"Ah oo. Oo nga!" Natetense na sagot din ni Papa.

Nagsalubong ang kilay ko nang parehas na silang umiwas ng tingin. Parang may itinatago sila sa akin. Kung meroon, ano naman?

"Saka Pa, iyong internet natin, pinatanggal ninyo?" Tanong ko pa.

Tumikhim si Mama at dumiretso sa kusina. Tatayo din sana si Papa pero nahagip ko ang shirt niya. "Pa, may tinatago ba kayo?" Naguguluhang tanong ko. May something kasi akong napapansin sa actions nila. Something feels not so right!

Ngumiti sa akin ang aking Ama ng pilit. "Ha? Wala ah. Iyong internet? May offer sa atin na mas maganda doon tayo lilipat." Paliwanag niya. "Inom lang ako." At iniwan ako.

Meroon talagang hindi tama dito. Pero hindi ko na lang bibigyan ng pansin. Mas marami pa akong mas importanteng bagay na kailangang harapin. Iyon na lang ang aking poproblemahin. Like ang aking memory, ang school, at si Von.

Alam kong nasasaktan si Von na hindi ko masuklian ang pagmamahal niya sa akin. Sana nga ay gumaling na ako. Kung sana ay tama rin ang sabi ni Franz na, "what your mind tends to forget, your heart will always remember." Hindi ako nawawalan ng pag-asa na gagaling ako. Sana nga lang gumaling na ako agad.

**

Maaga akong nagising. Tinulungan akong magbihis ni Mama ko. Nakakain na rin ako at inaantay na lang ang sundo ni Von sa akin. "Ma, andyan na si Von!" Sigaw ko kay Mama kasi narinig ko na ang busina ng kanyang sasakyan.

Si Mama ang tumulong sa akin palabas ng bahay. Mamaya pa ata ang alis niya kapag nakaaalis na ako. Nauna na si Papa at kasabay niya si Dale para ihatid sa school.

"Good morning Tita! Ready ka na ba, Steph?" Bati niya sa amin.

Hindi ako makasagot. Ang pogi ni Von sa suot niyang stripes na green at cream na polo shirt at denim jeans with sneakers. Ako kasi ay naka-dress na kulay off-white dahil mahirap naman para sa paa ko ang suotan ng pantalon. Ang sapatos na suot ko ay flats lang na kulay cream. Iwas dulas kumbaga.

"Steph?" Nakangising tawag pa niya. Isinuklay niya ang mga daliri sa basang buhok. Ohlala! Nahalata atang nakatulala lang ako sa kanya. Kahiya!

"Ah.. O-Oo. Halika na." Nabubulol na sagot ko. Ano ba naman itong dila ko? Masyadong pa-obvious eh!

"Sige na at malelate kayo." Sabi pa ni Mama. Hinalikan niya ako sa pisngi at si Von.

Pinagbukas ako ni Von ng front seat. What a gentleman talaga?! "Oh ingat ah." Sabi pa niya habang inaalalayan nila ako ni Mama sa pagpasok sa kotse.

"TITA!" Isang sigaw na nakapagpatigil sa amin.

Kunot ang noo ko ng balingan ang tumawid na si Franz mula sa bahay nila sa tapat at lumapit sa amin. Naku! Naabutan kami! Tiyak pipigilan ako niyan kasi ang sabi niya sa kanya ako sasabay.

The StarWhere stories live. Discover now