Chapter 5: The Bra.

2.1K 49 1
                                    

"Oy ano na desisyon mo?" impatient na tanong sa akin ni Stef. Atat na atat na kasi silang lahat about our mission. Gusto nila the sooner the better daw. Meganon?

"Give me more time guys. Mahirap mag-decide eh. Kung gusto niyo kayo na lang eh." medyo may pagkainis ang tonong sabi ko.

Then, ayun, walk out. Ganun talaga akong kabastos na nilalang.

Para naman maalis ang stress, I decided to watch Blaine play basketball. Hay, punong-puno yung court. Puro girls, paano ba naman kasi nandito ang top 1 and 2 hottest hearthrobs ng campus.

Napanuod ko siyang maglaro. Grabe! Ang hot niya talaga. Kinikilig ako! Eneber! Pati nga yung ibang mga girls kilig na kilig eh.

Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay siya! Award winning ba naman sa paglalandi kay crush!

Sino pa ba? Eh di 'yung baklitang si Zane Mikael Cruz.

Akala mo concerned lang pero 'yung simpleng pag-abot niya ng bottled H2O kay Blaine may pahaplos-haplos effect pa. Idagdag mo pa 'yung pagtingin-tingin niya kay Blaine na pawisan kailangan may kasamang kagat-labi pa? Dumadamoves talaga 'tong baklitang ito e! Argh! Ka-high blood talaga! Para bang gusto kong manabunot!

And I can't fight this feeling anymore! Tumakbo ako papalapit kay Blaine.

Before I even got to get near their seats, may sumalubong na kaagad sa aking malaking manong na naka black na black na shades. As if naman may araw sa loob ng covered court. Hindi pa nakuntento, balot na balot pa nang coat. Lakas ng trip ni kuya.

"Bawal lumapit dito ang mga fangirls." Mahinahon pero may authority ang boses niya.

"Eh..kuya. Kaibigan ko po si Blaine. Please? Kakausapin ko lang po siya." I pleaded with matching puppy eyes.

"Hindi pwede." malamig na malamig niyang sabi. Ang sungit! Nakakaasar! Pero knowing myself, palaban ata toh. Tumakbo pa rin ako papalapit. Pero nahablot pa rin niya ko at agad na pinatong sa kanyang right shoulder.

"Hindi mo ba narinig? Bawal nga dito ang mga asungot!" epal na sabi ni Zane. Lumapit siya dito while si Blaine, well di ko makita. Siguro nag-cr.

Yung dugo ko, asar kumukulo nanaman!

"Sorry ha pero hindi kasi ako asungot na katulad mo." I snapped back nang makalapit yung baklitang yun.

"Ang kapal mo naman."

"Mas encyclopedia ka!" meaning makapal. Hindi dahil punong-puno ito ng info ha.

"How dare you!"

"How dare you too!" nakakabwiset na ha.

Bigla siyang lumapit. Kahit pa mukhang makapapatay na 'yung tingin niya, wala pa rin akong pakialam.

Buti na lang umeksena na si Knight in Black Porsche ko. Mwahaha! Buti nga sa kanya.

"Kuya. Ibaba niyo po siya." kalmado na sabi Blaine my baby. Agad naman sumunod si kuya manong. Yehey!

"Hi! Oh kamusta ka na?" sabi ko with a smile.

"Oy! Ikaw pala yan Ms. Dimples!" Tama ba pagkakarinig ko? Ms. Dimples?

Then, lumapit si Blaine sa akin.

"Iyah right?" he added. Tapos he gave me the sweetest hug ever.

Ano ba naman iyan! Walang pasabi na yayakapin ako! Kinikilig tuloy ako hanggang puwet. Lakas talaga ng tama ko sa lalaking to kahit pawisan pa siya.

When a Gay Falls for a GirlOn viuen les histories. Descobreix ara