Chapter 1: Baby

447 23 112
                                    

Lynn's POV

Halos hindi ko malunok ang sago sa halo-halong kinakain ko.. kasi naman eh.. BUNTIS AKO!

1 month.

Bwisit naman! ba't ba ako na buntis? tsk!

Patay ang future ko nito. Laking problema diba?

Muli akong sumubo ng halo-halo.. pero ang ice naman ngayon ang hindi ko malunok. Ba't kasi ang laki?

Ako si Lynn Perez. may nanay.. may tatay.. at ang nag-iisa nilang anak ay maaga ding magkakaroon ng anak..

Nakaka-stress diba?

Biglang napako  ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa hindi kalayuan. May kasama syang aso.. at oo sya ang nakabuntis sakin. At hindi ko sya boyfriend.. pero kaibigan ko sya.. I mean naging kaibigan ko sya.. basta! basta basta nalang nangyari ang lahat isang gabi. At sigurado akong hindi nya alam na buntis ako at sya ang ama. Baka nga nakalimutan na nya ito. Isang buwan na kasi ang nakalipas.

Hinihimas himas nito ang ulo ng kanyang dalang aso at nakatingin lang sa lupa na para bang sobrang lalim ang iniisip.

Ano kaya kung puntahan ko sya at sabihing buntis ako?

Pero pano kung hindi sya maniwala? tapos itakwil nya ako? pati na ang anak ko? pero naging magkaibigan naman kami ah!

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok. Ano ba kasi 'tong gulong pinasukan ko? aish!

Matagal din kaming naging magkaibigan. Kaya't alam na namin ang tungkol sa isa't-isa. Alam ko rin ang tungkol sa mga pangarap nya at sa pamilya nya. Gusto nya maging isang Doctor at maging proud ang family nya para sa kanya. Yun kasi ang paraan para mapansin sya sa kanila eh.

At ayun ang dahilan kung bakit hindi ko masabi-sabi sa kanya ang kalagayan ko. Ayokong sirain ang pangarap nya dahil lang sa akin.

"Wag kang mag-alala baby, wala kamang daddy.. papalakihin pa rin kita. Magiging masaya tayo kahit tayong dalawa lang" nasabi ko na lamang sabay hawak sa tyan ko.

Napatingala ako sa langit ng maalala sina Mama at Papa.. patay ako nito.

Nag-iisang anak lang ako..tapos ito pa ang nangyari sakin. Nalulungkot ako para sa kanila dahil hindi ko maibibigay ang mga pangarap nila para sa akin.

Aabot pa kaya ang buhay ko bukas? iniisip ko palang ang mangyayari nanginginig na ako.

Brutal pa naman ang tatay ko. Baka bukas meron ng balita na ang isang babaeng isang buwang buntis ay natagpuang nakahandusay sa bakuran ng mga baboy.

Ang nanay ko naman isang emo.. di kaya maglaslas yun pag-umamin ako?

Ba't ko ba kasi sinira buhay ko?

"Lynn?" bigla akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko

"Sa--Sanha.."

"Anong ginagawa mo dito sa park mag-isa?"

"Ah.. ano.. nagpapahangin lang. Sige alis na ko, bye!" sakto namang kukunin ko na sana ang baso ng halo-halo at aalis na sana pero nahawakan nya ang kabila kong kamay dahilan para tumilapon ang halo-halo.. sayang naman

"Ba't mo ko iniiwasan?"

"Hi.. hindi naman kita iniiwasan. Ano kasi masakit ang tyan ko kaya uuwi na ako.. bye!" tatalikod na sana ako pero mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko kaya muli akong napatingin sa kanya

"Alam mong walang maniniwala sa sinabi mo. Ano bang nagawa ko?" sincere nyang tanong.

Napatingin kami sa aso nung tumahol ito. Nakawala pala sa kanyang tali. Nabalik ang tingin ko kay Sanha ng mapansin kong naguguluhan ito kung hahabulin ba nya ang aso o hihintayin pa rin ang sagot ko kaya agad kong iwinakli ang kamay nya at tumakbo na ng mabilis.

Daddy Eunwoo (ASTRO)Where stories live. Discover now