"Wala. Ang ganda mo kasi." Walang anumang sagot niya.

Lalong naghurumentado ang puso ko. Simple lang ang pagkakaksabi niya, pero iba ang epekto sa akin. Nagulo ang buong sistema ko. Kainis!

Ngumuso na lang ako. "Maganda? Eh kapag nakikita ko nga ang itsura ko sa salamin nalulungkot ako. Lalo na kapag nakikita ko ang tahi ko sa ulo." Sagot ko sa kanya.

Hinaplos niya ang braso ko. "Sus! Hindi na iyan makikita kapag tumubo na ang buhok mo. Saka ulo lang iyan. Maganda pa rin naman ang..." Natitigilang sabi niya.

Sunod-sunod ang lunok ko ng paglandasin niya ang daliri niya sa mukha ko. "... Ang mata mo." Idinaan niya ang daliri niya sa magkabilang talukap ng mata ko. "Ang ilong mo.." At pinagapang niya ang daliri sa bridge ng ilong ko papuntang, "..at ng labi mo." Dagdag pa niya.

Nagiwas ako ng tingin dahil kinikilig ako sa ginawa niya. Napapikit ako ng mariin ng may alaala na namang sumagi sa isip ko. Isang lalaking malabo ang mukha na hinalikan ako sa mata, ilong, bibig at pati nga tenga. Siya ba iyon? Parang hindi eh.

"May problema ba?" Nagaalalang tinig ni Von ang dahilan ng pagmulat ko. Napansin niya siguro ang reaksyon ko.

"Kasi may mga random thoughts na sumasagi sa isipan ko." Pagamin ko.

Kumunot ang kanyang noo. "What kind of thoughts?" Tanong pa niya na bakas ang sobrang concern. His reaction is killing me. I don't know why. Hindi ko gustong pinagaalala ng ganito si Von.

"May mga bagay kasi na parang nangyari na. Kapag inisip ko naman ng mabuti, may naaaninag akong kasama ko laging lalaki sa eksena. Hindi ko matukoy kung ikaw. Pero parang..." At nagisip ako ng malalim. Sino nga ba iyon?

"Parang sino, Steph?"

"Parang.... Ah ewan! Hindi ko talaga matandaan." Marahas na nagkamot na ako ng ulo. Nahihirapan na ako. Bakit ba kasi nangyayari ito sa akin?

"Para bang si Dale?" Tanong ni Von na parang tinatantya kung anong isasagot ko.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at muling nagisip. Bumalik sa isipan ko iyong eksenang nagsusuklay sa akin ang isang lalaki sa harap ng tokador ko. Ang kaso malabo ang mukha niya.

Umiling ako. "Parang hindi kasi matipuno ang katawan niya. Parang katulad ng sa iyo." Sabi ko pa at muling idinilat ang mata ko.

Tumango-tango si Von. "Kumukha ba ni Franz?" Tanong niyang nakapagpalalaglag ng panga ko. Paano niya naman nasasabing kamukha ni Franz? Kamukha nga ba?

"Ano ka ba? Imposibleng si Franz iyon. Hindi naman kami ganoon ka-close. Ikaw o si Papa lang ang pwedeng pagpilian." Sagot ko pa.

Nagkibit balikat siya. "Si Papa mo ba?" Tanong niya.

Ang natatandaan ko, mahaba ang buhok noon. Parang imposibleng si Papa. Kaya lang kakaisip ko, sumasakit na naman ang ulo ko.

"Von, pasok na tayo. Sumasakit ang ulo ko." Pagkasabi ko noon nagulat ako ng bigla akong pangkuin ni Von. "Huwag mo na akong buhatin. Kaya ko namang magsaklay." Saway ko sa kanya. Nakakahiya kasi sa kanya.

"No. Mamaya mahilo ka pa." Sagot niya sa akin. Hindi na ako nakaimik. Ang lapit ba naman kasi niya sa akin. Humawak na lang ako mabuti sa leeg niya para hindi mahulog.

"Sa salas na lang." Suggestion ko sa kanya kaya ihiniga niya ako sa sala set naming mahaba.

Ipinikit ko ang ulo ko. Ang sakit talaga. Ayoko naman siyang itali sa tabi ko na nakatunganga lang. Alam ko namang busy rin siyang tao. "Von, uwi ka na muna kaya. Matutulog na lang ako. Pauwi na naman si Dale maya-maya." Suggestion ko pa sa kanya. Hindi ko na iminulat ang mata dahil parang pinupukpok ang ulo ko.

The StarWhere stories live. Discover now