Brat 17

50 4 0
                                    

Hindi na naman makatulog si Maggie.
Gabi na pero hindi parin sya dalawin ng antok.
Hindi nya nakalimutan ang napag usapan nila ni Brendon.

Ano bang alam nito sa kanya?

Pero hindi nya rin maiwasan ang hindi kiligin kapag naiisip nya ang mga ngiti nito.

Kamukha talaga nito si 13th Prince. Walang duda.

Nalulunod sya sa sobrang kilig.

Kapag nalaman ng mga babae sa social world na hinahabol sya ng binata. Baka magka death threat na siya araw araw.

Agad nyang kinuha ang phone sa ibabaw ng side table nya kaso na bored sya kaka-browse ng post ng mga friends nya lalo na at hindi naman sya interesado sa mga buhay ng mga ito.

Nakita nya na may mga new stories na naman si Jessica sa page nito kaya lang wala naman sya sa mood magbasa ngayon.

Nakita nyang online ang mga kaibigan. Nag group message sya sa Bessy Marias.

Bessy Marias
Maggie : can't sleep..

Pagka-sent nya ng message may nagreply sa kanya wala pang isang minuto.

Prinsesa : He loves you.😜😉❤💖💘
#Chill..😁

Cute Jim : Mahal ka non. Haha! 👊

Regina Goddess : Matulog ka na. Mahal ka ni pinsan hahaha.💑

Krizielicious : Landi much.. mahal ka ng kapitan!.💏 bwahahahahhahahaha..🙉

Napikon sya hindi dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan.
Kundi naimagine nya yun tawa ni Krizzie na sagad hanggang buto.

May sticker pa dun na may nag kiss kaya nagreply sya.

Maggie : 🔫🔪💣🔥

Lalo syang hindi nakatulog.

Kinabukasan ang daddy niya mismo ang gumising sa kanya.
Tumawag ito sa telecom.

"Anak.. may bisita ka."

Napadilat ang isang mata nya. Hinagilap ang phone nya.

Five minutes more bago mag ten in the morning.

"Dad.. still early." Maktol nya. "Sino ba yan?"

Hindi nya narinig ang sinabi ng ama dahil talagang inaantok pa talaga sya.
Sobrang napuyat sya kagabi dahil hindi nawala sa utak nya yun tawa ni Krizzie na naimagine nya hanggang hatinggabi.

Ang naintindihan nya lang na sinabi nito ay kanina pa alas siyete ng umaga nandoon ang bisita nya kaya napakamot sya ng ulo sa pagkayamot.

Sino naman kaya ang matiyaga na ito at talagang hinintay talaga sya hanggang ngayon na magising.

BRATINELLA QUEENWhere stories live. Discover now