Chapter Twenty One

27.2K 706 36
                                    

Hapon na ng dumating siya. Nasa Grocery pa ang tatay niya pero nasa bahay na ang kanyang ina. Masama daw ang pakiramdam nito kaya umuwi na. Si Delaney naman ay wala pa.

Mabilis siyang pumanhik sa silid niya at nagkulong doon. Muntik na siyang mabangga kanina dahil sa matinding emosyon niya. Kinailangan muna niyang kalamayin ang loob niya bago siya nagpatuloy sa pagmamaneho.

Hindi niya akalain na umabit sila sa ganitong punto. Una palang tinanong na niya si josue kung kaya ba siya nito gusto ay dahil naghahanap ito ng mapapangasawa. Pero hindi ito nagsabi ng totoo sa kanya. Hinintay pa nito na tuluyan siyang mahulog.

"Ang tanga tanga mo!" Bulyaw niya sa sarili habang nakasiksik sa isang sulok at nakatukod ang mukha sa tuhod. "Ang tanga mo!"

Noon bumukas ang pinto. "Ate!" Mabilis na nilapitan siya ni Delaney. "Ano bang nangyayari sayo? Nakita ko ang sasakyan mo kanina sa poblacion. Kakawayan sana kita kaya lang muntik ka nang mabangga!"

"Lumabas ka na muna." Mariing utos niya sa kapatid. Nakayuko pa rin siya at patuloy na umiiyak.

"Ate ano ba? Natatakot naman ako sa ginagawa mo eh. May problema ba?" Pangungulit nito.

Hilam ng mga luhang humarap siya dito. "Ang sabi ko lumabas ka muna! Labas!" Napakislot ito sa ginawa niyang pagsigaw. Nangilid ang luha sa mga mata nito. Nakakasakit na siya ng iba nang dahil lang sa nasasaktan siya.

Lumabas ito ng silid at iniwan siya. Napahagulgol na namang muli siya. Magiging okay ka rin Flor. Magiging okay ka rin.

Kinapalan niya ang pagkakaguhit ng eyeliner sa ilalim ng mga mata niya. Baka sakaling maitago niyon ang pangangalumata niya. Pagbaba sa hapag ay si Delaney nalang ang inabutan niya.

Nakaalis na ang mga magulang nila. Hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa pagkain. Alam niyang masama ang loob nito dahil sa ginawa niyang pagsigaw at pagtataboy dito kahapon.

Hindi nalang niya pinuna. Wala siyang gaba kumain. Kagabi ay nakatanggap siya ng missed call mula kay Josue pero hindi niya sinagot. Hinayaan lang niyang tumunog ng tumunog ang cellphone niya. Sa huli ay mukhang nagsawa naman dahil kusang huminto iyon.

Naunang tumayo sa hapag si delaney at naiwan siya. Tinitigan lang niya ang mga pagkain at saka lumabas na rin. Pagdating sa gate ng bahay nila ay may humintong sasakyan. May bumabang Nakaputing polo na lalaki sa Driver seat at saka binuksan ang likurang pinto. Hindi niya kilala ang babaing bumaba doon.

Nakapulang Summer dress iyon na litaw na litaw dahil sa maputi at makinis niyang balat. Simple pero napakasopistikada ng hitsura. Lalo lang siyang naguluhan ng hubarin nito ang aviator sunglasses nito. Tumambad sa kanya ang singkit nitong mga mata. Doon niya nahinuha na foreigner ang nasa harapan niya.

"Hi!" Ani nito. Kumunot ang noo niya. Siya ba ang kinakausap ng babae? Nilingon niya ang gilid at likuran niya. Wala namang tao doon maliban sa kanya. "Yes! You!" Sabay turo sa kanya.

Nagtatakang tinignan niya ito. Hindi niya ito kilala. "M-Me?"

Tumaas lang ang kilay nito. Pagakatapos ay unti unting humakbang papalapit sa kanya. Pati ang klase ng paglalakad nito ay kakaiba. Full of grace and sophistication. Malayong malayo sa kanya na palaging nakamaong pants at rubber shoes. Na normal na sa kanya ang tumakbo at maglakad ng mabilis.

Samantalang ang babaing nasa harapan niya ay naglalakad na para bang hawak nito ang lahat ng oras. That she has all the time in the world. "I came here to see you. Flor Arador." Bahagya siyang nagulat ng banggitin nito ang pangalan niya. Kilala siya nito pero hindi niya ito kilala.

"Who are you?" Naitanong niya.

Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Sung Hye Yoon." Alanganin niyang tinanggap ang palad nitong nakalahad. Pero nagulat niya dahil ng bumitaw siya ay sa pisngi niya sunod na lumapat iyon. "And i am your boyfriend fiancé! So stay away from him!"

Saka lang nag sink in sa isip niya ang lahat. Nawala ang malambot na expression sa mukha nito. Nahalihinan iyon ng inis at galit. Bago ito humakbang papalayo ay ibinato nito sa dibdib niya ang isang magazine. At nang buklatin niya iyon ay tumambad sa kanya ang litrato nito na kasama si Josue.

The Socialite Sung Hye Yoon is finally engaged to Prime Minister Grandson. Josue Tolentino. They're spotted in...

hiniling niya na sana ay hindi na niya binasa iyon. na hindi na niya pinagkaabalahang tignan. nawala na ang sasakyan sa harapan niya pero nanatiling nakapako siya doon. para siyang inaanod na papel.

"A-Ate... " Dinaluhan siya ni Delaney. Napayakap siya sa mga balikat nito. "Sshh.. Tahan na.."




To be continued...

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoWhere stories live. Discover now