Chapter 8 - Two-rture Weeks (Marie)

221 19 33
                                    

Ugh. For some reason, yung deal ko with Francis came out more stressful than anything else going on in my life. Pagod na pagod na pagod na ako times infinity raised to infinity. Kasi naman eh, kung anu-ano pang pinagagawa niya. Kabwisit!

"Welcome aboard the Star Lounge, Mr. Dela Cour. I am the cruis director, Marie. Here's the menu list, please tell me if you find anything you'd like to try," sabi ko sa kaniya pag-upo niya doon sa Live Area.

"Oh? Di ka naka-maid uniform ngayon?" tanong niya. "And don't talk to me so formal, pres. Nakakapanibago."

"New month, new costumes," sagot ko naman. "May mali ba sa suot ko ngayon?" Nung last month, yung event namin eh Maids and Butlers. Ngayong buwan naman, sailor themed. Hindi Sailor Moon ha? Yung naka blue and white na sailor dress kaming mga babae, tapos red and white sailor suits yung mga lalake with the hat and everything.

"Hmm. Di naman sa may mali, pero. . ."

"Pero. . . ? Di bagay?"

"Well, di naman sa ganun, pero di lang kasi kita maimagine na gagamit ng ganiyan sa labas or whatever. Di lang ako sanay na makita kang nakaganiyan."

"Well, don't be, kase di naman ako gagamit ng ganito sa labas," sagot ko.

"Such a waste. You look pretty."

Tinaasan ko siya ng kilay. "In born," sagot ko at napangiti siya. "That's actually the nicest thing you've ever told me."

"Weh? Parang di naman ah. Anyway, kunan mo nga ako ng pag-kain." sabi niya.

"Saan diyan?"

"Mmmmm." Siyet.

"Pakibilisan lang po. Marami pa po akong aasikasuhin maliban sa mga utos mo." Naiirita kong sagot.

"Yung parfait."

"Anong klase? Chocolate, caramel, strawberry. . . ?"

"Ano bang masarap?" pabalik niyang tanong. Humaygad.

"Lahat naman yan masarap eh. Di naman namin ise-serve kung hindi yan masarap. Pili ka lang ng isa." Naiinip kong sagot.

"Chill, pres," sagot niya. Narinig niya siguro sa tono ng boses ko ang pagkairita ko sa kaniya. "Meron ka ata?"

"Ay meron talaga." sarkastiko kong sagot. "Meron akong kamao na pwede kong ibaon sa mukha mo anytime."

Natawa lang siya sa akin. "Hahahaha. Eto na po. Crab soup tsaka strawberry parfait, extra strawberry." Ibinalik niya yung menu sa akin.

"Alright. Anything else?"

"Well, mago-order na lang ulit ako kung gusto ko pang kumain."

Sabi na ngang marami pa akong gagawin eh. "Yung leche flan, ayaw mo?"

"May leche flan kayo? Parang wala naman akong nakita sa menu eh."

"Wala," sagot ko. "Pero leche, meron. Ikaw." Bumelat muna ako tapos pumunta na doon staff room para makuha ang order niya. Kaloka talaga tong lalakeng ito eh.

Maliban doon sa work, pati sa school, panggulo pa rin siya. Well, the deal wa two weeks and tutoring, kaya no choice.

"Pres, paturo ako neto," sabi niya sa akin noong nasa library ako para sa research. Yung isolated room pa yung ginamit ko para wala talaga akong distractions. Hayy. Sigurado ako na sa SC office na naman niya nalaman kung nasaan ako.

"Kaya nga ako pumunta dito sa library para di mo ako guluhin eh," sabi ko naman.

"Kaya nga ako pumunta dito para magpaturo sa iyo eh. Di naman ako manggugulo. Please?" pa-cute niyang sabi.

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Where stories live. Discover now