Chapter Fourteen

27.5K 787 58
                                    

Nang magising si Flor ay wala na si Josue. Ipinuslit niya kagabi ang binata palabas ng kusina nila nang maramdaman nila parehong wala na si aling marya.

Kinulit pa siya ng binata na doon nalang daw ito matutulog sa kwarto niya pero mariin siyang tumanggi. Baka hindi na sila makaligtas sa susunod kapag nagkagayon.

Pagdating niya sa komedor ay maagang nag aalmusal ang kanyang ina kasama si Delaney. Nakabihis na ito ng uniporme. "Good morning ate. Tinanghali ka yata?"

"Good morning 'nay. Good morning bunso." Umupo siya sa upuan niya at hinigop ang kapeng naroon. "Napasarap ako ng tulog. Malamig kasi kagabi."

"Sayang hindi mo inabutan si Kuya Josue kanina. Sa labas pala siya natulog." Sabi ng kapatid habang nakain.

Tinignan niya ito. "Kasama na siya ng tatay mo. Isinama sa bodega. Babagsak ngayon ang mga bigas kailangan naroroon ang ama mo." Ang ina niya ang sumagot.

May deliver pala ng bigas ngayon. Napalunok siya. Natitiyak niyang pagbubuhatin ng ama niya ang binata ng kaban kabang bigas.

Ibinaba ni aling marya ang mga tinapay sa mesa. "Marya sumabay kana ng kain para tuloy tuloy ang trabaho mo." Ani ng kanyang ina sa kasambahay. Hindi niya magawang mag angat ng tingin sa matanda lalo pa ng umupo ito sa tabi niya.

"A-Ah Nay.. Aalis na ho ako." Sabi niya sabay tayo.

"Aalis kana? Hindi ka pa nga nakakakain eh." Gusto niyang dukitin ang mata ni Delaney dahil tila gusto na naman nitong mang asar.

Tumingin siya sa ina. Nagpalipat lipat ang mga mata niya sa mga ito. "Oo nga naman hija. Ano't kumain ka muna. Ang sarap ng tapang niluto ni Marya."

Hindi niya magawang kumain. Naiisip niya ang nangyari kagabi. Kahit pa ba walang nakakaalam maliban sa kanila ni Josue ay kinakabahan pa rin siya. "S-Sa opisina nalang 'Nay. Magkikita kami ni Kuya Walter dahil siya ang sasama sa isla." Totoo 'yon pero maaga pa. Mamayang makatanghali pa sila magkikita ng pinsan niya.

Tumango ang kanyang ina. "Oh siya.. Sige na nga.  Ay sya nga pala flor. Saan ka ba galing kagabi at nagkalat ang damit mo dito sa labas?"

Sandaling natigilan siya. Pinanlamigan siya ng mga kamay. Patuloy ang ina niya sa pagiinterrogate sa kanya. Bakit ba kasi naisip pa niyang magpatanghali ng bangon? "Sabi niyang si Marya ay nakita daw niya kagabi ang mga damit mo sa kusina."

Naghagilap siya ng isasagot. Mabuti na lamang at wala ang ama niya. Mas mahihirapan siyang humabi ng kasinungalingan kung kaharap ang ama niya. "A-Ah.. Ano po kasi.. Nauhaw ako.. T-Tapos natapunan ng tubig. Kaya.. Kaya nagpalit ako at iniwan ko na doon."

"Ang samlang mo naman ate. Pati panty mo sa kusina mo pa iniwan. Buti nalang wala kang kapatid na lalaki. Kung di nakakahiya." Komento ni Delaney.

"N-Natakot kasi ako kagabi.. Dadalhin ko dapat sa labahan sa likod.. K-Kaya lang nakakita ako ng.. ng m-malaking aso. Tumakbo ako papasok kasi b-baka kagatin ako." Nakagat niya ang pang ibabang labi. Sana ay bumenta ang kwento niya.

Pero duda siya. Baka nga kahit paslit ay hindi sasakay sa kwento niya. Humalik na siya sa ina. "Oh siya mag iingat ka. Ang sasakyan mo nariyan na nga pala. Inihatid ni carding kanina." Si mang Carding ang mekaniko sa bayan na suki ng kanyang ama.

"Sige po 'Nay." Patalikod na siya ng humabol si Delaney.

"Sasabay na ako ate. Ihatid mo ako sa school ha." Tumango siya. Kinuha nito ang bag at sumunod sa kanya.

Pagdating sa harap ng bahay ay sumakay siya agad. "Good morning Hercules. Miss me?" Bati niya sa auto.

"Di ka naman na siguro ititirik niyang si Hercules diba ate? Sayang naman kung titirik. Nakakabitin sa biyahe." Nagsalubong ang kilay niya. Bakit iba anv dating sa kanya ng mga sinabi nito. Parang may ibig sabihin.

Kinabit ni Delaney ang seatbelt nito at humarap sa kanya. "Masarap ba ate?"

Doon siya napatingin dito. "A-Alin? Yung tapa? Edi ba ikaw ang kumain? Bakit sakin mo tinatanong?" Nagsisismula na siyang mairita. Sabi na nga ba niya't nabwelo lanv ito para asarin siya.

Humawak ito sa noo. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Tayo nalang dalawa dito. You're free tp share it to me." Ngumisi ito sa kanya. "Masarap bang humalik si kuya Josue? Masarap ba siya?"

Halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Alam niya? "asus! Maang maangan ang peg. Hoy ate! Tigilan mo na yang kaetchosan mo. Nakita ko kayo kagabi kaya wag ka nang tumanggi. Ikaw ha! Ang aggressive mo." Na sinabayan niya ng malulutong na tawa.

Sabi na nga ba niya at may nalalaman ito. Humarap siya dito na nanlikisik ang mga mata. "Baba!"

"Ha?" Nagtatakang tanong nito.

"Sabi ko baba! Mamasahe ka magisa." angil niya sa kapatid niya.

Imbes na simangutan siya. Nakangiti pa itong bumaba ng sasakyan niya at nang aasar na tinignan siya. "Mamayang gabi may malaking aso ulit sa duyan. Kaya wag kang lalabas ng dis oras ng gabi. Baka matakot ka na naman ate ha! Sige ka! Kakagatin ka nun." At sinabayan ng malulutong na halakhak.

Urgh! Gigilitan kita ng buhay na bata ka!



To be continued...

--------

#MagIngatSaKagatNgAso
#LawayNgAsoNakakabuntis

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoWhere stories live. Discover now