Chapter Sixteen

26.9K 733 34
                                    

Sa sampung linggong panliligaw ni Josue kay Flor. Mukha naman naepektibo na. Madalas ay nakikita na niyang normal na naguusap ang tatay niya at ang binata. Hindi niya masasabing aprub na ang binata sa tatay niya, but at least hindi na ito palaging may bitbit na itak tuwing umaga.

Kasa-kasama nito si josue sa umaga. Ginawa nitong helper ang binata sa Store. Uuwi lang ang mga ito para mananghalian sa bahay. At sa hapon naman ay regular siyang sinusundo ng binata sa opisina.

Ganoon ang naging takbo ng mga nakaraang buwan sa kanila. Hindi iisang beses siyang natutukso kapag may nakakakitang kasama niya si Josue. May pagkakataon pang lumalabas sila para manuod ng sine. Pero kasama ang tatay at nanay niya. At hindi rin mawawala ang mapabg asar niyang kapatid na si Delaney.

Kagaya nalang noong nakaraang linggo. May kliyente siyang nagregalo sa kanya ng limang VIP tickets for local concert ng isang sikat na celebrity. Akala nila ni Josue ay magkakatabi sila pero hindi nangyari, dahil nasa gitna nila ang tatay, nanay niya at si Delaney. Nagkasya nalang sila sa paligaw-ligaw tingin.

"Estimahin mo Flor ang bisita doon sa kabilang lamesa." Utos ng nanay niya. Birthday ng tatay niya ngayon. May kaunting salo salo sa bahay nila. Dumating ang mga kaibigan at ilan nilang kamag anak. Inimbita rin niya ang mag asawang Nikita at Taddeos. Pero nagpasabi silang mahuhuli daw ng dating. Si Regine naman ay nagsabing hindi makakarating dahil wala si Fernan. Isa pa may sakit din daw si East. Hinayaan nalang niya.

"Flor 'yon bang kainuman ng tatay mo ang nobyo mo?" Natigilan si Flor sa tanong ng tiya ester niya. Kapatid ng kanyang ina.

Ngumiti siya. "Naku hindi ho. Nanliligaw palang ho siya tiyang."

Bahagyang binangga nito ang braso niya. "Aba bilisan mo. Bali-balita sa kabisera na hindi lang dalawa o tatlong babae ang napapagusto d'yan sa manliligaw mo. Baka pag pinatagal mo ng pinatagal ang pagsagot dyan maghanap yan ng iba." Nginitian lang niya ang payo ng tiyahin niya.

Isang daang araw? Nakakapitongpung araw palang ang binata. May tatlompung araw pa ito. Kakayanin pa ba niyang maghintay ng thirty days? Baka mainip na ito at maghanap na ng iba. Napapraning kana flor. Diba sinabi niyang ikaw lang ang gusto niya.

"Oo nga." wala sa sariling naisatinig niya.

Nagtatakang tinignan siya ng tiyahin. "Ano kamo hija?"

"Ah.. Wala ho. Sige kain lang ho kayo ng kain." Aniya saka tumalikod.

Dumaan siya sa back garden papasok sa loob ng bahay. Nasa pinto na siya ng harangin siya ni Primo.

"Susmaryosep na bata ka! Ano bang ginagawa mo't pasulpot sulpot ka." Napahawak siya sa dibdib niya.

Nagkamot ito ng ulo. "Sorry ate. May ipapabigay lang sana ako sayo." May inabot ito sa kanyang isang bungkos ng pulang rosas.

"Para saan ang mga ito?" Nagtatakang tanong niya.

"Galit po yata sakin si Delaney. Hindi kasi niya ako pinapansin kahapon." Pinayagan na niya itong makalapit sa kapatid niya. Kinausap siya ni Delaney. Wala daw itong ikukwento sa tatay nila kung hahayaan niya si Primo na kausapin at makalapit sa kanya. Naghihimagsik ang loob niya dahil alam niyang binablackmail siya ng kapatid niya. Bawal pa talaga kasi itong ligawan. Kung siya nga pahirapan. Ito pa kaya na teenager palang?

"Sige. Pero huling bulaklak na ito primo. Kapag nakita ito ni tatay. Malalagot tayo pareho." Tumango ang binatilyo.

Yumakap ito sa kanya. "Salamat talaga ate. Da best ka talaga. Kaya mahal na mahal kita e." Tinapik niya ang balikat nito.

"Sus bolero." Nakangiting umalis ito sa harapan niya.

Sinamyo niya ang bulaklak na ipinabibigay nito sa kapatid niya. Ang bango ng mga rosas. Bakit ang swerte ng kapatid niya kay Primo. Napakabait na bata. Kung di nga lang masagwa ang edad niya sa edad ng binatilyo. Malamang magkacrush nga siya doon.

Pumasok siya sa loob ng bahay. May mga bisita rin doon. Kanya kanyang pwesto. Akma siyang paakyat ng hagdang ng maaninag niya si Josue sa hamba ng pinto papasok sa basement.

"Primo pala ha. Kaya pala hindi mo ako masagot sagot agad. May primo pa pala bukod sakin." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.

Narinig ba sila nito? Nakita ba nito ng yakapin siya ni Primo? Sabagay magrereact ba ito ng ganoon kung wala itong narinig o nakita.

Kinakabahang humakbang siya papalapit dito. "At may paflowers flowers pa." Sabi muli nito.

"M-Mali ang inii---."

Napatanga siya ng pumasok ito sa loob ng basement. Mabilis naman siyang humabol dito. Mukhang siya naman ang manliligaw ngayon.




To be continued...




------

#SaBasementNakakulongAngAso

off to kusina tayo. baka mahuli na naman. Sa basement naman tayo. Hahaha

GENTLEMAN Series 11: Josue TolentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon