"Zarnaih, please," pinandilatan ko siya. "Stop it. 'Wag ka ngang mag-isip nang ganiyan? Hindi gano'n 'yon, okay? We're just close to each other. I mean, I'm his ate, his noona."

"Naku, believe me, ate!" nakangiwing iling niya. "May gusto sa 'yo si Maxrill. Na kay Maxwell kasi ang paningin mo kaya hindi mo siya mapansin."

"Whatever, Zarnaih," umikot ang mga mata ko.

"Ate, bilang lang ang segundo na wala sa 'yo ang paningin ni Maxrill. Ni hindi man lang lumingon sa ibang babae. Come on, those moves? I know that already. I've been there. Gano'n na gano'n noon si Lee sa 'kin."

Whatever!

Napabuntong-hininga ako. I don't know how to tell her what I really feel and think about it. Of course nakita at naramdaman ko 'yon. Baka nga nauna ko pa iyong mapansin kaysa kaniya. I've been there also. For sure, mas marami pa akong naging experience kaysa kay Zarnaih. It's just that, hindi ko kayang aminin. Hindi ko kayang tanggapin. Maxrill is like a younger brother to me. He's more than a friend only because I consider him as a family.

But I don't wanna tell Zarnaih about my thoughts. For sure ipapahamak lang ako ng bibig niya.

Sinimangutan ko siya. "Bakit hindi na lang kasi si Maxwell ang pinansin mo?" inilayo ko ang usapan. "Hindi mo ba nakikita 'yong actions ni Maxwell? Well, I do! I think he's starting to like me."

"Wow," nanlumo siya. "How delusional you are, ate. Kung may gusto sa 'yo si Maxwell, eh, di ikaw na sana ang date niya, impakta ka!"

"Makaimpakta ka naman," angil ko.

Napasimangot na naman tuloy ako. Kanina kasi ay naunang umuwi sina Maxwell at Keziah. Pareho raw silang maaga bukas sa BISH. Bagaman makikita ko si Maxwell bukas, kinakabahan akong maulit ang nangyari noong huli.

Nauna na akong magpaalam kay Zarnaih. Sa takot ko na rin na baka ipursigi niya ang napapansin kay Maxrill.

MAAGA akong dumating sa ospital kinabukasan. Naunahan ko pa ang head nurse sa endorsements. Tuloy pati ang trabaho niya ay pinakialaman ko na. Inaral ko ang lahat ng charts saka inihanda ang sarili sa posibleng hawakang cases.

"Si Doc Maxwell ang assistant doctor sa ORIF," bulong ni Cyrene mayamaya, kinindatan niya ako.

"I bet nandoon na naman si Doc Keziah?" pabulong kong angil.

"What do you expect? They're twinnies." Tumawa siya.

Ngumiwi naman ako. "Sino ang naka-assign na nurse?"

"He requested for you."

Nanlaki ang mga mata ko. "For real?"

Nagkibit-balikat siya. "Ask the head nurse."

Naloka ako. O sabihin na nating kinilig na rin. Pero agad din iyong napalitan ng kaba. Tensyonado ako pagdating sa kaniya. Nag-alala tuloy ako na baka muling magkamali, magpabingi-bingi habang nagtatrabago kasama siya.

Iyon 'yong surgical procedure kung saan kailangang i-realign ang malubhang bone fracture o baling buto, sa normal nitong posisyon. Saka kakabitan ng mga bakal para maging stable ang buto upang gumaling at mapigilan ang impeksyon.

Lalo pa akong kinabahan nang maalalang hindi ko pa naa-assist ang orthopedic doctor, espesyalista sa buto. Kung ni-request ako ni Maxwell, paniguradong kailangang ako ang mag-assist. Hindi ko pwedeng ibato iyon kay Cyrene.

Matapos naming mag-lunch ay dumating ang pasyente. Wala pa man ay balisa na ako. Nanlalamig ang mga kamay ko. At kahit na ayos na ang lahat, panay ang checking ko.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now