Lumapit ako sa kanya at binigyan ng sipa na nagpabagsak sa kanya sa sahig. Palapit pa lang ako para tignan nang mabuti ang mukha niya, pero biglang may naramdaman akong malakas na kuryente mula sa likod ko na nagpabagsak sakin sa sahig.

   Tinakpan ng isang lalake ang bibig ko, gamit ang panyong mayroong nakakahilong amoy. Nakita ko ang mga nasa limang lalake, bago pa ako mawalan ng malay.

~~

   Nagising ako sa isang madilim na lugar. Iisang ilaw lang ang nandito, at 'yun ay nakatutok sa akin. Tinanggal ko muna ang pagkahilo, bago sinubukang kumawala. Tumigil na ko nang malaman kong posas pala ang naka-ikot sa kamay ko.

   Bumukas sa 'di kalayuan ang isang ilaw. Nakita ko naman ang dalawang lalakeng nasa early 40's. Hindi ko sila kilala, at hindi ko rin alam kung anong balak nila sakin. Narinig ko naman ang pamilyar na boses sa tabi ko. Lumingon ako at nakita ko ang lalakeng nakaposas rin ang kamay katulad ko.

"Ka..karl?" gulat na pagtawag ko sa pangalan niya. Anong balak nila saming dalawa? Anong gagawin nila sakin?

"Stay calm." bulong niya sakin.

   Lumapit naman samin ang dalawang lalake, at lumuhod para pantayan kaming dalawa ni Karl.  "Long time no see." nakangising sambit sa kanya ng lalakeng nakasuot ng black coat. Mukha siyang mayaman at mukha siyang empliyado sa isang kumpanya.

"Sino kayo?" tanong ko sa kanila.

Nabaling naman sakin ang paningin ng dalawang lalake at ngumisi. "You really look like Clareth." nakangising sambit niya, bago tumayo.

"Let's kill them. Nakakulong na ang bata mo, kaya tayo na lang din ang papatay sa kanilang dalawa." sambit ng naka coat doon sa isang lalake.

"Jiryo, kahit nakakulong na si Rapmon, mayroon pang isang Crimpson ang mapagkakatiwalaan ko." tugon naman nung isa sa naka coat na nag-ngangalang Jiryo.

"Jhope!" pagtawag niya. Pumasok si Jhope at lumapit sa lalakeng tumawag sa kanya.

"Yes, Chief." magalang na sagot ni Jhope.

"Kill her." sambit niya, habang tinuturo ang daliri niya sakin.

  Lumunok naman si Jhope at tumingin sakin na may takot sa mga mata. Lumapit siya at tinutok ang baril sa ulo ko. "Let him see how his daughter will die." nakangising sambit ni Jiryo, habang nakatayo sa likod ni Jhope.

"Sorry." sambit ni Jhope, bago ipikit ang mga mata niya. 

"Stop!" narinig kong sigaw ng isang babae. Tumingin si Jhope sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Hindi ko makita ang babae, dahil madilim ang paligid. Sa amin lang nakatutok ang ilaw.

"Joan?" nagtatakang sabi ni Jhope.

"You told me that you won't kill anyone." sambit ni Joan na naririnig kong naglalakad palapit samin.

"I hate loud person. Kill her." ani ni Jiryo na tinuturo ang daliri kay Joan.

"I can't." hindi ko sila maintindihan. Hindi ko lubusang kilala si Joan at Jhope, pero hindi ko alam na iba pala ang ugali nilang dalawa.

"Okay, I will kill the both of you. Useless." sambit ni Jiryo. 

   May mga narinig akong yapak ng mga taong nagsipasukan, pero wala akong makita sa kanila. May ilang lalake ang humawak sa braso ni Joan at ganun din kay Jhope. 

" Ibigay ang parusa sa mga matitigas na ulong Crimpson.... like him." nakangising sabi niya, bago lumingon kay Karl. Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin ng paglingon niya kay Karl, pero may bagay akong nasa isip.

School of Gangs [BTS TAGALOG FANFIC]Where stories live. Discover now