Chapter Seven

29.3K 773 35
                                    

"Oh My God! Oh My God!"

Flor can't help but to roll her eyes dahil sa nakakairitang reaksyon ni Delaney nang bumaba siya sa sasakyan ni Mr. Tolentino. Wala siyang nagawa kaya sumang ayon nalang siya sa hambog na lalaking ito upang ihatid siya. Isa pa, wala naman na si Nikita sa bahay nila kaya hindi na niya kailangang makipagmatigasan sa lalaki. Mas mabuting makita mismo ng mga singkit nitong mga mata na wala sa bahay nila ang hinahanap nito.

Siniko siya si Delaney. "Hindi mo naman ate sinabi na may oppa ka palang kasama. Ang gwapo!" Nanlalaki pa ang mga mata nito s akanya.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Pwede ba, tigilan mo yang kalantudan mong babae ka. Anong oppa ka d'yan? Mukha kamong apa! Ang haba ng baba!"

Sumimangot si Delaney. "Ang hard mo sa kanya ate. Ang gwapo kaya. Palibhasa hindi ka pa nakakakita ng gwapo sa buong buhay mo."

Dinedepensahan nito ang lalakibg nasa harapan nila. Umirap lang siya. Tinignan niya si Mr. Tolentino. "Salamat nga pala sa paghatid sakin. Pwede ka nang---."

"Pwede ka nang pumasok sa loob kuya.. " Tila kinikilig na sabi ng dalagita niyang kapatid. "Masarap ang biko ni nanay. Magugustuhan mo 'yon."

Namamanghang sinundan niya ng tingin ang mga ito. Inakay ng kapatid niya papasok sa loob ng bahay nila ang estrangherong singkit na 'yon! Nagmamartsang pumasok siya. Inabutan niyang nakaupo sa salas ito at nagiisa. Alam niyang nasa kusina si Delaney kaya doon siya nagpunta. Hinila niya ito sa braso. "Ate ano ba?"

Nabitiwan nito ang tinidor na hawak. "Bakit mo pinasok dito ang lalaking 'yon?"

Umirap lang ito. "Grabe ka ate. Ikaw na ang pinagmalasakitan na ihatid pauwi di ka man lang magte-thank you."

"Nagthank you na ako sa kanya. Sapat na 'yon. Paalusin mo na ang lalaking iyon dito." Malamig na sabi niya. Baka madatnan pa ng ama nila ang lalaking iyon ay kung ano pa ang isipin. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking pumasok sa bahay nila maliban sa ama nila.

Sabay silang nagkatinginan ni Delaney dahil sa nauulingan nilang malalakas na boses ng kanilang ama sa salas.

Magkapanabay silang sumugod sa salas at nakita nila ang kanilang ama na hawak ang samurai sword na nakadisplay sa dingding nila. "Tay!"

Nagngangalit ang bagang nito na nakatingin sa kanilang magkapatid. "Sino ang lalaking ito?"

Napatingin sila kay Mr. Tolentino na nakatayo sa isang tabi. Nakatutok dito ang samurai ng kanilang ama.

Kinakabahan na nilapitan niya ang ama. "S-Si.. Mr. Tolentino 'tay.. Yung.. Nakilala kong investor sa manila... Ka-business partner ko na siya sa isla 'tay." Nauutal na paliwanag niya sa ama.

"Good evening po." Magalang na sabi ng binata. Tinignan lang ito ng kanilang ama ng masama.

"Walang maganda sa gabi. Makakaalis ka na. Hindi welcome ang mga lalaki dito aa bahay ko!" Matigas na sabi ng kanilang ama.

Umimik naman si Delaney. "Tay! Para kang si ate. Papalayasin niyo siya agad. Hinatid nga niya si ate kasi nadaanan niya sa Arko. Itinirik lang naman ng sasakyan niya itong si ate flor. Swerte nya dahil may gentleman na inihatid siya. Kung hindi.. Baka paltos na ang paa niya bago siya makarating dito." Gusto niyang hilahin ang dila ni Delaney at ipilipit sa leeg nito.

Hindi niya alam kung saan nagmana ng kadaldalan ang kapatid niya. Hindi naman siya madaldal noong bata siya. Tinignan siya ng ama. "Toroo ba 'yon Flor? Hinatid ka ba talaga ng lalaking ito o baka naman lihim lang kayong nagtatagpo?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Tay!" Ito ang dahilan kung bakit hindi niya hayaan si Primo na manligaw kay Delaney dahil nasisiguro niya na baka hindi pa nakakapagsimula ang binatilyo ay basted na ito sa tatay nila. "T-Totoong nagmalasakit siyang ihatid ako.. N-Niyaya lang.. namin siyang magmerienda." Sagot niya.

Ibinalik ng ama ang hawak na samurai sa rack at saka humakbang papalapit sa hagdan. "Bueno, pagkatapos niyong magpasalamat sa kanya. Pauwiin niyo na. Delikado ang daan. Baka isipin ng mga tao ay may bigatin kang nobyo." Pinamulahan siya ng pisngi sa sinabi ng ama. Tuluyan na itong nakaakyat ng hagdan na di na sila nilingon pa.

Nang gumawi ang mga mata niya sa binata ay nakangisi ito sa kanya. Inirapan niya at saka nagmartsa pabalik sa kusina. Naririinig pa niya ang panunukso ni Delaney na sinabayan pa ng pagkanta.

"Kapag tumibok ang puso.. Wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso. Lagot kana, siguradong huli ka."




To be continued...

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoWhere stories live. Discover now