Chapter 25: Acad Day 1

1.3K 29 2
                                    

"Ang cute mo Lechboy! Bagay sa'yo!"

Hindi ko mawari kung totoo ba yung pinagsasabi ng baklitang ito o sadyang nang-aasar lang e.

And yes. Naka-maid costume na'ko. Yung pang cosplay ba. Ngayon na kasi yung Acad week namin.Tapos naka-pig tail pa. Like, ewww. Nagmumukha akong bata.

"Alam mo lalo kang nagmumukhang baboy!"

Sabi na eh. Nangaasar lang. =___=

"Alam mo, bes, bagay din sa'yo yang costume!" reply ko kay Bunchkin habang nakaturo sa suot niyang black suit.

"I know." pangmamataray niya bago pa man ako makapang-asar.

Ang lahat kasi ng lalaki, dapat butler ang peg.

Ang corny noh?

Pero to be honest, ang hot niyang tingnan. Kahit bakla pa siya.

"Uy! Dali picture tayo!" sabi niya. Inabot niya yung camera sa kaklase namin at nagpicture kami.

Yung last pose, inakbayan niya ko at nilapit pa lalo sa kanya. Sa tingin ko namula tuloy ako. Ngayon, ako naman ang may abnormal na pamumula.

"Ayyiiiiieeeee!!!" pang-aasar nung mga kaklase namin.

Gusto ko sanang sabihin, 'Magsitigil nga kayo! Sapakin ko kayo diyan eh!'. kaso mabait talaga ako eh. Anong magagawa ko. Tss.

KONSENSYA: Mabait daw..?!

Yan ka nanaman eh. Baka gusto mo, ikaw sapakin ko?!


KONSENSYA: Blehhh. Di mo magagawa yun, konsensya mo ko eh. xp

"Huy! Huy! Natulala ka na diyan." Sabi ni Zane. Nang hindi ako nag-reply, sinampal ba naman ako. Bumalik tuloy agad yung kaluluwa ko. ~~~(TOT)~~~~

"ARAY NAMAN! Bakit ka naman nanampal?!" Sabi ko habang hinihimas yung pisngi ko. "Bakla ka ba?" dagdag ko.

Biglang naging ganto -> (-____-) yung mukha niya sabay, *PAK!* binatukan ako. Tapos umalis na.

Hinabol ko siya at niyakap mula sa likod kahit na alam kong maraming makakakitang mga kaklase. "Sorry na, Bunchkin." I said half-heartedly.

Wow. Define 'half-heartedly'---- I. DON'T. KNOW.


"HOY! TAMA NA PDA PLEASE!" sabi ni Carla, yung president namin. "Ang dai pa nating tabaho oh!" dagdag niya sabay turo sa mga upuan at tables.

♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛

All day, nandito lang ako sa classroom slash Maid Cafe, nagseserve sa mga guests and customers. At kung minsan naman, hinahayaang may magpa-picture kasama ko. Yes. Celebrity ang peg ko ngayon. Dahil sa sobrang busy, hindi pa ako nagpapahinga. Hindi pa nga ako naglu-lunch eh. Iyak na tayo, tara. TTT3TTT

Samantalang yung iba, parides-rides at booths na lang.

Sa tagal ko dito, napansin kong hindi pa umaalis yung isang grupo ng mga babae. Wala naman silang inorder bukod sa glasses ng mga tubig at 5 cupcakes na kaninang umaga pa nila inorder. Hayyst. Huwag ko na ngang pansinin. Magbebreak na nga lang muna ko.

Nagpaalam nako kay Carla at kay Bunchkin (aka Zane). Dumiretso ako sa Girls Washroom para magpalit muna ng damit. Ang weird nga eh, feeling ko may nakatingin at sumusunod sakin habang naglalakad.

Siguro nagandahan sakin. O kaya siguro, guni-guni ko lang yun at masyado akong nagfeefeelingera.

Nevermind na nga lang!

When a Gay Falls for a GirlWhere stories live. Discover now