Chapter 29: On My Own

1K 21 1
                                    

Zane's POV
Na-miss niyo na ang hotness ko no mga sisterlets? Ito na at nagbabalik ang beauty ng lola niyo.

Heto ako ngayon basang-basa sa pawis. Pano ba namern naka black na leather jacket at cap lang naman ang yours trulalu.

Ang puso ko naman, basang-basa sa luha.

Haler! Makita mo ba naman ang crush mo at ang 'bestfriend' mo na puno ng hearts and sparks everywhere di ko na lang alam kung di rin madurog into million pieces ang hearts niyo.

Ang mas masakit pa, ako pa mismo yung nagbigay ng push para maging sila. Yung feeling na kailangan ko pa talagang ipagtulakan (as in literal na ipagtulakan) si crush para lang makaamin siya sa mahal niya (which is hindi ako, obviously).

Buti na lang naka-shades ako kaya hindi halatang nangingiyak-ngiyak na aketch.

So ano? Di niyo pa rin ba gets? Kawawa naman kayo. Sige na nga ito na ang full story. Saan ba ko dapat magsimula?

First confession: Ako yung drummer na naka-mask. Kasi naman tong si Jason paabsent-absent pa e. Syempre ako namern to the rescue!

Second confession: Kasama talaga ako sa plano ni Blaine na pagcoconfess niya kay Lechboy. Ang plano, kakantahan niya si girlalu tapos may video na ipeplay. Kasama sa tutulong yung dalawang buknoy pa naming kaibigan na naka-assign sa simpleng pag-play ng video ng confession ni Blaine. Aba e sumablay pa! Ang naiplay, video ni Barney.

Me naman ay naka-assign sa communication thingy. Ako yung mag-ga-guide kay Blaine kapag kinakabahan siya. You know, naririnig ko yung pinag-uusapan nila tapos ako yung magsasabi ng dapat gawin nitong si crushie. Bale may parang earings si Blaine na ang totoo niyan ay isang gadget talaga for communication. High tech no? Ibang level na kami. Bleh di nyo reach! Hehe!

PERO KAHIT NA PA-HEHE-HEHE PA KO HERE ANG SAKIT SAKIT TALAGA E HUHU! PASENSYA NA HA?

So iyon na nga, yung plano sablay kaya nag-to-the-rescue nanaman aketch. Niyaya ko yung dalawang buknoy na magdisguise para mas mapabilis ang pag-amin ni Blaine at mas mapaikli yung agony sa puso ko. This leads to my third confession.

Third confession: Kami yung bumunggo kay Blaine para mas mapalapit siya kay Iyah at mawala yung tensyon niya.

Pagkatapos naming bungguin, ayun, ang lola niyo-- ako 'yon--kasama ang dalawang buknoy ay pinapanuod silang naglalandian habang patuloy pa rin ako sa pagsabi ng mga dapat gawin ni Blaine.

"Tol, ibigay mo yung panyo mo. Tapos habang nagpupunas siya, i-grab mo na yung chance para umamin. Wag na torpe pre lakas mo maka-bading e no!" utos ko with todo expression talaga.

Hay totoo nga na 'if you love them, you set them free talaga'....

"This is it! Go say the three words bago mahuli ang lahat!" Pagpapatuloy ko pa.

And that's it. Tuluyan nang nadurog ang puso ng nagmamahal na binibini (that's me)

Ang lakas ko namang maka-Eponine from 'Lés Misérables'. Theme song ko na simula ngayon ang 'On My Own'

On my own
Pretending he's beside me

At eto pa ang mas tagos:

I love him
I love him
I love him
But only on my own

Pagkatapos nilang umikot, nakita ko silang nagkiss kaya umalis na ako. Tutal tapos naman na ang mission ko. Napalapit ko na silang dalawa. Hindi na nila ako kailangan.

Pero masakit pa rin talaga e. Ang swerte mo Iyah....hay.

•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•

When a Gay Falls for a GirlWhere stories live. Discover now