Chapter 16.1 - Lewis Academy (Marie)

180 9 17
                                    

Malayo pa lang ako sa gate ng paaralan, tumambad sa akin ang sobrang laking building na parang palasyo ang dating. Halos kasing laki ng bahay, kapag pinalaki mo pa yun ng 1000 times. Truth be told, ang elegante ng dating pero ang tanging naiisip ko lang eh kung gaano kalaki nung gastusin nila dito. Not that it matters to them. Lahat naman sila mayayaman eh, if ever naman mago-offer sila ng scholarships, mostly naman 100% na yun plus allowance pa. Kaso sa iilang tao lang nila binibigay iyon.

Habang tinitignan ko yung harap, biglang nagvibrate yun cellphone ko. Tinignan ko yung caller ID, pero feeling ko alam ko kung sino yung tumatawag.

"Problema mo?" pataray na sabi ko.

[Grabe ha. Good Morning din Marie. Kamusta ang lakad?] tanong niya.

"Kararating ko pa nga lang, kinakamusta agad? Atat lang kuya?"

[Eh pagpasensyahan mo na. Namimiss kita eh.]

"Psh. Namimiss ka diyan. Pagtritripan mo rin lang naman ako! Sige na nga. Papasok na ako."

[Pst. Uy. Puntahan kaya kita? Kinakamusta ka ni James taska nung mga fans mo.]

"Fans ka diyan. Baliw. Tsaka may klase pa kaya."

[Wala kaya. Nagpraractice matches na lang kami para sa Sports Fest. Wala naman akong paglalaruan, kaya wala akong ginagawa. Tas wala ka naman na inaasar ko.]

"Wag na wag kang pupunta dito, kundi papatayin kita"

[Ooops. Too late. Kanina pa ako on the way.]

"Ha!? Bingi ka ba. Sabi na ngang papatayin kita pag pupunta ka eh."

[Psh. Di ka mabubuhay nang wala ako.] Tapos tumawa siya.

"Again and again and AGAIN ginoong DelaCour-slash-unggoy-slash-rich kid, kabwisit ka."

[May kulang yung description mo.]

"Kulang?" Anong pinagsasabi nitong bruhong ito. Nagkunot noo pa ako.

[Slash-GWAPO-slash-Taong mahal ko.] sagot niya tapos tumawa ulit. Walang ya tong lalaking ito.

"Che! Slash-gag*-slash-narcistic! Ibababa ko na!" tapos in-end call ko na para hindi na makasagot yung baliw na yun. Ibubulsa ko na sana yung cellphone ko, pero may text.

From : Francis

Hindi ka umangal doon sa gwapo at sa "taong mahal ko." Haha. Good luck. Andiyan na ako in 10 minutes.

Sinagot ko naman ang text niya.

To : Francis

OO. Mahal na mahal nga kita eh!

MAHAL NA MAHAL KITANG PATAYIN. Subukan mong magpakita sa akin, di kita papapasukin sa bahay!

Sumagot yung baliw. Talagang walang balak na magpatalo tong bruhong ito a.

From : Francis

O, at least mahal mo ako. Haha. Okay lang, meron naman si Margaux at tita Mira para papasukin ako.

Haynako talaga. Nakakairita tong lalaking eto. Rereplyan ko pa ba o hindi?

"Hoy! Ngingiti-ngiti ka diyan! Bakit? May date kayo ng asawa mo?" sigaw ng isang bungangerang babae. Tinulak pa ako. Psh. Aray ha.

"Baliw! Tinawag kita dito para ituro mo sa akin ang daan, hindi para intrigahin mo buhay ko. Sino naman ang makikipag-date doon?" angal ko.

"O edi wag kang ngumiti nang mag-isa. Baka mapagkamalan kang nakatakas ka nang mental. So inaya ka nga?" tanong ni Chariena.

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang