Brat 36

39 3 0
                                    

Nagbabasa si Maggie sa tambayan ng mga notes nya sa subjects.
Wala ang mga kaibigan dahil may pinuntahan saglit.
Nang may tumayo sa harap nya.

Napatirik ang mga mata nya.

Kung guguho man ang mundo sa araw na ito?
Wag naman sana sa mga sandaling ito dahil hindi nya kahit kailan na gugustuhin na makasama ang babaeng ito.

Utang na loob!

"Wala si Jessica dito. Nasa theater!" Matabang nyang pakikitungo rito.

Kung hindi lang ito kakambal ng kaibigan.

"Ikaw ang sadya ko and not Jessie." Sabi nito

"At bakit?" Asik nya rito.

hindi parin nya inaalis ang mata sa mga libro.
Mas gusto nyang dito ipako ang paningin kaysa makita nya ang mukha ni Precious.
Kukulo lang ang dugo nya!

Alam nyang ito at si Miss Mhiavee ang nasa likod ng mga negative news about her and Bessy Marias.
Sorry nalang kasi magandang feedbacks na ang nababasa nila simula nang magvolunteer sila sa Charity.

Hinablot ni Precious ang binabasa nya kaya nanlaki ang mata nyang napatingin rito.
Lapastangan!

Hindi ba ito natatakot sa kanya?

"Aalis na si Brendon. Hindi mo man lang ba pipigilan?" Inis nitong sabi sa kanya.

Alam na nya!
Sigaw ng isip nya.
Kaya nga hindi na sya nagulat.

"Bakit ko sya pipigilan? Gusto nya umalis."
Irita nyang sagot rito saka nameywang.

"Ikaw lang ang makakapigil sa kanya."

Natawa sya. "At bakit ko gagawin yon?"

Ito naman ngayon ang ngumisi at nakipagtitigan sa kanya.
"Kasi yun ang gusto nya gawin mo.. Ang pigilan sya."

Napawi ang ngiti nya sa sinabi ng babaeng ito.
Ano bang alam ng babaeng ito?

"Layas!" Nagtitimpi nyang taboy rito.

"But Maggie.."

Bumalik sya sa binabasa at hindi na ito pinansin.
Inis na umalis si Precious sa harapan nya.

Nakakainis!

Hindi sya makapag concentrate sa binabasa nya.

Ilang minuto ang lumipas.. dumating sila Krizzie at Regina.

"Bessy, na injured daw si captain." Balita ni Krizzie.

Pakiramdam nya namutla sya ng mga sandaling yon.
"Asan sya?"

Kinakabahan nyang tanong.

BRATINELLA QUEENWhere stories live. Discover now