Chapter Twenty Five

34.2K 809 74
                                    

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo 'ko napapayag sa kalokohan mong ito Delaney. I swear huli na ito." Inis na pinukol niya ang kapatid bago isinuot ang strappy high heels shoes na binigay nito sa kanya.

Lumapit si Delaney sa kanya at inayos ang buhok niya. "Sorry talaga ate. Kung di lang naman nagback out yung isang model ay hindi kita pipilitin. Wala na talaga kaming oras."

Rumaraket bilang freelance model si Delaney. Kung saan saang event ito napapasuot. Ito ang dahilan kung bakit panay ang kumbinsi nitong mga nakakaraang buwan sa kanya. Gusto nitong tulungan niya itong magsabi sa mga magulang nila. Pumayag naman siya. Para kahit papaano ay may pinagkakaabalahan ito. Pero kahapon lang ay dali dali siya nitong ginising para sabihing bumack-up siya sa trabaho nito. This day was supposed to be her rest day. Balak niyang di pumasok sa opisina at wag magapakita doon. Guato niyang ubusin ang maghapon niya sa paghilata at pagtulog. Pero ang magaling niyang kapatid ay pinakiusapan siya.

"At saka bakit ganitong damit pa ang suot ko?" Tukoy niya sa white gown na hindi nalalayo sa wedding gown ang hitsura.

Tumaas ang kilay ni Delaney. "You should be flattered ate. Yan ang exclusive and expensive gown sa Zamora." Ang Zamora Figure ang tinutukoy nito. Sikat na bilihan at patahian ng mga gowns and dresses.

"Kahit ito pa ang pinakaginto. Ayoko nito!" May naalala lang siya sa damit na suot niya---kasal. Dahil pinangarap niyang makasal sa lalaking gusto at mahal niya.

Inakay na siya nito. Coding ang sasakyan niya kaya wala silang pagpilian kung di ang sumakay ng pedicab patungong poblacion at sasakay ng dyip doon. Kung may makakakita marahil sa kanya. Iisipin na bride siya.

Pagdating sa Garden Restaurant kung saan gaganapin ang photoshoot. Napahinto siya sa paglalakad. "Big time ang production niyo ha. Sa sikat na restaurant pa talaga ginanap ang photoshoot." Gadgad niya. May-ari siya ng sikat na seafood restaurant pero kahit minsan sa buhay niya ay hindi niya napasok ito. Although afford naman niyang kumain dito pero iba pa rin kasi. Unang una, pangarap niya ang magkaroon ng ganito kalaking restaurant. Pangalawa, masyadong gwapo ang may ari nito.

Hindi nalang nagsalita si Delaney at inakay na siya papasok sa loob. Namangha siya sa set up ng garden lawn. May mga sariwang bulaklak ang naroroon. "Dito ka tatayo ate. Kapag binigyan ka ng go signal saka kalang maglalakad ng marahan."

Itinaas niya ang dalawang kamay para pahintuin ito sa pagsasalita. "Teka nga! Anong klaseng photoshoot ba ito? At saka bakit ako lang?"

Imbes na sagutin siya ay ngumiti lang ito sa kanya. Hinawakan ang dalawang kamay niya. "Kahit palagi tayong nagtatarayan at inaapi mo ako. Mahal na mahal kita ate. And all i want is to see you happy." Nagtataka siya sa biglang pagyakap nito sa kanya. Naglakad ito papalayo sa kanya. Sa carpeted center kung saan naglakad ito ay saka lang niya napuna ang paligid. There's a vase of flowers na nakapalibot sa pulang carpet. And from the row of pews ay ang mga taong di niya inaasahan na naroroon din. Nay, tay. Bulong niya ng makita ang mga ito. Gaya ni Delaney ay nakabihis din sila. Naguguluhan siya.

May babaing lumapit sa kanya. "Dito po tayo ma'am. Maguumpisa na ang entourage."

Entourage?  Doon pumailang ang isang kanta. Hugyat na nagsisimula nang maglakad ang mga taong nasa unahan niya.

Even though it's been so long, my love for you keeps going strong.
I remember the things that we used to do
A kiss in the rain till the sun shined through.
I tried to deny it, but I'm still in love with you.

Nangilid ang luha sa mga mata niya lalo na ng lumapit ang mga magulang niya sa kanya. "Nay, tay.. Ano ito?" Naiiyak niyang tanong.

Pinahid ng ina ang luha niya. "Ang ganda ganda mo anak. Sabi ko naman sayo diba... Wag kang mainip na maghintay."

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum