Chapter 31: Moving On

1.1K 28 2
                                    

Iyah's POV

Totoo nga na ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba. Kapag masaya ka, ang kasunod ay lungkot.

Wala man lang warning. Edi sana napaghahandaan ko, hindi yung ganito. Biglaan naman kasi e. Sabagay, kasalanan ko naman diba?

Sa sobrang saya ko, di ko namalayan na babawiin nga rin pala yung saya ko at papalitan ng lungkot.

Kagaya ngayon, parang nakakatamad nang mabuhay. Buong araw lang akong nakahilata sa kama at di pa kumakain. Yung hitsura ko naman parang zombie. Magulong buhok, plus eyebags at maluluwag na damit.

Wala kasi talaga akong gana. Nakaalis na kasi si Blaine. Iniwan na niya ko.

Kaya naman kahit yung mga tumatawag sa cellphone ko, di ko rin pinapansin. Para bang ayoko muna magparamdam sa mga tao.

*You're my Honeybunch, Sugarplum
Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie
You're my Cuppycake, Gumdrop
Snoogums-Boogums, You're the Apple of my Eye*

Hinayaan ko lang magpatuloy sa pag-ring yung cellphone. Di ba nga ang sabi ko snobzoned lang lahat. Atsaka nakakatamad tumayo para lang mag-silent ng pho-

ANO BA SABI NANG! Pasesnya na ha kung bigla-bigla akong sumisigaw. Kasi naman walang sawa sa pag-rin!

For the first time since umuwi ako, ngayon lang ulit ako tumayo mula sa kama. Kinuha ko yung phone sa table at akma nang papatayin nang mabasa kong si Zane pala yung tumatawag. Sinagot ko ito nang may drama effect na para bang mamamatay na ko.

"Oi...ayoko nang mabuhay....paalam.....ma-mimiss kita."

"HOY BABAE! ANO BA NAKAILANG TAWAG NA KO HA. TSAKA ANO BA PINAGSASASABI MO HA?" inilayo ko yung phone sa tenga ko. Lakas kasi ng boses e.

"Pag nawala na'ko ikaw na bahala sa nanay at kapatid ko ha. 'Wag mo silang pababayaan" kunwari umiiyak ako habang sinasabi ko yan

"Hay nako! Ikaw talaga!" Nanggigil na sagot niya. "Bakit ba ganyan ka ha?"

"Sabihin mong mahal na mahal ko sila."

"Pwede ba! Tama na yang drama mo!"

Biglang napalitan yung drama effect ng inis.

"Ano ba naman 'yan! Di ka man lang concerned. Kitang mamamatay na ko dine sinisigawan mo pa rin ako."

"Mag-ayos ka na lang at bumaba"

Kahit di niya nakikita nang-irap pa rin ako.

"Di kita boss para sundin at mas lalong di kita nanay. Tigilan mo na'ko. Wala ako sa mood. Please lang." Dagdag ko pa. Medyo naiinis na talaga 'ko e kaya binaba ko na at pinatay yung cellphone at inilapag sa table.

Humiga na ko ulit.

Biglang pumasok si nanay at nakangiti nang may pagka-loka-loka. -.-

"Kyaaahhh! Nasa baba yung stepdad mong mala-Diyos." Kinikilig na sambit ni madur habang nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilaang pisngi at kumekendeng pa nang parang baliw. Napailing na lang ako.

"Wala ako sa mood, nay." Tumalikod ako.

"Ano ka ba! Bilis tinatawag ka na niya. Ang hot niya talaga! Kyaaah!"

Nagulat ako nang may biglang bumuhat sakin. Si Zane! Binuhat at pinatong niya ko sa shoulder niya. Yung upper body ko ang nasa likuran niya. Langya talaga tong baklitang to!

"HOY! IBABA MO KO!"

Di niya ko pinansin at sa halip ay kinausap si nanay.

"Tita, kikidnapin ko lang po yung babaeng 'to. Ibabalik ko rin po. 'Wag kayo mag-alala." Patuloy pa rin ako sa pagsabi ng "May pangalan ako okay?! Ibaba mo na'ko"

When a Gay Falls for a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon