Chapter 6: Sir Vince

1.6K 39 0
                                    

Teka....

Cruz Residence....CRUZ?

Vince Cruz....CRUZ?

Zane Mikael CRUZ..........CRUZ!!!

Bakit ngayon ko lang na-realize?! Huhu! Ang dami naman kasing Cruz sa mundo. Malay ko rin bang dito siya nakatira. Pake ko sa kanya.

Pero bakit ako pinarurusahan ng ganito. 'Yung taong kinamumuhian ko, pagtratrabahuhan ko na simula ngayon. Parang may galit talaga sakin ang langit at lupa! Huhuhu!

Hay. Huwag na ngang OA! Kapatid naman niya siguro yung tu-tutoran ko at hindi siya. Medyo safe na rin yun.

"HOY IKAW! ANO PA TINATANGA-TANGA MO DIYAN?! LABAS! DALI!" inis na inis na sigaw sakin ni Zane.

Aba! Sinong tinawag niyang tanga? Lumapit siya sa akin at akmang kakaladkarin palabas nang matauhan ako.

"Oo. Heto na po, Sir Sungit. Lalabas na nga eh. Di mo na ko kailangan pang kaladkarin. At FYI hindi po ako tanga!" kung siya inis na inis pwes doblehin mo ang inis ko sa kanya. Well, triplehin. "Bwiset ka talaga." pabulong kong dagdag, buti di niya narinig.

Napansin kong mga natatarantang umakyat at lumapit ang mga maids dito.

"Sir, sorry po sa abala." sabay-sabay na sabi ng mga maids habang nakayuko. Napaka-evident ng takot sa mga mukha nila. "Hindi-hindi na po ito mauulit."

"Aba! Of course! Cause if I see this ugly creature's face again inside my property then I will fire you all!" galit na galit niyang bulyaw habang nakapamewang. Napaka-malditang bakla talaga.

Tapos tinulak na niya kami palayo.

Grabe naman 'tong baklitang toh! Wapang manners! Hindi porket amo siya wala na siyang respect sa kanila. I mean sa amin pala.

Naglalakad na kami papunta sa room ni Vince. Hindi ko naman maiwasang magtanong kung bakit ganun na lang ang acting ni girlalu kanina.

"Napaka-importante kasi ata sa kanya ng room na 'yun. Basta! Wala pang nakakapasok na iba dun except sa kanya at syempre ngayon pati ikaw." reply ni Ate Mary. "Teka, bakit ka kasi nandoon? Di ba sabi mo magbibihis kalang saglit sa CR?"

"Oo. Kaso sa dami ng rooms di ko nakita yung CR kaya napadpad ang beauty ko sa hell na yun." Natawa na lang sila sa sinabi ko. Tapos nakarating na kami sa harap ng pintuan. Pagbukas ng pinto nauna na sila sa loob. Eneber! Kinakabahan ang lola niyo.

"Sir Vince ito na po yung bago niyong tutor..."

Humakbang na ako papasok. Nakita ko siyang focus na focus sa paglalaro ng computer na may logo ng kinagatang mansanas. Yes. Saucy ha!

"Siya si Ate Iyah." humaharap siya then nag-wave ako sa kanya. "Hello." sabi ko with matching smile. 'Yung mukha niya, napaka-angelic. Ang puti at ang cute. Saan kaya pinaglihi 'tong batang ito? Gusto ko na tuloy siya ampunin bilang kapatid at kurut-kurutin sa pisngi. Pwede na rin sigurong boyfriend? LOL!

KONSENSYA: Iyah, ano ba! 10 years old pa lang yung bata. Maawa ka naman, pedo! Kay Blaine ka lang diba?

Oo na. Oo na. Stick to one lang ako konsensya. Happy?

"Siya ang bunsong kapatid ni Sir Zane." sabi sakin ni Ate. "O Vince magpakabait ka ha?" nag-nod naman si Vince na parang puppy.

"Hi Ate!" wave sakin ng anghel na ito. Ang cute niya talaga! Sobrang nakakagigil!

Tapos tumingin siya kay Ate Mary. "Ahh...Ate Mary, you guys may go now. I still have a big surprise for Ate Iyah, Babye!" Tapos lumabas na silang lahat.

Awww. Ano daw? Surprise? Hay. Napaka-sweet naman ng nilalang na 'to. Malayong-malayo sa kuya niyang bakla.

Tumayo siya from his chair at lumapit sa'kin. Niyakap niya ko bigla.

"Hi ulet Ate! Welcome sa..."tapos umatras na siya para di na kami magkayakap. "...Heavenly room ni Vince." dagdag niya.

Then, hinila niya ko papunta sa higante niyang kama at naupo kami.

"Alam mo ate, you look nice and pretty. Out of all the tutors that held me, I personally think you'll be the best! I think we will be best friends" cheerful niyang pagkakasabi. Shet nga lang. English spokening dollar si kiddo. Lakas maka nosebleed!

"Here...inabot niya sakin an isang green gift bow with a big red ribbon. "Here's my gift slash surprise for you. I hope you'll love it."

Tinggap ko 'yung regalo nang buong kagalakan.

"Nakakahiya naman. Thank you ha!" Tapos nginitian niya ko. Napakacharming na bata talaga! Kaya iyon binuksan ko na. Inalis ko 'yung ribbon at slowly, inalis ko yung takip.

"AYY NABASAG NA ITLOG NG PALAKA!!!!" AHHH!!!" bigla akong napatalon at napasigaw sa takot! Hindi niyo ba alam? Napakalaki ng phobia ko sa mga butiki at palaka! Kadiri kaya!

Tumakbo ako palabas ng kwarto niya habang tumitili pa rin. Aba! Sinusundan pa rin ako ng mga palaka. Eww. Nakakatakot talaga! Ano ba gusto nila sakin? Nilalabas pa nga nila yung dila nila. Eh? Ano ako? Insekto?

Napamura na pang ako sa takot nang makarating ako sa dulo ng hallway. Pagtingin ko, nasa harap ng kwarto niya si Vince--- namumula sa katatawa. Putek yang batang yan! Napakapilyo.

Bihla ko tuloy naalala 'yung babala ni Ate Mary na matigas ang ulo ng batang 'to! Ugh! Mapanlinlang na innocent face! Kaasar!

"HOY BATA! ALISIN MO NA TO! PLEASE LANG!!! UGGH!" inis na inis kong sigaw.

"You know what, just remove the insect string behind you. Then, they'll stop chasing after you." ANONG INSECT STRING?!

Kinapa-kapa ko yung likod ko tapos may string na puno ng pekeng insekto sa may puwetan ko. Kaya pala! Kaasar!

Tawa pa rin nang tawa yung pilyong bata! Ako naman, padabog kong Tinanggal 'yung tali at tinapon. Tapos tumakbo nako papunta kay Vince.

"HOY! TUTOR MO KO HINDI LARUAN!" sabi ko sa kanya. Ayokong-ayoko ko kasi sa lahat pinagmumukha akong tanga! Lalo na ng isang bata.

Tapos nakita kong pinipigilan niyang tumawa pero natatawa pa rin siya. "HAHA! A while ago you're so pale and now you're burning red. Pfftt! Hahahaha!" He mocked while pointing at me.

Nakakagago talaga tong batang 'to. Nakakiyak na! Huhu!

Kumalma ka muna Iyah....bata lang 'yan. Kelangan mo ng trabaho ngayon at first day mo pa lang di ba?

Mukhang magiging masaya talaga ito! I sarcastically added at the back of my mind.

Tapos pumasok na kami para mag-start na talagang mag-aral.

When a Gay Falls for a GirlWhere stories live. Discover now