Chapter 10

1.2K 25 1
                                    

-----------------

BRYAN’s POV

Nagising ako ng wala ka na sa aking tabi. You leave me without my knowledge, without a note giving me a reason why you left me behind. Kailangan kong malaman kung bakit isang umaga, nagbago ang lahat, bakit wala ka na. Bakit iniwan mo ako at hinayaang mag-isa? Kailangan ko ng rason?

Jeselle, mahal kita, mahal na mahal. Every morning I would go to your place just to see if you returned, but every morning I fail. I don’t usually give up the things I love the most. I love you. But somehow this time, I questioned myself, is it time for me to let you go?

Para sayo kaya kong tiisin ang magmukhang tanga, ang magmukhang tanga sa paningin ng tao, sa paningin ng sarili ko. Kasi hindi ko alam kung paano, Hindi ko alam kung kelan, hindi ko alam kung anong nangyari, kung anong mali sa akin bakit mo ako iniwan?

Ang akala ko okay na ang lahat, ang akala ko babalik na tayo sa dati, pero akala lang pala ang lahat. It hurts, it breaks me, thinking that you just disappear. You vanished as if no one cares. I care. I will always will.

Hindi ko alam kung nasaan ka ngayon pero sana maisip mo na may isang taong pinanghahawakan pa rin ang pangako na minsan mong binitawan. Sa isip isip ko, ano nga ba ako sayo? Ano ba si Bryan sa buhay mo? A lover turned into a stranger, I guess so. Sana bumalik ka na.

Ngayon dininig ng diyos ang aking hiling. I received a call from Cristy later this day.

“Susuko ka na lang ba? Hindi mo ba pupuntahan si Jeselle?” Sa boses niya ay masasabi kong may gusto itong sabihin.

“Hindi ko alam Cristy, ni hindi ko alam kung na saan siya eh.”

I motioned towards the couch and take a seat.

“Right now, she’s staying at my place pero wala siya ngayon dito, kasama niya ang batugan niyang ex.”

I was shocked from what I’ve heard from the other line. Paano? Is this the reason why she walked away, because she is still in love with her ex?

“I’ll be there soon.”

Nagmadali akong naglakad papunta sa drawer kung na saan ang susi ng kotse. Kinuha ko ito at kumuha din ako ng damit sa drawer para magpalit.

“Bilisan mo. Pauwi na daw iyon. I guess the two of you need to talk.”

I put my t-shirt on at nagmadaling lumabas ng bahay at pumunta sa garahe kung na saan ang aking kotse. Dali dali akong nagdrive papunta sa place ni Cristy. Hindi ko maitintindihan ang nangyayari, hindi ko alam kung ano ang rason niya. I arrived at Cristy’s place around 7:30. Nakatayo siya sa front door ng kanyang bahay ng dumating ako.

“Is she around?” Agad kong tanong ng makababa ako ng sasakyan.

“Wala pa, pasok ka muna.”

Pumasok kami sa bahay niya at dumiretso sa sala at doon ay umupo ako.

“Kuhanan lang kita ng maiinom,” tumango lang ako while she’s standing towering over me. She motioned towards the kitchen then get back with two glasses of drink. She placed it on the table in the middle.

“Ano ba talaga nangyari sa inyo ni Jeselle?”

She take a seat on the opposite side. “Though, nagkuwento sa akin ni si Jeselle. Parang mayroon talagang something na hindi niya sinasabi sa akin.”

The Promise (Published under LIB)Where stories live. Discover now