Chapter Eleven

28.2K 770 71
                                    

Mabilis na binawi ni Flor ang kamay na hawak ni Josue. Nanlilisik ang mga matang nakatingin ang kanyang ama sa binata.

"Sinong nagsabi sayong pwede mong hawakan ang kamay ng anak ko?" Ito na nga ba ang sinasabi niya. Hawak ng tatay niya ang itak nito. Dumistansya siya sa binata at hinarap ang ama.

"A-Ah.. Tay.. Napadaan lang si M-Mr. Tolenti---."

Pinutol ng tatay niya ang sinasabi niya. "Napadaan at aksidenteng hinawakan ang kamay mo? Hoy! Florentina! Hindi ako ipinanganak kahapon alam ko ang pagtitig titig sayo ng dayuhan na yan!" Napatiklop siya.

Tila naman nangtutukso talaga si Josue dahil mas dumikit pa ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya. "Bagong hasa ang itak ni tatay. Gusto mi ba talagang maputulan ng kamay?" Bulong niya sa binata. Pero imbes na maapektuhan sa sinabi niya ay ngumiti lang ito sa kanya.

Humigpit lalo ang pagkakahawak nito doon. Ang kanyang ama naman ay mas naningkit ang mga mata. "Good morning Sir. I'm sorry kung nadatnan niyo po kami ng anak niyo sa ganoong ayos. But I'm here para po personal na sabihin sa inyong girlfriend ko po ang anak niyo."

Nanlalaking mga mata na tinignan niya si josue. "A-Anong--!"

Gumawi ang mga mata niya sa amang galit na nakatitig sa kanila. "Sinasabi ko na nga ba! Unang kita ko palang sa inyong dalawa na magkasama ay may napapansin na akong kakaiba." Nahihiyang napayuko siya ng ulo. Kung bakit ba naman kasi naisipan ng damuhong lalaking ito na magpakilalang boyfriend niya.

Lihim niyang inapakan ang paa ni Josue. "Humanda ka saking lalaki ka. Mapapatay kita." Bulong niya.

Ibinaba ng ama niya ang Itak. "Sumabay ka samin mananghalian. Doon kita gigisahin." Ani nito kay Josue at saka tumalikod sa kanila.

Hinarap niya ang lalaki at inihampas niya sa dibdib nito ang bulaklak na iniabot nito sa kanya kanina. "Aww! What's that for?" Kunot noong tanong nito.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Bakit mo sinabi kay tatay ang ganoon? Alam mo bang maliit nalang ang tsansa mong makalabas ng buhay dito sa San Simon?" Nagagalit na sabi niya.

Hinapit siya nito sa baywang. "Eh anong gusto mong isagot ko sa Tatay mo? Your mom assumed that i am your boyfriend, even Delaney. Edi kapag hindi ganoon ang sinabi ko sa tatay mo baka mas lalong magalit 'yon."

Bahagya niyang itinulak ang dibdib nito. "Bakit ka ba yakap ng yakap?" Pero hindi ito natinag. "Hindi mo dapat sinabi ang bagay na iyon kay tatay. Hindi mo siya kilala."

Nagkibit balikat ito. "Edi kikilalanin ko. How can i have you kung di ko kilalanin ang pamilya mo. He seem so nice yet dangerous. At alam kong magkakasundo kami."

She released a deep sigh. "You're crazy!" She groaned.

"Yes, i am." Napatitig siya dito. Ano bang nangyari at naging ganito kagulo ang buhay niya sa isang iglap lang? Hindi niya alam kung paano sumulpot sa buhay niya ang lalaking ito. Kung paano nagagawa nitong guluhin ang tahimik at natutulog niyang puso.

"Paano mo nakilala ang anak ko?" Halos mahirinan siya sa paraan ng pagtatanong ng ama niya kay Josue. Nasa kabisera ito. Nasa kanan nito ang kanyang ina at katabi naman siya. Sa kaliwa naman nakaupos si Josue. Sabay sabay silang nananghalian.

Mabuti nalang at wala si Delaney. Mabuting hindi nito naririnig ang pang gigisang ginagawa sa kanila ng kanyang ama.

Nakangiting humarap si Josue pagkatapos nguyain ang pagkain sa bibig nito. Nakatingin ito sa kanya. "I can't forget how i met her. Sa labas ng restaurant, she's so pretty. Nakita ko siyang bumaba sa sasakyan niya. Nakita kong tinulungan siya ng gwardiyang ibaba ang mga dala niyang isda. Inisip ko noon na idedeliver niya ang mga iyon sa restaurant. Hindi sinabi ng kaibigan ko na siya pala ang kameeting naming that day. And when he called para sabihing bilisan ko. Aksidente akong nakapagbusina ng malakas."

She gritted her teeth. Alam pala ng demuhong ito ang nangyari sa kanya ng araw na iyon pero wala man lang itong sorry na sinabi sa kanya. Naikuyom niya ang kamao. Napabaling siya sa amang tahimik na nakikinig. Maya maya'y tumingin ito sa kanya. "At paano ka naman napasagot ng lalaking ito?" Seryosong saad niya.

Nalunol niya bigla ang kinakain. Ano bang isasagot niya. Sasabihin ba niyang, He kissed me. And he said that he likes me. And it's all started. Gigilitan sila ng buhay ng kanyang ama kapag ganoon ang sinabi niya. Natitiyak niyang di lang kamay ni Josue ang mapuputol. Baka pati dila nito ay maputol din. "H-He.. He.. Court me. Yes.. Nanligaw siya."

Mukhang di kombinsido ang tatay niya. "At paano ka niligawan? Sa tawag? Text? Internet? Florentina.. Niligawan ko rin ang nanay mo noong kabataan namin pero hindi sa ganoong paraan. Pinagsisibak ko siya ng kahoy. Pinagiigib ng tubig na pampaligo. Dinadalhan ng kampupot at puto."

Namula ang pisngi ng kanyang ina. Gusto niyang kiligin pero walang oras para doon. Nasa Roasting sila. At ano mang oras ay matutusta na sila.

Bumaling ito kay Josue na tahimik din. "Mula ngayon, hindi ka pwedeng lumapit sa anak ko sa loob ng isang daang araw."

Nanlaki ang mga mata ng binata. "One hundred?"

Ngumuya ang ama niya. "Tama ang narinig mo. Pormal kang manliligaw sa anak ko at kasama doon ang isang daang gabing pagtulog mo sa harapan ng bahay namin. Kapag nagawa mo iyon. Doon pa lamang ako magpapasya kung karapat dapat ka sa anak ko."

Por Dios Por Santo. Ano ba itong napasukan nila?




To be continued...

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora