Brat 3

155 2 0
                                    

Nakita nya ang mga kaibigan sa paborito nilang tambayan sa school.

Sila ang kilalang grupo na Bessy Marias.

According to social media..
BESSY MARIAS means, a group with rebel members na anak ng mayayamang negosyante.

Hindi nga nya alam kung saan galing ang mga pinagsasabi ng mga taong yon.
Hindi naman nila kilala.
Hindi rin naman sila lubusang kilala?
Pero may magagawa ba sila?
Sinira na sila.

Ang matalinong si Regina ang una nyang nakita na nagbabasa ng Reader's digest.

Regina Frenessie Lopez- Montereal.
Ang nag iisang anak ng mayamang haciendero. Matalino pero mataray.

"Bessy.." tapik nya rito.

Ngumisi ito. "So kailangan talaga manapik sa likod, ganun?" Nang aasar na sabi nito sa kanya.

"Arte mo." Ismid nya. "May bagong bangko raw na itatayo sila daddy at kasosyo ulit nila yun papa mo." Balita nya.

Umiwas ng tingin si Regina sa kanya. "Alam ko at ayoko pag usapan."

Napatango nalang sya dahil naiintindihan nya na yon.

Sila yun mga anak na ayaw sa pera ng mga magulang nila.
Kasi hindi sila masaya.

Lumapit si Krizzie sa kanila. The fun to be with ng grupo. Anak ni General Gregory ng army.

"Haller mga Marias." Bungad nito.

Nagpalinga linga sya sa paligid. "Asan sila Jessie at Jim?"

Speaking.. palapit na ang dalawa.

"Hi guys!" Bati ng pinaka astig sa Grupo na si Princess Jessica Elizalde - Ybarra. Writer wannabe.

kasunod nito ang only girl sa grupo na si Jimenez Gutierrez - Zamora. The famous Heart throb ng Campus.

"Sorry we are late." Paumanhin ni Jim na itinuturo ng nguso si Jessica kaya napanguso din silang tatlo nila Krizzie at Regina kasi di nila maintindihan ito.

Hanggang sa mapansin nila ang bakat ng kamay sa mukha ni Jessica.

Alam na nila yon.

Sinaktan na naman ito ng mommy nito.

Nagpigil sya ng galit.
Baka makapagsalita pa sya ng hindi maganda masaktan pa ang kaibigan nya.

"Samahan nyo ko sa Inter-Science University." Yaya nya sa mga kaibigan.

Pupuntahin nya ang mommy nya.

Doon ito nagtatrabaho sa kalaban nilang school.
At dahil malapit na mag divorce ang parents nya.
Hindi na sila nagkikita.

"Anong gagawin mo dun?" Tanong ni Krizzie.

Napatirik ang mata nya. "Dadalaw kay mommy? As if naman na mag enroll ako dun?"

Sabi nalang nya para pagtakpan ang totoong balak.

Meron sya kailangan komprontahin.

"Pwede rin?" Tudyo ni Krizzie sa kanya kaya nagtawanan ang mga kaibigan nang napailing sya.

Talagang hindi buo ang araw nya kapag hindi kasama ang mga baliw na ito.

BRATINELLA QUEENWhere stories live. Discover now