Chapter 14: My Hero + Friendly Date

1.5K 33 3
                                    

"Tigilan niyo nga siya!" sigaw ng isang familiar na boses ng lalaki habang tumatakbo siya papunta sa lugar namin.

Wow! Yung totoo, pang-movie na ba ako? Super cliché!

Pero habang tumatakbo siya, bigla siyang natapilok. Pfftt-- *laugh mentally*

Pero naka-recover rin siya at tumayo. Nag-bounce pa nga yung curled bangs niya nung tumayo siya eh. Ang poise ha! Infairness!

Nang tumayo siya, finally na-reveal na rin ang fez ng hero kong sawi dahil natapilok.......at siya ay si......

Si....

Si......

Zane?

Tatawa na sana ako, kaya lang medyo seryoso yung scene na toh eh. Bawal ang tumawa. This is life or death.

Nang makarating na siya, inagaw niya yung baseball bat at scissors kay fatty-fat feeling leader.


Napanganga na lang yung mga babae. Na-mesmerized much. Syempre ba naman, nandito lang naman ang "hottest" kuno ng campus.

"Ano pang hinihintay-hintay niyo diyan?! ALIS!" at parang mga batang takot sa nanay, nagsi-takbuhan na sila.

Lumapit si Zane sa akin, at lumuhod sa likod ko. Gently niyang tinanggal yung rope sa pagkakatali sa akin.

Nahihiya man ako, I have to say these words. "Thank you." sabi ko habang nakatingin sa baba."Pero paano mo nalaman na nandito kami?"

"Tinunulungan ka na nga, ang dae mo pang satsat."

Pagkasabi niya nun, inayos lang niya yung bangs niya gamit ang right middle finger niya, tinaasan ako ng kilay at umalis. Haay. Kay arte talaga ng baklitang itoh kahit kelan! Kung hindi lang niya ko tinulungan, malamang sa malamang, nachampal ko na ire!

No choice. Babalik na lang ako sa room. Sana, hindi na kumalat itong pangyayari na ito sa buong campus. Panigurado kasi, panibagong fansclub ang makakaharap ko. Ang mas malalala if ever na mangyayari yun, ang fansclub ni Zane ang makakaharap ko-- mas brutal, possessive at mapang-api.

During classes........

Ambagal ng oras, gusto ko na mag-uwian. Lala! Makikipagdate ako kay Blaine. Lala! Makikipadate ako kay Blaine. I'm so excited! And I just can't hide it.

"Iyah!" sigaw ni miss.OOPS! Napalakas ata ako ng pagkanta. O.O

Sorry na....excited lang..hehe! "Sorry po Miss." tapos nginitian ko siya.

Natapos na ang araw and dismissal na! Yehey! ^_^

Inayos ko na ang mga gamit ko. Pagtingin ko sa glass ng pintuan, nakadungaw na si Blaine. Ermergerd! Hinihintay na niya ako. Hihi!

Kdot. Ang londeey.

Pero bago ako makalapit sa may pintuan, may humawak sa braso ko para pigilan ako. Si Zane. Ngayon ko lang na-realize, kaming dalawa na lang pala sa room.

Mwahaha! Inggit lang siya. *belat*

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Tapos, tinry kong umalis sa pagkakahawak niya, pero malakas eh.

Nakita kong nag-clench yung jaw niya. Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso ko......Ayayay! Selos ang ate niyo. May date kasi ako at siya wala. Hehe! xD

"Sasabay ka sa akin umuwi. Di ba may gagawin pa tayo?" tanong niya habang nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko. Nakikta kong nagagalit na nga siya.

When a Gay Falls for a GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora