Chapter Twenty

27.9K 707 17
                                    

"I'm glad that you asked me out!"

Huminga ng malalim si Nikita habang nakasandal sa headrest ng sasakyan. Siya naman ay nagmamaheno. Two days ago, she texted her na kung pwede naman silang mag girl bonding. And she immediately say yes. "Kung bakit ba naman kasi itong si Taddy ay hindi ako payagan." Natawa nalang siya sa sentimyento ng kaibigan niya.

She knew her friend---Taddeos. Over-protective at extra possessive ito sa asawa niya. Apat na buwang buntis na kasi si nikita. "Intindihin mo nalang ang asawa mo. After what happened to you, nagiging paranoid na siya lalo na kapag wala ka sa paningin niya." She said. Maswerteng nakaligtas si Nikita sa mga kamay ni rad noon. Taddeos adoptive brother.

Likas na matigas ang ulo ni Nikita. Pinamilugan lang siya nito ng mga mata at saka bumalik sa pagsusurf sa phone niya. She was searching for some food restaurant na may mga authentic dishes. Namimiss na raw kasi nitong kumain ng mga paborito nitong pagkain. At siya naman ay nabuburyo na sa San Simon kaya niyaya niya ito.

"Siya nga pala. Have you talked to Josue again?" Umalis sa daan ang mga mata niya bago gumawi sa kaibigan.

Nakayuko pa rin ito sa cellphone habang nasa tiyan ang isang kamay. "Hindi pa." Na sinabayan niya ng iling. "Nag aalala na nga ako. Last week noong mag usap kami, feeling ko may problema siya."

Humarap ito sa kanya. "Bakit di mo siya subukang tawagan ulit? Maybe busy lang siya nitong mga nakakaraang araw." Payo ni Nikita sa kanya.

Tumango siya. "Tatawagan ko siya mamaya. Baka makakausap ko na siya." Nagtatanong na nga rin ang mga magulang niya kung ano na raw ang balita sa Boyfriend niya. Kung ano daw ang problema. Natanong pa nga siya ng tatay niya kung may problema sila ni Josue.

Hindi daw maglalaho ang isang lalaki ng ganoon ganoon lang kung walang problema at dahilan. Pero nasisiguro niyang wala silang problema. Dahil maayos na nagpaalam ang binata sa kanya. Maayos silang nakakapagusap sa telepono noong unang linggo na umalis siya.

Inabala nalang niya ang sarili sa pamamasyal nila ni Nikita. Pagkatapos nilang magFood trip ay sinamahan niya itong mamili ng mga gamit nito para sa baby nito. "Excited na ko sa paglabas ng inaanak ko." Natutuwang sambit niya habang naglalakad sila sa infant section sa loob ng isang kilalang Department Store.

Hinaplos ni Nikita ang maumbok na tiyan. "Sabi namin ni Taddy na hindi ako magpapautrasound. Gusto naming masupresa sa paglabas ng baby namin." Love and happiness are visible in her eyes. Halatang masayang masaya ito.

Sabay nilang itinulak ang may kalakihang push cart. "Ah! Basta lalaki o babae, ninang ako." Pagbubulontaryo niya.

"As if naman makakahanap pa ako ng ibang gaya mo. Natural number one ka sa listahan." Na sinabayan nito ng tawa.

Pagkatapos nilang mamili ay tinanong niya ito kung saan niya ito ihahatid. "Ibaba mo nalang ako sa opisina ni Taddy. Sabay na kaming uuwi."
Ani nito habang papikit pikit.

"Okay ka lang ba? Napagod ka yata ng husto." Pansin niya. Kanina pa kasi ito parang di mapakali.

"Medyo nahihilo lang ako. Doon mo nalang ako ihatid." Tumango siya at nagdrive patungo sa opisina ng asawa nito.

Pagdating doon ay agad silang inalalayan ng gwardiya hanggang sa elevator. "Kung gsto mo wag mo na akong samahan. Malayo pa ang biyahe mo." Sabi ng kaibigan niya.

Umiling siya. "No, ihahatid kita hanggang sa loob. Saka kakauspin ko rin ang asawa mo. Itatanong ko sa kanya kung nakapagusap na ba sila ni Josue."

Tumango tango ang kaibigan niya. Pagdating sa bukana ng opisina ni Taddeos ay agad na tumayo ang sekretarya nito pagkakita sakanila. "Mrs. Ventura!"

"Hi! Issa. Si Taddy nariyan ba?" Tanong ni nikita. Agad na ngumiti ang babae.

"Yes! Ma'am. Nasa loob po. Kausap si Mr. Tolentino." Nagkatinginan sila ni Nikita.

"Tolentino? Josue Tolentino?" Pagkukumpirma ni Nikita. Tumango ang babae.

Kusa siyang humakbang patungo sa Executive Door at bahagyang binuksan iyon. Tama ang babae. Naroroon si Josue. Nakatayo ang dalawa at parehong nakaharap sa Glass wall na nakatanaw sa buong siyudad. Nakahalukipkip si Taddeos habang may hawak na sigarilyo si Josue.

Napangiti siya. Dumating na pala ito. Akma siyang hahakbang ng pagalit na magsalita di Taddeos sa nobyo niya.

"You have no right to hurt her!" Napahinto siya. "Hindi mo lang siya basta sasaktan. Wawasakin mo siya! Sinabihan na kita noon. Tigilan mo na! Alam mong hindi papayag ang pamilya mo sa kanya."

Napahawak si Nikita sa balikat niya. It seems that they're talking about her. "So, paano mo aalisin sa buhay mo si Flor? Siguraduhin mo lang na hindi siya iiyak and i swear, una akong pupugot sa ulo mo!" Galit na sabi ni Taddy. Nanlambot ang tuhod niya.

"I d-don't know." Sa wakas ay nagsalita rin si Josue.

Namamanghang humarap si Taddeos dito. "Hindi mo alam? You're unbelievable! Dalawang linggo ka na dito sa pilipinas ay hindi mo parin alam ang gagawin mo! Ano ba talaga si Flor sayo?"

Tila pinangangapusan siya ng hininga. Ayaw na niyang marinig ang lahat pero parang may magnet ang tenga niya na nakatutok lang doon. "S-She's.. She is m-my----."

"Your toy! Damn you! Josue! Hindi ko lubos maisip na kaibigan kita. Sana una palang sinabi mo na sa kanya na kaya mo siya niligawan ay dahil gusto mong iharap siya sa pamilya mo! Para hindi ka na nila piliting magpakasal sa iba! Pathetic!"

Nanlalambot ang tuhod niya. Nanlalabo rin ang mga mata niya dahil sa mga luhang namumuo doon.  Pakiramdam niya ay papanawan siya ng ulirat.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. "Kung hindi naging matigas ang ulo ko. Kung nagpakasal lang sana ako s akanya. Hindi ka siguro masasaktan ng ganito. I'm sorry florie." Narinig niyang sabi ni nikita.

Humarap siya sa kaibigan. "Wala kang kasalanan. Kung hindi mo ginawa 'yon hindi ka sana masaya ngayon." Mapait niyang tugon.

Muli niyang sinulyapan ang lalaking nasa loob ng opisina na siyang dumurog sa pusp niya ngayon. Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo siya paalis.

"F-Flor!"






To be continued...




-------

#LoveTasteSweetAtFirstBite

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoWhere stories live. Discover now