Chapter 4: New Job

2.1K 44 0
                                    

Grabe! Magtwo-2 am na hindi pa rin ako makatulog sa sobrang kilig! Destiny ba ito o sadyang destiny lang talaga? Haha! Nakakaloka! Ang tagal-tagal kong hinintay yung moment na to. Pero teka ano uunahin ko? My lovelife o World War Z ng life ni Zane? Che! Ewan!

Eh? Lovelife ko na lang siguro.

Hay. Paano ba ko makakatulog niyan. I'll just count my pimples maybe. Sa sobrang dami, di ko namalayang nakatulog na pala ko.

TIKTILAOK!!!

Hi! Good morning mr. tandang, mr. Sun, clouds, birds, kama, atbp. Annyeong hasaeyo sa inyong lahat.

Ito na ata ang pinakamaganda kong gising ever in my life. Kaya lang bigla kong naalala, kailangan ko nga palang maghanap ng bagong trabaho. Saklap talaga ng buhay oh.

Day1:

Basa- basa ng newspapers.Wala.

Day2:

Basa- basa ng newspapers. Walang kwenta.

Day3:

Basa- basa ng newspapers. Hanap hanap ng job offerings. Wala eh. Ang baba ng sweldo. Mas ok pa yung dati.

Ang hirap talaga ng buhay.....

Not until habang naglalakad ako pauwi from school, may hinangin na flyer at sapok sa gorgeous face ko. Kinuha ko ito at syempre ano pa ba edi binasa ko. Duh!

Wanted: A Patient and Hardworking Tutor

-18 years old and above

-atleast a high school graduate.

Kailangan talagang i-describe nang maigi yung offer? Wew.

We will offer 50k as your salary a month. Interested? Go to Royal Subdivision 2 at London St. (Cruz Residence) or contact us at (044) 1234567. Thank you.

Grabe! This my one and only chance. Kaya dali-dali akong pumunta dun.

"Sa Cruz Residence po. Mag-aaply po sana." sabi ko kay Manong Guard.

Tapos sinabi niya kung saan yun. Kaliwa lang daw ako sa first kanto then turn right and left, right and left. Grabe! Nakakaloka! Migraine na ito! Then, may makikita daw akong may black na gate na may gintong doorbell. Naks. Ginto talga eh noh? Di man lang natatakot na manakawan.

Pagpasok ko sa mismong subdivision.....Huwow! Ang bobongga ng mga bahay este ng mga mansion!

Mga rich kids talaga ih. Masyadong Gucci and Louis Vuitton samantalang ang yours truly....waley! Pang divisoria lang talaga.

Libot here and there and finally, I'M HERE!

Grabe! Ang laki ng gate! Gate pa lang 'yun ha! Di na ata 'to bahay or mansyon? Kung hindi ay isang palasyo na!

Witwew! To be honest, understatement pa nga yun eh. Tapos nag-doorbell na ako.

Whooo....nagamit ko yung ginintuang doorbell. Ang saya naman! Haha!

"Yes? Sino po sila?" Hala! Boses?! Paano nagkasiya 'yung tao diyan sa speaker?

"Ah. Iyah po. Nag-aaply po sana bilang tutor."

"Ahh. Sige. Pasok ka." tapos biglang automatic na nag-open yung gate. Yes! Rich. Akala ko pa naman pinapapasok na niya ko doon sa speaker.

Tapos may manong na nagpasakay sakin sa isang golf car. Yun daw ang dapat gamitin papunta sa mismong bahay. Ang saucy ha! Siya na nga rin pala nag-drive.

Kaya pala. Medyo malayo naman pala talaga. Eh garden pa lang nakakaligaw na. Tapos after 2 minutes, sa wakas ay akarating na ako. Yehey! Pagbaba na pagbaba ko, binati kaagad nila ang sexy na ito.

"Welcome sa Cruz Residence Ms. Iyah. Tara pasok ka." Tapos sinundan ko lang si ate papasok sa loob. Malamang.

Shet. I know ang unli na pero ang laki, laki talaga! Nakakapang-laglag panga! Seryoso.

Tapos pinaupo ako dun sa living room. Grabe. Living room pa lang kasinglaki na ata ng first floor ng bahay namin. OA? Hindi ah!

Nag-serve sila ng biscuits filled with nutella ata? Tapos grape juice. Naks ano toh? Welch's pa ata .Welch nga ba tawag dun o Wilcht? Che! Ewan. Di po ko gaanong rich. Sakto lang. Not super rich, not super poor. Ewan ko ba kay Ms. Author kung bakit yun ang description niya sakin sa prologue. Anyways, di ako familiar sa mga ganyang saucy echos kaya di niyo ko talaga masisisi.

(Oops! Puro advertisements na ata ang story na toh ha?)

"Ay. Nag-abala pa kayo pero thank you ha." reply ko after niyang i-serve iyong lahat sa table. Ako talaga si Miss Pakipot ih. Gutom na gutom na, nagpipgil pa alang-alang sa first impression. Pero kung sadyang makapal ang face ko, nalafang ko na siguro tong lahat within 2-3 minutes. Hehehe!

"Nga pala, yung sa job offer....." umupo siya tapos inexplain niya yung mga dapat kong gawin. Nga pala, tanggap na daw ako agad. Omg talaga! Hehe! Pagpasensyahan na lang po ang kaartehan.

Basta yun blah, blah, blah! Ang importante lang naman may trabaho na ako. Malaki na nga sweldo, mukhang mababait pa sila. Ang swirti ku pu talaga! Bukas na bukas din daw, pwede na ko magsimula.

Ayon kay ate, 10 years old boy daw 'yung tuturuan ko. Ang name niya Vince Cruz. Matigas nga lang daw talaga ang ulo kaya kailangan patient talaga ako kung hindi, 'YOU'RE FIRED' ang kahahantungan ko.

Pag-uwi ko...

"Oy! Guyth. Gusto niyo kumain tayo sa McDO? Libre ko" I exclaimed cheerfully.

"Sows. Wala na nga tayong pera eh manglilbre ka pa." epal na sagot ni Paulo.

"Kung ayaw mo edi wag." tapos binelatan ko siya. Binelatan din tuloy niya ko. I just shrugged it off at binaling ko na lang yung tingin ko kay Nanay.

"Mommy sexy, ano sama ka?" nagmukha siyang worried.

"Eh kasi anak..."

"Nay....may bago na kong trabaho at mas mataas na yung sweldo ko. Kaya nga mangllilbre eh, for celebration. Maniwala kayo sa anak niyong maganda na sexy pa! Oha!"

Tapos sumigla ulit siya. Pang-best actress talaga. Kanino pa ba ko magmamana ng acting skills? Edi sa kanya! Kaya wag na wag niyo kong masisisi kung magaling din ako. Like mother like daughter lang no!

-

-

-

Ehh. Sorry for the cliffhanger and boring chaps pero promise, I'll make it more exciting as the story progresses. Konting push na lang. xD

Kate :)xx

When a Gay Falls for a GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin