Brat 9

75 3 0
                                    

Sa hotel ginanap ang birthday ni Maggie at ang dami nyang bisitang dumating.

Pagkatapos ng program ay nilapitan nya agad ang mga kaibigan sa isang sulok at ayaw makihalubilo dahil karamihan ay taga Inter- Science ang pumunta.

"Bessy.. parang 18th birthday mo na ah." Tawa ni Regina.

Natawa sya. "Oo nga eh. Gwapo pa ng escort ko." Siko nya kay Jim.

"Sorry guys.. I'm taken." Biro nito. Maya maya'y nalungkot ito. "Sayang wala na naman sya."

Ang tinutukoy nito ay si Jessica na never nilang nakasama sa social gatherings like this.

Kakambal ito ni Precious pero parang anak ito sa labas kung itrato.
Wala nga ito sa family picture ng mga Marazzi at ibang surname ang gamit ng kaibigan bagay na ipinagtataka nila.

Malalim na ang gabi pero patuloy parin ang pagdating ng bisita.

Nakita ni Maggie ang papa ni Regina na si Don Mateo. Siniko nya ang kaibigan.

"Bessy.. Papa mo. Himala hindi ata sya busy." Bulong nya.

Alam nya kasi bihira kung makipag socialize si Don Mateo.

Hindi ito kumibo at nag scroll lang ng phone.
Binati sya ng papa nito at nagpasalamat naman sya.

Nang maramdaman nito na hindi ito kakausapin ni Regina ay pumasok na ito sa loob.

Napalunok nalang sya.

Ang laki talaga ng galit ng kaibigan nya sa ama nito.

Pagtingin nya sa entrance nakita nya ang pamilya Marazzi.

Si Senator Leonardo na daddy ni Jessica at Precious.
Si Miss Mhiavee na tuwing nakikita nya ay kumukulo ang lahat ng pwedeng kumulo sa kanya.

The Nerve!

Dinaig pa sya ng mga ito.
Parang sila ang may party.

Kasunod din si Gen. Martini at si Krizzie na malayo palang ay nakangiti na sa kanila.

Pinuri sya ng daddy ni Krizzie at sinang ayunan naman ng daddy ni Jessica.

Gusto nya sanang itanong ang kaibigan kaya lang baka mapawi ang ngiti nito. Nung minsan kasi na tanungin nya ito ay namutla ito na napatingin kay Miss Mhiavee.
Nagpasalamat nalang sya sa halip.

Binati sya ni Precious kasunod ng mommy nito.

"Even though you and Precious are not in the same school. I hope that there's no rival between you girls."

Muntik na masuka si Maggie sa pinagsasabi ni Miss Mhiavee.

Sa kanila pa talaga galing ang mga salitang yon?
Parang hindi naman yata tama..

As usual.. pagpasok sa loob. Ginaya agad ni Krizzie ang mag-ina kaya hindi nila napigilang tumawa ng malakas.

BRATINELLA QUEENWhere stories live. Discover now