Chapter Eighteen

29.4K 697 33
                                    

"Kapag sinaktan mo ang anak ko. Tandaan mo, mata mo lang ang walang latay."

She just smile. From how her tatay threatened Josue. Nakaisang daang gabi ito ng pagtulog sa bahay nila. Nakaisang daang beses itong nagtiis sa labas. Mabuti nalang at hindi ito nadengue. Siguro ay nasaid na ng mga lamok ang dugo nito.

And now, it's official. May label na sila. Hindi na sila mga tila batang paslit na magtatago. Mahigpit na hinawakan Ni Josue ang palad niya. "Makakaasa ho kayo 'tay. Hinding hindi ko ho sasaktan ang anak niyo."

Kinikilig siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. The way how their eyes are locked together. Kaakibang kiliti sa puso niya.

"Aba dapat lang! Dahil kapag sinaktan mo 'yan. Tatamaan ka talaga sakin. Araw araw bagong hasa ang itak ko. Ipupukol ko 'yon sayo." Seryosong sabi ng ama niya ngunit kapagkuwan ay ngumiti rin.

Nagpaalam sila lalabas lang. Sinabihan ng tatay niya si Josue na bago dapat mag alas otso ng gabi ay naihatid na siya nito sa bahay nila. Napakaluma ng mga magulang niya. Moderno na ang panahon pero ang pananaw at paniniwala ng mga magulang niya lalo ng kanyang ama ay lumang luma.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Aniya habang nakatingin sa daan.

Kinuha ni Josue ang isang kamay niya at dinampian ng halik iyon. "Basta! Mamasyal lang tayo."

Bumugtong hininga nalang siya. Mukhang di naman talaga nito sasabihin sa kanya kung saan nga ba sila pupunta.

Bumiyahe sila patungong maynila. Nakatulugan niya ang pagbiyahe kaya nang magising siya ay nakahinto na pala sila. "N-Nandito na tayo?" She asked in her husky voice.

Umiling ang binata. "Papunta palang tayo." Sabay ngiti sa kanya. Alas-diyes na ang umaga. Kung saan man sila pupunta, naubos na ang oras nila sa kakabiyahe.

Inakay siya nito palabas ng sasakyan. "A-Airport? Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong niya.

Mula sa di kalayuan ay nakahimpil ang private plane nito. Sinalubong sila ng mestisong lalaking di niya alam ang pangalan dahil hindi na siya nag abala pang magtanong. Nalaman lang niya na iyon ang piloto nila.

When he piloted the plane. Doon na siya mas nakaipon ng maraming tanong. "Hoy! Lalaki saan ba talaga tayo pupunta? Mapapatay ka ni tatay kapag hindi tayo nakauwi agad."

Ginapgap ni Josue ang palad niya. "Relax. Makakauwi tayo before eight in the evening. Okay?"

Isinandig siya nito sa dibdib nito. Nagtataka talaga siya. Ang akala niya kasi ay sa Manila lang sila. Maybe mall, amusement park o kaya ay sports center.

Welcome to Surigao. Yan ang bumungad sa kanya habang sakay sila sa sasakyan makababa ng eroplano. "I'm telling you Josue. Lagot tayo pareho kay tatay." Paulit ulit niyang sabi.

Mula sa kabisera ay huminto sila sa bayan Rodriguez. Pasado ala una ng hapon. "Gutom ka na ba? Kakain muna tayo kung gusto mo." Tila narinig iyon ng tiyan niya dahil biglang kumulo iyon. Bumaba sila sa palengke. Tila alam na alam nito ang lugar na ito. Pagpasok nila sa prutasan ay dumeretso pa sila papasok sa mga magkakatabing kainan. "Sir!" Mula sa isang mataong tindahan ay may matabang ginang ang mabilis na sumalubong sa Kanila. "Naku sir! Kayo ho pala talaga iyong natatanaw ko sa malayuan."

"Good afternoon Manang Tes. Napadaan ho kami kasi gutom na gutom na po itong girlfriend ko." Bahagya niyang siniko ito. Siya pa talaga ang sinangkalan. Baka isipin ng ginang ay baboy siya.

Ngumiti ang ginang sakanya. "Tamang tama. Luto na ang tapang kalabaw. Alam kong iyon ang hahanapin mo." Excited na sabi ng ginang. Tinalikuran sila nito at inihanda ang lamesa nila.

"Anong ginagawa natin dito?" Pabulong na tanong niya. Sanay siyang kumain sa mga turo turo pero itong si Josue ang iniisip niya.

"Kakain. Diba nagugutom kana?" Ipinaghila siya nito ng upuan. Para silang mga taong gala sa pagsulpot nila dito. "Masarapa ang tapa dito. Magugustuhan mo."

Umikot ang mga mat niya. "Nang dahil lang sa Tapa dumayo pa tayo dito?"

Muli nitong pinisil ang kamay niya. "Relax. Madalas ako dito kapag may business out of town trip ako. Nakilala ko ang may ari nito dahil minsan akong nasiraan ng sasakyan sa bayan. Asawa ni aling tes ang nagmekaniko ng sasakyan ko." Paliwanag ng nobyo niya sa kanya.

Nakakatuwang isipin na ang ganitong klaseng lalaki ay mahilig kumain sa palengke.

Maya maya'y may serbidorang naglapag sa lamesa nila ng umuusok na sabaw. "Ano ito?" Tanong niya sa nakangiting dalagita. "Sinampalukang paa ng kambing po ma'am. Masarap po yan pansabaw sa kanin." Ito ang unang beses na titikim siya ng kambing.

Kinuha niya ang kutsara at hinalo halo ang laman ng sabaw. Tadtad na ang buto niyon at may maninipis na goat meat din siyang nakikita. Nang tignan niya ang katabi ay para itong marino kung makasisid sa sabaw. Sarap na sarap ito. Natutuwang ginaya niya ang ginagawa nito. Totoong masarap nga ang sabaw.

Kasunod na inihain sa kanila ay ang umuusok na fried rice na may tostadong bawang sa ibabaw. Kasama ang tapang kalabaw na may maanghang na suka. Hindi na siya nagulat nang magkamay ito at kamayin ang kanin. Malambot ang tapa at masarap. Sabay pa silang napapatawa sa isa't isa kapag napupuna nilang may kanin ang mukha nila.

"Salamat ho aling tes. Mauna na ho kami." Paalam nila nang makatapos silang kumain.

"Balik ho kayo ulit dito ma'am at sir. Para sa susunod po eh makatikim po kayo ulit ng tapa." Tumango sila sa ginang at sabay na lumabas ng palengke.

Ilang minuto pa ang biniyahe nila bago sila nakarating sa Poblacion. Pagdating doon ay sumakay sila ng pedicab. Dalawang barangay ang dinaanan bago sila huminto. "Liblib na dito. Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Malapit na tayo." May tour guide na kasmaa sila. Mula sa bukana ng mapunong lugar ay higit trenta minutos na trek bago sila huminto. "D-Dagat.. " Manghang sabi niya habang nakatapak sa mataas na limestone. Ngayon niya ipinagpapasalamat na nakarubber shoes siya. Hindi siya nahirapang maglakad. My iniabot na life vest sa kanila at isinuot iyon. "six feet deep po ang babaan natin. Mula po dito sa itaas ay ay mga bato pong pwedeng apakan pababa." Ani ng tour guide.

"Wala bang harness?" Natatakot na tanong niya.

Umiling ang guide. "Mahihirapan pong magrapelling dito kapag ganitong high tide. Usually po kasi ay umaabot dito ang tubig dagat kapag malakas ang hampas ng alon. Delikado po."

ngunit nakita niya sa mga mata ni Josue na hindi siya pababayaan. Inalalayan siya nito pababa. Di naman pala mahirap dahil para lang hagdan ang binababaan nila. Nang makababa sila ay may mga lantsa ang nasa paligid. May mangilan ngilang tao ang naroroon. Mga turista marahil. Pero ano ang dinarayo nila ditoTanong ng isip niya. Mga limestone lang ang nakikita niya at ang malawak na karagatan.

Mula sa kinatatayuan nila ay mga malalakas na tinig ang mga naririnig nila. Tila mga batang naglalaro. Nagtungo sila doon at bumuka ang bibig niya sa pagkamangha.

"Wow! Beautiful!" Bulaslas niya.

Tila isang malaking bathtub ang napapalibutan ng mga limestone at hinahampas ng malakas na alon sanhi para magkaroon ng shower. Umaalon ang tubig sa lagoon kapag nabanlawan ng panibagong tubig dagat. Nakakatakot na adventure pero masaya.

"Laswitan lagoon ang tawag d'yan. At ang dagat na 'yan ay ang Pacific Ocean." Namamanghang nakangiting tinanaw niya magagandang alon na tila tinatawag siya.





To be continued...




---------

Note: fiction lamang po ang mga lugar na dinaanan patungong Laswitan. Pero totoong nageexist sa surigao ang laswitan lagoon. I never been there, pero pangarap ko. I love risky adventures. At ang laswitan lagoon ang nasa top list ko sa risky destination. (Hindi siya resort or anuman. Hindi rin beach. Dinarayo lang siya dahil sa mga limestone at sa lagoon. Malamig ang tubig na galing sa pacific sea. At kapag high tide daw. Mas malalaki ang alon.mas risky pero mas maganda.)

Happy reading.
ai:)

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoWhere stories live. Discover now