon sa SC Office, nandun yung iba kong officers na kumakain plus gumagawa ng kani-kanilang trabaho.

"Ate, nilagay ko na yung minutes of the meeting diyan. Yung perma mo na lang tsaka ni ma'am Evec ang kulang," sabi ni Sean.

"Okay. Ako na bahala," sagot ko. Sa likuran ko, narinig ko yung boses ni James tsaka ni Francis.

"Akala ko ba di ka pupunta dito kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Di ko naman sinabing di ako pupunta. Sinabi ko lang na di ako sasama sa iyo," sarkastiko niyang sagot. Walangya talaga tong lalakeng ito. Nakakastress. I give up.

"Walang magulo, okay? This is the first and last time na ia-allow kita dito sa office. Sa susunod, di ka na pwedeng pumunta dito not unless may kailangan ka sa akin o sa mga officers ko."

"Opo ma'am. Oobserbahan ko lang kayo, tsaka tutulong na rin kung kailangan niyo," sagot niya.

Perfect! May utusan ako this time. Madalian kong binasa yung papel na binigay ni Sean at pinirmahan ko na rin, saka ko inutusan tong lalakeng ito. Sinabi naman niyang tutulong siya eh, edi take advantage. "Heto, ibigay mo kay Ma'am Eve tapos papermahan mo. Wag kang babalik hanggang si niya napirmahan ha? Kumain ka na rin bago ka pumunta, siguradong wala pa si ma'am Eve doon."

"Okay," sagot niya at lumabas na. At least may nagawa na siya, and he won't be back anytime soon. Knowing ma'am Eve, kumakain pa lang yun this time, kaya wala pa siya sa office niya.

"Talagang do ipagagawa mo ang kung ano basta lang di siya babalik dito eh no?" sabi ni James.

"Malamang. Siya pa na proporblemahin ko. Baka kung anu-ano na naman ang tanungin niya sa akin," sagot ko. Pagkatapos nun, bumalik na ako sa pagaasikaso nung iba ko pang dapat gawin para sa SC.

"Bago niyong kaklase, ate?" tanong ni Shawn.

"Yep. First day niya ngayon, kahapon eh nag-tour siya dito kasama namin," sagot ko.

"Oh. Parang FC ata sayo ate?" sabi ni Ian.

"Medyo lang," sagot ko.

"Rather than FC, more like hindi siya takot sa'yo eh," sabat ni James.

"Che. Wag ka nga. Ang wierdo kaya niya."

"Well, hindi ako aangal diyan Weird nga talaga siya, pero at least natitiis niya pagkamasungit mo."

"Ewan ko sa iyo," sabi ko na lang.

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Where stories live. Discover now