Chapter 13: The Pros and Cons

1.4K 34 0
                                    

Haaaay. Taym plies so pas talaga! Monday nanaman which means, may school nanaman. Tapos mamaya magtuturo pa ako at gagawa ng project with baklang Zane.

Sana talaga araw-araw na lang bakasyon o kaya araw-araw na lang akong bata para hindi super stressful!

Pero ok na rin na Monday, ang tagal ko na kayang di nakikita si Blaine my loves ko. Miss ko na siya....Hihi!

At sakto, speaking of Blaine, ito na siya, naglalakad sa hallway. Papunta na sana siya ng room niya na Section B . Papasok na rin sana ako pero, naisip ko munang pumunta sa kinatatayuan niya.

Buti na lang maaga pa, kundi, panigurado, mag-iinit nanaman dugo ng mga fangirls nito.

"Hi!" sabi ko with matching kaway.

"Hello." sabi niya. Syempre nga naman, ano ba response sa 'hi' edi 'hello'. Atleast uso samin yun, di katulad kapag kasama ko si Zane.

Bakit ko ba kino-compare ang babes ko kay sirena?

*wulk*

Nevermind.

Nakita ko siyang punagmamasdan ako nang mabuti. "Iyah? Tama ba, ikaw yan? New look ah!" sabi niya. Surprising yun ha! Nakilala niya ko?

"Yup! Hindi bagay noh? Lalo lang akong pumangit. Mapilit kasi yung kaibigan ko. Alam mo, ikaw lang ang nakakilala sa akin, simula ng mag-make-over ako." nahihiya kong sabi sabay tawa.

"Actually, lalo ka pa ngang gumanda eh." reply niya tapos nginitian niya ko.

*currently speechless*

Lalong gumanda? Emphasize ko lang ha, sabi niya............'lalo'.

Na-feel ko tuloy na biglang nag-init yung mga pisngi ko.

Nagising lang ulet ako sa katotohanan nang magsimula ulit siyang magsalita.

Nag-fake cough siya bago mag start. "Pwede ka ba mamaya? You know, after class, uhmmm.....date?" tanong ni Blaine.

Wait! ANO DAW?! Rush much! Di pa nga ko nakakaget-over sa compliment niya kanina ngayon, nagyayaya siya ng.....

DATE?! O.O

"Ah! Please, don't misunderstand, it's a friendly date. I'm free later and I want to hang out with someone, so, uhmm, if you're free, gusto ko sana ikaw kasama ko."

"Ahhh....yeahhh...umm...sige ba!" Grabe! Nakakabulol. Date daw?

KONSENSYA: Ehem. Friendly date....

Kahit kelan talaga, konsensya, alam mo, PANIRA KA!

Tapos nag-wave na siya ng goodbye sakin at nagsabi ng 'see you later'. Syempre ako, kilig to the maximum level pagtalikod ko. Kahit ba friendly date lang yun. Date is a date. Period. No erase.

Hmmm....saan kaya niya ko dadalhin? GAHH! Kinikilig na ko, enebeyen!

Tapos, pumasok na ako ng room at umupo sa kung saan ako dinala ng mga paa ko. Grabe! Lutang pa rin ako at di maka-move on.

"HOY! LECHUGAS! ALIS!"

*pout*

"Hmmph! Ang sungit! Ang aga-aga eh. Nasa moment ako eh, panira ka talaga!" sabi ko kay sungit.

Sino pa nga ba si sungit, edi si Zane lang naman.

"Wala akong pake! Pwesto ko yan! Kaya....alis!"

"Ito na nga po, master" reply ko tapos tumayo na ko dala-dala ang mga gamit ko. Kahit kelan talaga, napaka-bully. Pag yan napaamin na bakla, ako ang unang-unang mag-cecelebrate. Tinataga ko yan sa bato.

Tapos, napa-realize ako, nakilala niya din ako? Wow.

Tumalikod uli ako para matanong siya. "Hoy Zane! Nakilala mo rin ako?"

Naka-upo na siya at inaayos na ang gamit. Pero inangat niya ulit yung mukha niya para maka-eye to eye contact ulit ako.

"Malamang, sa pangit mong yan, kahit anong gawin mo, kahit nabawasan man nang konti yang mukha mo nang pimples, ang pangit ay pangit." masungit niyang sabi, sabay belat, tapos bumalik ulit siya sa pag-aayos ng gamit niya.

Dapat pala di ko na tinanong yun. Pumangit lang yung simoy ng hangin. Pumangit lang yung araw ko.

Pumunta na ko this time sa upuan na malayong-malayo sa kanya tapos umupo nako.

Tapos nag-recess na, pagdating ko sa school canteen, tinginan silang lahat sa akin. Tanong nung iba, 'transferee daw ba ako?'. Ang ganda ko raw, mukhang diyosa walang halong biro. Yung iba, di makapaniwalang ako si Iyah.

Ang awkward nga eh. Never pa kong nakakuha nang ganitong attention. Buti na lang nakita ko na si Almira. Tapos, kinwento ko sa kanya yung makeover ko at syempre yung pagyaya ni Blaine. As usual, kinikilg din parang ako.

Then, nung lunch break, bago ako lumabas ng room para pumunta sa canteen, narinig kong nag-chichismisan yung dalawa kong kaklase nang mabanggit nila ang pangalan ko at ni Blaine.

"Totoo ba yun?! Si Blaine yayayain si Iyah?! Unbelievable!" sabi ni chismosa classmate number 1.

*ehem*

"Ay! Nandyan ka pala Iyah." say ni chismosa classmate number 2.

"Naku! Kung ako sa'yo, dito na lang ako maglu-lunch sa room. Kalat na kalat na kaya ang balitang date niyo ni Blaine." say naman ni number 3.

Patay! Kumalat na agad yung balitang pagyaya sa kin ni Blaine?! Natatakot na ko, panigurado kasi, susugurin na ko ng mga fangirls niya anomang oras.

Tinext ko agad si Almira na hindi muna ako sasabay. Umupo ulit ako sa upuan ko. Dito na lang ako ako kakain. Nang susubuin ko na yung pinaghirapang sushi ni Nanay, biglang bumukas yung pinto.....

NANDITO NA SILA!!!

PATAY!O.O

Tumakbo silang lahat papunta sa kinauupuan ko. Dahil no choice na talaga ako, kumaripas agad ako ng takbo palabas gamit ang kabilang pintuan.

Mga 2 rooms pa lang ang nalalagpasan ko pero pawis na pawis na agad ako. Napasalampak ako sa sahig sa sobrang pagod. Anubayan! Sa susunod talaga, mag-eexercise na ko. Pramis!

Biglang may nag-cover ng panyo sa may ilong ko.

"Ha! Tatakas-takas ka pa ha!" narinig kong sabi ng isang babae bago ko pa man maramdaman ang pagbigat ng eyelids ko.

♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛

Pagdilat ko, nasa likod na ako ng school, nakaupo ako pero nakatali yung dalawa kong kamay sa likod ng upuan. Tapos pinapaligiran pa ako ng mga babae. Sila na nga ata yung mga brutal na fangirls ni Blaine.

Iiiiiiiiih! Natatakot na ko sa pwedeng mangyari! Wala pa namang ibang katao-tao dito. Wala ring CCTV.

Huhu! Babye world! :'(

"Iyan, finally, nagising rin ang feeling prinsesa!"

"Ano? Porket nakatikim ka na ng makeover sa tingin mo, makukuha mo na si Blaine?"

"Never! In. your. dreams."

Grabe! Naman!

"Bakit? Sa tingin niyo ba, sa pagpapahirap niyo sakin makukuha niyo si Blaine! Sa tingin niyo, ganyan ang type niya, brutal at mapang-api na mga babae? Pwes! Manigas kayo!"

Nakita kong napikon yung pinaka acting leader nila. "Akin na nga yung scissors at bat!"

Hala! Dapat ata, di ko na sinabi yun. Patay!





A/N: Naku! Ano na kaya mangyayari kay Iyah? Hanggang Chapter 13 na nga lang kaya ang story na ito? Huhu! Wag naman sana. Next time kasi fangirls, chillax muna.

When a Gay Falls for a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon