Brat 12

66 4 0
                                    

Kumpleto ang mga kaibigan pagdating nya sa tambayan.

Naglalaptop si Jessica nang makita sya nito. "Hows the party?"

Naupo sya sa upuan na malapit rito. "Still the same. Plastikan ever.. syempre malungkot wala ka eh."

Natigil sa ginagawa si Jessica. "Sorry hindi ako nakapunta."

Ngumiti nalang sya. "Bumawi ka nalang sakin. Tulungan mo ako sa script na ipapasa namin sa humanities.."

"Sure.." sagot nito at bumalik ang mata sa laptop.

"Yun play kasi namin yun girl binigyan sya ng ring nung lalaking gusto manligaw sa kanya..kaso hindi pa nila ganun kakilala ng isa't isa. Ano dapat kasunod ng kwento?" paliwanag nya kay Jessica.

Ang totoo true to life ang tinatanong nya rito kasi yon ang ginawa sa kanya ni Brendon.

May singsing sa music box.
Kaya lang ayaw nya ikwento sa mga kaibigan dahil alam nyang sa bandang huli.

Mapipikon lang sya.

"Syempre sasampalin ko sya." Singit ng Regina. "Kapal naman ng mukha nya para tanggapin ko sya kaagad."

Napahilot sya sa ulo.

Narinig pala nito ang tinatanong nya. Akala nya abala ito sa phone.

Sumabat pa si Krizzie. "Oo nga naman. Hindi araw-araw pasko!"

"Or ibenta nya yun ring. Lalo na kung gold!" Tawa ni Jim pero sinamaan nila ng tingin ito kaya ito natahimik.

Pero iba ang sagot ni Jessica.

"What if? Make friends to that guy. Gets to know him sometime." Sagot ni Jessica. "Yun nakakakilig na part kasi dun is.. hindi ka pa nya kilala pero nagpropose na sya na parang ikaw na ang gusto nya... or maybe? Baka dati ka pa nya kilala kaya ginawa nya yon. Akala mo lang na hindi ka nya kilala."

Napaisip sya sa sinabi ng kaibigan.

Hindi kaya tama ang sinabi nito na dati pa syang gusto ni Brendon?
Hindi lang magkaroon ng pagkakataon dahil ilag sa kanya?

Naalala nya yun sinabi ni Precious.. na In love sa kanya si Brendon.

Kung ganun may alam ang babaeng yon.

Siniko sya ni Jessica at kinindatan. "Si Kapitan ba bida?"

Nanlaki ang mga mata nya nang mapansin na napasinghap ang mga kaibigan.

"Talaga?" Si Jim

"Si kapitan nga?" Kumpirma ni Krizzie.

"OMG! Paano nag proposed si pinsan?" Tuwang tanong ni Regina.

Sunud-sunod na tanong ng mga ito.

Si Jessica naman! Sisi nya rito sa isip.

"Really? I'm just asking." Tawa nito. "Did he give you a teddybear in tuxedo or?.."

"Or what?" Halata na sa boses nya na naiinis sya kaya lalo pa syang inasar ng mga kaibigan.

"He give you something na may touch ng Paris at may naka engraved na be mine."

Sabay-sabay na tumili yung tatlo at pinag uusapan kung gaano nakakakilig lahat ng may touch ng Paris like eiffel tower habang napakamot ng ulo si Jim.

Wala na syang kawala.

Parang si Jessica ang nag-utos kay Brendon na yon ang ibigay at alam na alam nito.

Buti nalang at nagsalita si Jim.

"Anyway, Krizzie. paano kayo nagkakilala ni Andrew?"

Nagkibit-balikat nalang ito at napawi ang ngiti. "Long story."

"May time kami." Magkasabay na sagot ni Jessica at Regina.

Pero hindi na ito kumibo.

BRATINELLA QUEENWhere stories live. Discover now