Chapter 10: GF?

1.5K 42 1
                                    

Zane's POV

Arrghh! Nakakalurkey talaga tong creature na to. Simula nung dumating dito, wala nang ibang ginawa kung hindi ang manggambala! Mapa this world man o dream world ko.

Ngayon, pinapunta ko lang naman siya sa room ko para mapag-usapan namin yung project namin tapos ngayon ano? Nasa harapan ko siya at basang-basa!

Napagalitan ko tuloy. Kaya iyon, asar din. Kahit kelan talaga, hindi kami magkasundo. Hmmph!

Pero nung paalis na siya nang basang-basa, the first thing I did was to cover her with a towel.

Oy! Hindi sa concern ako sa kanya noh! Concern lang ako sa sarili ko. Baka kasi mamaya pag nagkasakit ito eh masisi pa ko. Baka mahawaan pa ko.

Tapos, naghubad ako ng shirt para mabigay sa kanya.

"OYOY! ANONG BALAK MONG GAWIN HA?! M-M-MANG MAMANYAK KA NOH?"

Sus! Asa! Hindi ako tomboy noh! hindi ko kayang mang manyak ng kapwa gurlalu!

Pero hindi ko na sinabi yun, baka mamaya mahalata pa ko nitong bakla ako eh. Katapusan na ng career ko kapag nangyari yun!

Tapos, blahblahblahblah. Walang katapusan na asaran namin. Natapos lang nung pumunta na siya sa CR para magpalit.

Ilang saglit lang, may pumasok sa room ko.....si Sophia! Siya yung sinasabi kong sister ko na the only one na may alam sa pinakatatago kong sikreto. Galing siya ng Paris, nag-aral siya for 1 year about fashion echos.

"Kuya!!!! ^_^" wahh! Na-miss ko talaga toh!

"Sophia! Wahh! Di mo ko sinabihan na ngayon ka na pala uuwi. Sinurprise mo talaga ako." tapos nagyakapan kami.

"OH EM GEE! Kuya! Who's that girl?" tanong niya.

"Why is she wearing your shirt?...."

Nag-gasp siya. "Did something else happened?....."

Langya. Ano ba pinagsasasabi nito?!

".....OMG! Don't tell me she's your, she's your girlfriend?! But I thought, you--"

Arrrghhhhhhhhh! Muntikan na yun! Muntikan na niyang masabi na bakla ako. Bakit ba naman kasi napaka-usisera na ang daldal pa ng kapatid ko na toh?! T^T

Tapos lumabas na kaming dalawa.

"Kuya, bakit di mo ko inupdate? May nangyari ba sa inyong dalawa? Did you two just had....Omg! " nag-gasp nanaman siya. "Lalaki-" tinikom ko ulet yung bibig niya gamit ng kamay ko.

"Champal gusto mo?Hinaan mo nga boses mo. Atsaka nabasa kasi yung damit at buong body niya kaya nandun siya kanina na ganun ang itsura"

"Ahhh.......Eh sino ba kasi yun kuya?" tanong na naman niya.

"Si Iyah, yug creature na nakwekwento ko sayo." Tapos nag-ahhhh siya. Yang ngiti na yan, may something talaga at alam ko kung ano ang nasa isip niya.

"Hoy! Hindi ako in-love dun. Never. Hindi ko siya girlfriend. Kahit nga friend, hinde. And lastly, hindi rin. Hindi ako tibo. Hmmph!" I reassured

Natawa lang siya.

"At kung may binabalak ka pang iba, please lang, wag mo na ituloy." pagmamakaawa ko.

"Ayy. Teka, kuya. Kain na tayo, nagugutom na ko.Tawagin mo na si Vince" nag-nod na lang ako. Alam ko namang pagod na toh. Mapagbigyan na nga!

Sophia's (Zane's sis) POV

I was really shocked with what I had just saw a while ago. May nakita lang naman akong babaeng ang suot lang ay ang shirt ni kuya. Di ako pwedeng magkamali dahil iyon ang regalo ko sa kanya last year, before I even go abroad.

Shocking din na nagpapasok siya ng girl sa kwarto niya bukod sakin, kay mom at sa mga maids.

At ito pa yung isang shocking, yung girl pala kanina,siya pala si Iyah. Madalas siya sakin makwento ni kuya. And knowing him, I know na puro guys lang ang interests niya. Madalas puro si Blaine pero mas madalas ito ngang si Iyah ang kinwekwento niya.

Kapag kinekwentuhan niya ko tungkol kay Ate Iyah, lagi niyang kinekwento kung paano ito magsalita, kumain , magsulat, manamit at kung ano-ano pa. Kinekwento rin niya kung paano siya naging malaking asungot sa buhay niya ever since high school days.

Dahil nga wala na siyang ibang bukambibig kundi si "Iyah" nga na toh, na-curious tuloy ako sa kanya. Sino nga ba si Iyah? Bakit ang laki ng impact niya kay kuya? Wow. Rhyming words. Puro "yah" Hehe!

Kdot. Ang babaw ko -,-"

After kong sabihin kay kuya na nagugutom na ko, I went straight ahead to my room to get a pair of sweatpants. Then, I rushed to my kuya's room to give it to Ate Iyah. Alam kong hindi niya kayang lumabas dahil ganun yung suot niya. Siguro basa pa yung clothes niya. Kawawa naman.

Pagpasok ko, tamang-tama lang ang timing ko. Papunta na kasi siya sa CR kaya binigay ko muna yung sweatpants ko.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Wow! Ang ganda niya. Parang.....parang bagay sila ni Kuya! Ang sexy niya, maputi, may dimples. Kaya lang puro pimples siya. HIndi naman punong-puno, mangilan-ngilan lang naman kaya kayang-kaya na yan ng ointments at facials.

Hmmm....... may naisip tuloy akong magandang plano. MWAHAHA! >;D

Pero....

Secret ko na yun ;)

Plano ko yun eh, baka ma-plagiarize niyo pa o kaya ni Miss Author.

Jokkies! xD

Basta ito lang ang masasabi ko, ako na ang bahala kay Ate Iyah. Mukhang magiging masaya ang stay ko dito ha?

Tapos hinila ko na si Ate papunta sa baba para kumain. Seryoso, gutom na gutom na ko.

Pagbaba namin, after kong mag-sorry at magpakilala, na-interrupt na kami ng mga brothurs ko. Nagulat talaga ako nang yakapin ni Vince si Ate Iyah.

So, close pala sila?! Haha! Bet na bet ko na talaga si Ate!

Oops! Haha!

Tapos nag-dinner na kami. Grabe! Lamon ang ginawa ko. Parang 1 taon na kong di kumakain! Habang nagdi-dinner kami, saka ko lang nalaman na siya pala yung bagong tutor ni Vince. Kawawa naman si Ate. Panigurado kasi napakahirap turuan ng kapatid ko. Ang kuli-kulit pa. Haaay.



A/N: Wahhh. Sorry. Na au-author's block po ako ngayon. Huhu! Pagtiyagaan niyo na lungs ang ka-randoman ko. :(

Kate :)

When a Gay Falls for a GirlWhere stories live. Discover now