CHAPTER 35

550 23 0
                                    

Racian POV 

Nasa kusina ako para magluto nang biglang dumating ang tatlong lalake. Si Jungkook, Suga, at Taehyung. Binati nila ako, bago umakyat sa taas kung nasaan si Jimin. Siguro ay nag-aalala lang sila kay Jimin, dahil ilang araw na siyang hindi pumapasok. Ilang araw na rin siyang tulala at tila malalim ang iniisip. Nakita ko siyang umuwi noong gabi, walang pangitaas at namumula ang mga mata na tila ba ay umiiyak. Hindi ko na siya natanong, dahil mabilis siyang umakyat at nagkulong sa kuwarto niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na rin ang lutuin ko. Hinanda ko na lahat sa lamesa para wala na silang gagawin kundi ang umupo at kumain na lang. Tinawag ko ang dalawa kong anak na lalake at pina-upo sa silya. Pinababa ko na rin si Cian para sabay-sabay na kami. Papunta ako sa balcony para yayain na rin silang kumain, pero nahinto ako nang marinig ko ang usapan nilang apat.

"Nasa panganib ang buhay ni Cara at ng tatay niya. Kilala pala ng mga Crimpson ang magulang ni Cara, at matagal na rin nilang hinahanap. Natatakot ako na baka mapahamak si Cara, kaya gusto kong hingin ang tulong niyo." sambit ni Jimin sa kanilang tatlo.

"Bakit hindi na lang natin sabihin kay Cara?" tanong naman ni Jungkook.

"Alam niya nang Vailor tayo. Sa tingin mo pagkakatiwalaan niya tayo?" tugon naman ni Jimin.

"Alam ko kung saan sila dadalhin sakaling kunin sila ng mga Crimpson. Tulungan niyo ako na gumawa ng paraan para makuha natin sila. Hindi ko pa kilala ang mga seniors ng Crimpson, pero kakayanin ko 'to para kay Cara." narinig ko pang sabi ni Jimin.

"Ano ang dapat nating gawin?" tanong naman ni Taehyung.

"Mamayang gabi, mamayang gabi kukunin ng Crimpson sila Cara. Susundan natin sila, at maingat nating kukunin." narinig kong sagot ni Jimin.

  Nalaman ko pa ang ibang impormasyon sa mangyayari kay Cara. Mas marami akong nalalaman kung bakit gustong kunin ng Crimpson sila Cara kaysa kay Jimin. Narinig ko kung saan dadalhin sila Cara, kung anong oras, at kung anong gagawin nila. Hindi ko 'to palalampasin, dahil pamilya ni Clareth sila Cara. At 'pag hindi ako kumilos, baka mapahamak sila Jimin. 

  Agad kong kinuha sa bulsa ko ang contact number ni Stephen para manghingi ng tulong. Tinawagan ko siya at sinabi ang lahat. Sinabi niya kung saan kami magkikita. Siya na daw bahala sa lahat.

~~

Cara POV

    Nag-aayos na ako ng mga gamit, dahil lilipat na ako sa Korea. Inayos na ni Karl lahat ng kakailanganin, para maka-alis na kami sa susunod na linggo. Hindi madali sakin ang umalis, pero ito ang kailangan kong gawin para hindi na ako mahirapan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, nahihirapan ako sa magiging desisiyon ko. Matagal ko nang hinahanap ang mga Vailor para paghigantihan sila, pero bakit hindi ko magawa ngayong nahanap ko na?

   Habang inaayos ang mga gamit ko, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Bumabalik sa alaala ko ang nangyari nung malaman kong isang Vailor si Jimin. Sobrang sakit, sobrang nakakalito. Ganito ako napamahal kay Jimin. Ni plano ko para kay Mommy ay hindi ko nagawa. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yung pakiramdam na gusto ko siyang patayin, pero ayoko siyang mawala. Yung pakiramdam na gusto kong maghiganti, pero ayaw ko siyang masasaktan. 

   Para makawala at medyo huminahon ang pakiramdam ko, lumabas ako at nagpahangin. Kailangan ko rin bumili sa malapit na shop ng makakapal na jacket and sweater. Lumabas muna ako ng bahay at naglakad sa madilim na kalsada. Wala masyadong tao sa lugar na 'to, 'pag ganitong oras.

   Bigla na lang may humintong lalake sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin, kahit iba ang mga tingin niya sakin. Nang makalagpas ako sa kanya, hindi ko na siya tinignan pa. Bigla na lang may tumakip sa ilong ko ng isang tela na may nakakahilong amoy. Agad ko naman siyang natadyakan patalikod na tumama sa maselang bahagi niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang namimilipit sa sakit.

School of Gangs [BTS TAGALOG FANFIC]Where stories live. Discover now