Brat 41

46 3 0
                                    

Bago bumaba si Maggie ay nakasunod na sa kanya ang excited na mga kaibigan.

Ang dating sa kanya manonood ang mga ito ng pelikula kaya sobrang excited.

"Bessy brake the leg ha?" Excited na kaway ni Jessica.

Nakasabit sa leeg nito ang camera nito pero hindi nya napagtuunan ng pansin dahil natawa sya sa sinabi ni Krizzie.

..tama! Kaya ibreak mo yun leg ng mga haharang sayo papunta kay captain..

"Sira!" Sagot nya. "Don't worry.. I will bring home the bacon."

Nagawa nya pa magbiro kahit kinakabahan sya.

Tumalikod na sya sa mga kaibigan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib nya habang naglalakad sa field ng socceer sa Inter-Science.

Singbilis ng bawat paghakbang nya dahil umaasa sya na maaabutan nya pa ito.

Ang sabi ni Regina ay nandito pa ang binata at nagpapaalam sa mga kaibigan.

Sana lang walang maging aberya.

Nang marinig nya ang isang sigaw sa kung saan.

"Miss ! Ilag !"

Uh-oh... not again?

Natigil ang paa nya sa paglalakad at napapikit nalang sya upang damhin ang anumang sakit na dulot ng hampas ng bola sa anuman parte ng katawan nya.

Kung bakit ba kasi socceer ball nalang palagi ang natatapat sa kanya?

Sumusobra na ito ah.
Hindi na nakakatuwa.

Wag lang sana na sa ulo nya tumama ang bola dahil baka matindi ang maging epekto sa kanya at makalimutan nya pa si Brendon.
Baka magkaroon pa sya ng amnesia?

Nataranta sya.

Baka may mangyari sa kanya?
Yun ulo nya?
Baka magkaroon ng damage.

At talagang nakapag imagine pa sya ng kung anu ano?

Pero bakit nga ba ang tagal na nyang nakatayo wala pa tumatama sa kanyang bola?

Tinamaan na ba sya?
Hinimatay na sya?
Panaginip nalang ba lahat ito?

Paano na ang daddy nya?
Ang mga kaibigan nya?
Sobrang bata pa nya?
Yun mga pangarap nya?
Hanggang dito nalang ba?

Paano na si Brendon?

BRATINELLA QUEENWhere stories live. Discover now