Chapter 32: Christmas and New Year

2.2K 64 39
                                    

December 24, 2013

Malapit na mag-Pasko. As in 3 hours na lang! Kyaaah! Excited na'kong buksan yung mga regalo sa ilalim ng Christmas tree.

Feel na feel ko na talaga ang Christmas spirit! Punong-puno ng decorations ang bahay. Pagkatapos amoy na amoy pa yung handa namin.

Nakadungaw ako sa bintana. Bakit kamo? Kasi hinihintay ko si Santa Claus! Wala kasi kaming chimney kaya baka maligaw at makaligtaang bigyan kami gifts.

Saka siyempre inaabangan kong magsnow hehe.

"Mag-ahin ka na ate!" Tawag ni nanay habang abalang-abala sa pagluluto ng Noche Buena.

"Heto na po! Wahhh!" Umakto pa akong parang si superman habang tumatakbo papunta sa dining table kung saan nakatayo ang kapatid kong panget--pinagpapantasyahan yung ham at fried chicken.

"Ang ingay. Tss!"

"Ano ba naman lil bro! Pasko na! Where's the Christmas spirit and everything?!" Sumasayaw-sayaw pa ko na parang loka-loka!

Kumurot siya ng kapiraso sa ham at isinubo agad bago ko pa mapigilan. "Nababaliw ka nanaman. Tss." Tapos dumiretso na siya sa sala.

Pa- 'tss-tss' pa. Akala mo naman kinapogi at kina-cool niya yun. Hmph

"Jingle bells! Jingle bells! Jingle all te way!" Ang late naman nitong mangaroling. Pa-special masyado ha.

Si Paulo na yung nagbukas ng pinto kasi abala kami. Si nanay nagluluto, ako naghahain pa.

"SURPRISE!" Pagtingin ko sa labas ng pintuan, nandoon ang mga kaibigan ko. Nakasuot si Almira, Stef, Sophia, Liam, Jason at Michael ng reindeer ears na supil at pulang bilog sa may ilong-- parang si Rudolf! Tapos si Vince, na nakasuot ng dwarf costume, may hawak na regalo. Sa may likod nilang lahat, nandoon na yung pinakahinihintay kong tao....

SI SANTA CLAUS!

May Buhat-buhat siyang malaking pulang bag. Nandoon na siguro yung mga regalo. Inggit kayo no?! Kasi personal pa kong sinorpresa ni Santa.

Kumaripas ako ng takbo at nakipagyakapan. "WAHH! MERRY CHRISTMAS GUYS!"

"Hi Paulo."

"Hello Sophia."

At nag-nginitian lang ang dalawa. Sus! Nagkahiyaan pa! Kaya tinulak ko si Paulo papalapit kay Sophia. Niyakap naman siya neto. Ahihihi kay landi!

"Ayyyiiieeeeeee!" Sabay-sabay naming tukso habang may squinted eyes at ngiti na nakakaloko sa mga mukha. Pati nga si Santa nakisali e. Joker talaga siya!

Pinapasok ko na sila at pinaupo sa sofa. Yung iba sa sahig kasi di kasya. Nung papasok na si Santa, pinalupot ko yung braso ko sa kanya. Kinuha ko yung cellphone ko at nakipag-selfie.

"Say Christmas cheese!" Ako

"Christmas cheese!" Si Santa

Tapos pinaalis ko si Paulo sa inuupuan niya (na nasa tabi ni Sophia) at doon nga pinaupo si Santa.

"Asar naman!" Inis na bulong ni Paulo sa sarili. Narinig ko kasi tumayo siya sa gilid ko.

Tiningnan ko yung picture namin ni Santa. Chinito pala siya?! Naalala ko tuloy si Zane.

"Teka nasaan nga pala si Zane?" Napatahimik ang lahat mula sa pagdadaldalan at napatingin sakin.

Krookroo! Awkward. Anong meron?

Biglang nagsilabasan ng mga bente sina Michael, Liam, Jason, at Sophia, na para bang natalo, at inabot kina Almira, Stef, Vince at Santa.

Pati si Santa binigyan ng bente? E mayaman naman siya ha!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When a Gay Falls for a GirlWhere stories live. Discover now