Brat 27

44 3 0
                                    

"Binasted mo si Kapitan?"

Sabay sabay na reaksyon ng mga kaibigan habang nakatambay sila sa paborito nilang spot ng school.

Nakabalik na sila pagkatapos ng ilang araw na pag stay sa resort nila Brendon at pagbalik nila.
Inamin nya sa mga kaibigan ang nangyari.

Pinilit niyang tumawa. "Weh? Ang korny nyo ha?"

"Badtrip naman Margarita.." sabi ni krizzie na nakaismid sa kanya na may panghinayang. "Ayaw mo ba kay Kapitan? Akin nalang."

Sinamaan nya ito ng tingin sabay irap. "Manigas."

Agad nyang reaksyon.

"Woooh. Ayaw mo mahalin si Pinsan ayaw mo rin ipamigay para mahalin ng iba. Selfish be like." Buska ni Regina na tumatawa.

"Kawawa naman si Captain. Close pa naman kami.. boto nga kami sa kanya." Nakalabi pa na kwento ni Jim at napabuntong hininga.

Inakbayan sya ni Jessica. "Bessy.. ano ba talaga? Don't be afraid to love. Andito naman kami. Hindi ka namin iiwan. Wala ka man lang bang naramdaman na kahit konti?"

Gusto nya sumagot kaya lang ano pa ba ang saysay? Binasted na nya si Brendon.

Wala naman magawa ang mga kaibigan sa kanya.
Pinapairal nya parin ang katigasan ng ulo nya.

Inayos na ni Jessica ang sarili. "I think you need space. Minsan, sa pag iisa natin dun natin nasasagot yun mga tanong natin na nagpapagulo ng isip natin." Sabi nito.

Pumalakpak ang tatlo.

"Hugot Queen.." si Krizzie

"Queen of Hearts.." Dugtong ni Regina

"My future heart.." si Jim

Sabay napatingin sila Krizzie at Regina kay Jim sabay sabi ng.. Kapal.

Natawa nalang sya sa mga kaibigan. Napansin nya si Jessica na isinuot ang bag nito at binitbit ang mga gamit.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya.

Gusto pa sana nya makausap ang kaibigan pero mukhang may lakad ito.

"Mag eexplore.."

Simple lang ang sinabi nito pero alam na nya kung ano yun.
Tatambay ito sa bookstore na pag aari ng pamilya nito at magbabasa.

Napatingin sya sa kaibigan na nakatitig rin pala sa kanya.

Wrong move.

Siguradong nabasa na nito ang mga naiisip nya.

"When it comes to love, our hearts should learn the rules in traffic lights.."

Makahulugang sabi nito sabay kindat sa kanya. Napakunot nalang sya ng noo.

Traffic lights?

BRATINELLA QUEENWhere stories live. Discover now